Pinapanood nila Rusty sila Gauri at Valerie na seryosong nagspa-sparring. Nagtataka naman sila kung paano naging close ang dalawa kung hindi naman nila nakikita itong nag-uusap. Tapos makikita nila ngayon na parehas nang-aasar ng ngiti ang dalawa habang inaatake ang isa't isa.
"Ouchie...hindi ko alam na malakas palang manuntok itong si Gauri." nakangiwing sabi ni Rusty nang makitang nasikmuraan ni Gauri si Valerie.
"At ngayon lang din namin nakita na ganito ka-hype mag-sparring si Valerie." sabi ni Luna.
"Siguro ay dahil magkalevel silang dalawa kaya ganon na lang sila ka-hype ngayon." sabi naman ni Fenrir. "And I don't think this is a good idea. Masyado na nila napupuruhan ang isa't isa."
"Hayaan mo, parehas naman silang alpha eh. Wala lang sa kanila ang mga sakit sa katawan nila." sabi ni Rusty.
"Mabuti talaga ay parehas silang alpha."
"Umm..mahigit dalawang oras na sila rito. Hindi ba natin sila papatigilin?" tanong ni Dakota.
"Huh? dalawang oras na?" nagulat naman ang tatlo na malamang kanina pa ang dalawa.
"Paano ba sila nauwi sa ganyan?" tanong ni Rusty.
"Nag-aasaran sila nung una hanggang sa hinamon ni Gauri si Valerie." sagot ni Dakota. "Katulad ninyo, nagulat na lang ako na bigla silang nag-usap na dalawa. Pero nag-aasaran sila."
"Sa tagal ko ng nakasama si Valerie ay ngayon ko lang nalaman na kaya nyang mang-asar." nahihiwagahang sabi ni Luna at tumingin kay Valerie. Saktong sinipa ni Valerie si Gauri sa tiyan nito kaya napaatras si Gauri.
Kahit na nasaktan sa pagsipa sa kanya ni Valerie ay hinawakan nya ang paa nito at itinaas kaya na-out of balance si Valerie. Kinuha ni Gauri ang pagkakataon na iyon para suntokin si Valerie sa mukha. Nagawang iiwas ni Valerie ang ulo nya kaya tumama ang kamao ni Gauri sa sahig. Ramdam ni Valerie ang impact ng suntok ni Gauri sa sahig. Napangisi si Valerie at sinipa ulit si Gauri sa tiyan para mapaalis ito sa ibabaw nya. Mabilis itong tumayo at muling sinipa si Gauri sa mukha. Inilag ni Gauri ang mga kamay nya pero sa lakas ng sipa ni Valerie ay napahiga sya.
Tinignan ni Gauri si Valerie at nakita nya itong nakangisi sa kanya habang nakatayo sa harapan nya. Naiinis naman si Gauri kaya agad syang tumayo at sinugod si Valerie.
Kinuha ni Luna ang cellphone nya nung tumunog ito. Nakita nyang tumatawag si Eliot sa kanya. Bahagya syang lumayo sa mga kasama nya at sinagot ang tawag ni Eliot.
"Hey, Eliot." bati nya rito.
"Hey, kasama mo ba ang iba? may bago tayong mission at kailangan nating umalis within one hour."
"Yup kasama ko silang lahat. Pupunta na kami riyan sa quarter."
"Thanks!"
Pagkatapos ng tawag nila ay sinabihan nya ang tatlo na may bago silang mission kaya kailangan nilang patigilin ang dalawang naglalaban. Sinubukan nila itong tawagin pero hindi sila pinapansin ng dalawa na tila hindi sila naririnig ng mga ito.
"Mukhang kailangan ninyong sumingit sa kanila para tumigil." sabi ni Fenrir at tumingin kanila Luna at Rusty.
Bumuntong hininga si Luna at naglakad palapit sa dalawa. Kinuha ni Luna ang pagkakataon na pigilan si Valerie nung napaluhod si Gauri. Humarang sya sa pagitan ng dalawa at nginitian si Valerie na syang kaharap nya.
"May bago tayong mission kaya kung ako sa inyo ay tumigil na kayo." sabi ni Luna at nilingon si Gauri.
Umatras si Valerie at huminga ng malalim. Sinilip nya si Gauri na tumayo na rin. Ngumisi sya nung tumingin sa kanya si Gauri.

BINABASA MO ANG
Alpha
RomanceThe Alphas, they are the excellent and superior sex. The Betas, they are like normal people. The Omegas, they attract the Alphas into mating with their unique smell.