Isang oras lang ay malapit ng makarating sila Gauri sa village na pupuntahan nila at kahit na malayo pa lang sila ay nakikita na nila ang sinasabing monster na umaatake sa village. Isang white nine tailed fox na may laking ten feet tall. Nasira na nito ang laser fence at ngayon ay pilit nitong sinisira ang pader ng village.
Kumunot ang noo ni Valerie dahil sa pagkakaalam nya ay hindi sumusugod ang white nine tailed fox unless may gawin sa kanya. Napapaisip ito kung may ginawa ba ang mga tao sa village para magalit ang white nine tailed fox.
Kinuha ni Gauri ang extrang sniper riffle sa backseat. Dumungaw sya sa bintana at itinapat ang baril sa white nine tailed fox. Itinutok nya ang scope sa mukha ng white nine tailed fox at binaril ito. Nakita nya sa scope na umilag ang white nine tailed fox sa bala na ikinagulat nya pero nagpatuloy ang white nine tailed fox sa pag-atake sa pader. Naisip ni Gauri na baka kumilos lang ang white nine tailed fox kaya ito hindi natamaan dahil never pa syang nakakamiss ng target. Kaya naman muli nyang binaril ang white nine tailed fox at sa pagkakataong ito ay sa katawan nya na ito tinutok. Pero tila alam talaga ng white nine tailed fox na may balang palapit sa kanya kaya naman tumalon ito para iwasan ang bala.
"The heck?" gulat na tanong ni Gauri.
"May tinatamaan ka ba talaga?" rinig nyang tanong ni Valerie. Bumalik si Gauri sa pagkaupo ng maayos.
"Umiiwas ang halimaw." nakairap na sagot ni Gauri.
"Skill issue." pang-aasar ni Valerie.
"Ha-ha funny, Valerie. Bilisan mo na lang lumapit. Wala akong oras para makipagtalo sayo."
"Oh hindi ka marunong mag-multitasking, how weak." patuloy na pang-aasar ni Valerie.
"Shut the fuck up, Valerie. Kanina ka pa ah." inis na sabi ni Gauri at inirapan ito. Habang nasa biyahe sila ay hindi nawala ang asaran nilang dalawa. Hindi sila natatahimik ng ilang minuto man lang dahil parehas ayaw magpatalo.
Nang malapit na sila sa white nine tailed fox ay umakyat ng bubong ng sasakyan si Gauri. Inilabas nya ang espada nya at humanda sa pagtalon sa white nine tailed fox. Bago mabunggo sa white nine tailed fox ay iniliko ni Valerie ang sasakyan. Tumalon si Gauri at inatake ang white nine tailed fox pero katulad kanina ay agad na umiwas ang monster.
"She's not a S class for nothing." bigkas ni Gauri at humanda sa kung ano man ang gagawin ng white nine tailed fox na ngayon ay nakaharap sa kanya at galit na galit.
Umiwas si Gauri nung bumuga ng asul na apoy ang white nine tailed fox. Tumakbo palapit si Gauri sa monster at inatake ito. Pero sinalag lang ito ng white nine tailed fox gamit ang matatalim nitong claw. Muling bumuga ng apoy ang monster at muntikan na maapoyan si Gauri kung hindi ito nakailag agad. Sumugod si Gauri at sinubukan na matamaan ang white nine tailed fox. Sa ilang beses nyang pag-atake ay isang beses nya lang nasugatan ang white nine tailed fox.
Habang nakikipaglaban si Gauri sa white nine tailed fox ay dumiretso si Valerie sa village. Agad syang pinapasok ng mga tao roon nang makita sya.
"Stay here." sabi ni Valerie sa dragon bago bumaba. Sinalubong ng chief ng village at ilang mga tao.
"Mabuti ay nakarating kayo." nakahingang sabi ng chief sa pangangaba nyang tuluyan na masira ng white nine tailed fox ang pader.
"What did you do?" agad na tanong ni Valerie na ikataka ng chief. "Hindi susugod ang white nine tailed fox kung wala kayong ginawa sa kanya."
"Wa-wala kaming ginawa." sagot ng chief. Napansin ni Valerie na umiwas ng tingin ang ilang mga tao sa paligid. Mas lalo nyang pinagdudahan ang mga tao sa village.
BINABASA MO ANG
Alpha
RomanceThe Alphas, they are the excellent and superior sex. The Betas, they are like normal people. The Omegas, they attract the Alphas into mating with their unique smell.