Chapter 4

1.3K 109 29
                                    



Dalawang linggo simula ng pagpapahirap ni Mrs. Anderson kay Gauri na araw-araw na lang ay may mission ito. Hindi na nakakasama pa si Gauri sa mga mission ng CP00 dahil sa mga solo mission nito na kung hindi monster hunting ang gagawin ay inuutusan sya sa mga bagay-bagay na hindi na pasok sa job description nya. Katulad ng paglilinis ng storage room at pag-deliver ng mga files sa ibang headquarters.

Pinagtya-tyagaan na lang ni Gauri si Mrs. Anderson na kahit minsan ay napapagod na sya dahil may ilang beses na kakatapos lang ng monster hunting nya ay nagkaroon ulit sya ng bagong mission. Kahit na isa syang alpha na madaling makabawi ng lakas ay gusto nya pa rin magpahinga sa mga mission na binibigay sa kanya ni Mrs. Anderson pero hindi nya magawang magreklamo dahil baka lalo lang lumala ang lahat.

Naiinis naman lalo si Mrs. Anderson dahil nakikita nyang nakakaya ni Gauri ang mga mission na binibigay sa kanya. Na parang bang hindi ito nahihirapan. Gusto nya itong sumuko na at magmakaawa sa kanya na patawarin sya sa pagtatanggi sa kanya pero nagagawang magtyaga ni Gauri kaya hanggang ngayon ay hindi nya pa rin ito hawak.

Napabuntong hininga si Gauri habang patungo ito sa bakery dahil nautusan sya ni Mrs. Anderson na bumili ng tinapay sa mismong bakery ng lugar. Nagtataka ito bakit nautusan sya sa ganong bagay pero naisip nya na baka wala ng mission na maibigay sa kanya kaya kung ano-ano na ang pinag-uutos sa kanya. Naisip nya na mabuti na rin ang ganito kaysa sa monster hunting na minsan ay nakakatamo sya ng mga sugat sa pakikipaglaban.

"Kung ibinibigay mo na samin ang pera mo at nang matapos tayo rito?" napatigil sa paglalakad si Gauri nang may marinig sya sa eskinita. Sinilip nya kung ano nangyayari at nakita nya na may limang lalaki ang nakapalibot sa isang mayaman na babae. Nalaman nyang mayaman ito dahil nakasuot ito ng suit na hindi madalas makita sa lugar.

"Gusto pa ata nitong masaktan, boss." sabi ng isang lalaki at inilabas ang patalim na armas.

Hindi nagdalawang isip si Gauri na tulungan ang babae kahit na nakatayo lang ito at hindi umiimik.

"Hoy." pagtatawag ni Gauri. Lahat ay tumingin sa kanya na may pagtataka sa mukha. "Ang kakapal ng mukha ninyo para palibutin ang babae."

"Sino ka ba?! Wag kang makialam dito ah." sabi ng isang lalaki na mohawk ang haircut.

"Hindi ko hahayaan na saktan ninyo ang babae at lalo na nakawan ito." sabi ni Gauri.

"Hah! gusto mo rin bang masaktan?" sabi ng may hawak ng patalim.

"Kayo ang masasaktan." sabi ni Gauri at sinugod ang mga lalaki. 

Hinawakan ni Gauri ang kamay ng lalaking may hawak ng patalim at pinihit ito dahilan para mabitawan ng lalaki ang patalim. Sinuntok nya rin ito sa mukha para mawalan ng malay. Tumingin ito sa gilid nya at umilag sa suntok ng isang lalaking lumapit sa kanya. Sinipa nya ito sa tiyan at humarap sa isa pang lalaki na sumugod sa kanya na may hawak na kahoy. Umiwas sya rito at kinuha ang kamay ng lalaki tsaka nya ito hinila pabato sa isang lalaki na susugod din sa kanya kaya parehas tumumba ang dalawa.

Muli syang humarap sa lalaking sinipa nya at sinuntok sa mukha para mawalan din ng malay. Tumingin sya sa tatlong lalaki na natira pero nahalata nyang natakot na ang mga ito sa kanya kaya ilang saglit lang ay tumakbo na ang tatlo paalis at iniwan ang dalawang lalaki na walang malay.

"Mahihina naman pala." sabi ni Gauri at pinagpag ang katawan nya. Humarap sya sa babae na hindi kumilos sa pwesto nito at nakatingin sa kanya. "Miss, okay ka lang ba?" tanong nya rito.

"Yes, I'm fine. Thank you for saving me." nakangiting sabi ng babae.

Tsaka lang napansin ng maayos ni Gauri ang itsura ng babae. Mas matangkad ito sa kanya ng ilang inches. Napansin nya rin na may peklat sa gilid ng kanang mata ang babae at kahit na may peklat ito ay hindi nabawasan ang kagandahan nito na mas lalo pa ngang ikinaangas ang peklat. Tinignan nya ang suot ng babae. Naisip nya na mayaman talaga ang babae dahil may mga accessories na mukhang mamahalin ang nakasabit sa suit nito. Napansin nya rin ang pangangatawan ng babae at nakitang may kalakihan ang pangangatawan nito. Bigla nyang naisip na hindi kailangan ng tulong ng babae.

AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon