Pagkatapos ng limang araw ay nakabalik na si Zephyr at Gauri sa HQ00 dala ang nakuha nilang ilang tangkay ng black tree. May ilang sugat na natamo si Gauri sa pakikipaglaban sa mga monster na umatake sa kanila habang walang sugat na natamo si Zephyr. Ipinagpahinga na ni Zephyr si Gauri pagkarating nila.
"Ms. Zephyr, kamusta ang mission?" tanong ni Manuel.
"All good. Isang sako rin ang na-collect namin sa black tree." nakangiting sagot ni Zephyr. "By the way, Manuel, can you do some research about Gauri Levine."
"Gauri Levine? interesado ka talaga sa kanya 'no?"
"Nararamdaman ko kasi na she's somehow related to Murphy Delavine."
"Murphy Delavine? magkatunog lang yung surname nila, inisip mo na agad na related silang dalawa."
Ngumiti si Zephyr kay Manuel. "Wag mong kalimutan na ibigay sakin ang impormasyon na makukuha mo. Pupunta lang ako kay Weis." paalam nito kay Manuel at tumungo sa office ni Weis.
Walang katok-katok na pumasok si Zephyr sa loob ng office ni Weis pero hindi nya ito nakita sa loob. Nakarinig sya ng boses na nagmumula sa isang pintuan kung saan ang kwarto ni Weis. Nakarinig sya ng ungol, ungol na napapaligaya. Naamoy nya rin ang sweet honey scent na nagmumula sa kwarto. Naaakit si Zephyr sa scent na naamoy nya pero kaya nyang pigilan na sugudin ang nagmamaari ng pheromones na iyon. Sinanay ni Zephyr ang sarili nya na pigilan na ma-turn on sa omega scent kaya nanatili sya sa opisina ni Weis sa kabila ng mabangong amoy. Naupo sya sa sofa. Kinuha nya ang magazine na nasa coffee table at hinintay na matapos si Weis sa sex time nito.
Isang oras at mahigit din ang hinintay ni Zephyr nung lumabas si Weis sa kwarto nito na bagong ligo. Nagulat si Weis na makita si Zephyr na prenteng nakaupo sa sofa habang nakatuon sa cellphone. Umangat ang tingin ni Zephyr para tignan si Weis pero nakita nya sa likuran nito ang apprentice nya na bagong ligo rin. Napangisi naman si Zephyr.
Bakit kaya hindi magawang tanggihan ni Valerie si Weis kung si Gauri ay nagawa? sa isip na sabi ni Zephyr.
"Master. Nakabalik na kayo." bati ni Valerie na wala lang sa kanya kung makita sya ni Zephyr na kasama si Weis.
"Kanina pa. Ang tagal ninyo nga eh." nakangiting sabi ni Zephyr at tinignan si Weis na tumungo sa harap ng lamesa nya. "We need to talk, Weis."
"Mauuna na ako." nakaramdam si Valerie na importante ang pag-uusapan ng dalawa kaya naman nagpaalam na ito.
Pagkalabas ni Valerie ay tumayo si Zephyr at lumapit kay Weis. Cool itong tumayo sa harap ng lamesa. Pinatitigan ni Weis ang postura ni Zephyr at hindi nya maiwasan na mapakagat ng labi. Nakatayo lang ito sa harapan nya pero ang lakas ng dating ni Zephyr para ma-turn on sya. Napansin iyon ni Zephyr kaya napangisi sya.
She's still can't get over me. Sa isip ni Zephyr.
"Let's have a deal, Weis." pagkukuha atensyon ni Zephyr kay Weis dahil masyado na nakatitig sa katawan nya si Weis.
Napakunot ang noong tinignan ni Weis si Zephyr. "What do you mean?" takang tanong nito.
"Stop bothering Gauri and I will give you what you want." mas lalong nagtaka si Weis sa sinabi ni Zephyr.
"I see. Nagsumbong sya sayo." nakaramdam ng inis si Weis na umabot na kay Zephyr ang tungkol sa pagtanggi nito. Worst ay si Zephyr pa ito na isa rin na tumanggi sa kanya.
"Not really. Nung una pa lang ay napansin ko na ang pagka-bitch attitude mo sa kanya kaya naman tinanong ko sya kung ano meron sa inyo. Hindi sya nagsabi sa takot na pahirapan mo sya lalo kaya naman ikinukwento ko sa kanya ang ginawa kong pagtanggi sayo." nakangising sabi ni Zephyr.
BINABASA MO ANG
Alpha
RomanceThe Alphas, they are the excellent and superior sex. The Betas, they are like normal people. The Omegas, they attract the Alphas into mating with their unique smell.