Chapter 9

1.9K 104 53
                                    



Nang mahimasmasan ang babae ay hindi na ito tumanggi sa dalawa na sumabay na umuwi ng Knightwatch village. Tahimik nilang tinahak ang kinaroroonan ng sasakyan nila at hindi na inabalang makipagpakilala. Nang makarating sa sasakyan ay agad silang sinalubong ng dragon. Sa gulat at takot na naramdaman ng babae dahil isang dragon ang lumapit sa kanila ay agad itong naglabas ng espadang dala nya.

"Woah, chill!" agad na sabi ni Gauri nang makita handang sugurin ng babae ang alagang dragon nito. "Alaga ko sya." takang tinignang ng babae si Gauri.

"Isa syang dragon, halimaw."

"I know, pero mabait sya. Hindi ka nya sasaktan." nilingon ni Gauri ang dragon na kay Valerie lumapit. "See? he's fine." tinignan ng babae ang dragon at nakita nyang masaya ito habang kalong kalong ni Valerie.

"Paanong napaamo mo sya?" tanong ng babae. Nakitbitbalikat lang ang sagot ni Gauri. Ayaw nyang ipaalam pa ang tungkol sa storya nila ng dragon.

"Let's go. Malapit ng dumilim." pag-aagaw atensyon ni Valerie sa dalawa. "Kung natatakot ka kay Silver, pwede ka sa likod maupo." nagtungo sa driver seat na dagdag nya.

"Sa likod na lang ako." sagot ng babae. Tumango si Gauri at sumakay na sila ng sasakyan.

"Kailangan kong maligo." agad na sabi ni Gauri pagkapasok nito sa sasakyan. "Ang baho ko na."

Napataas ng kilay si Valerie at bahagyang tumaas ang gilid ng labi. "You smell good tho."

"Ulol mo. Ang baho ko dahil sa amoy mo." nakasimangot na sabi ni Gauri. Hindi na naiwasan pang mapangisi ng malaki ni Valerie.

"Imbis na pasalamatan mo ako dahil napigilan ang pagsusuka mo kanina ay nagsisinungaling ka pa."

"Whatever. Ayokong nasa katawan ko ang amoy mo kaya bilisan mo ang pagdrive." napangisi si Valerie dahil hindi na pumalag pa si Gauri sa asar.

Nakarating sila sa village na agad silang nilapitan ng chief nang makita ang logo ng Maverick Forces sa sasakyan. Saglit lang sila binati ng chief at tinanggihan ang paunlak nitong manatili sa bahay nito. Mas pinili ng dalawa na magpalipas ng gabi sa inn.

"Thank you again." nahihiyang sabi ng babaeng niligtas ng dalawa.

"No problem." nakangiting sabi ni Gauri. Nagpaalam ang babae sa kanila na aalis na ito.

"Let's go." sinunod ni Gauri si Valerie patungo sa inn habang buhat-buhat ang dragon na nakatago sa malaking tela. 

Unang bumungad sa kanila ang mala-medieval tavern na ikinahanga ni Gauri makita. Nakaawang ang bibig na nilibot ang paningin. Hindi nya ineexpect na may classic interior pa rin sa panahon ngayon.

"Nako pasensya na pero isang room na lang ang available ngayon samin. Two beds naman iyon kung gusto ninyo." sabi ng owner ng inn na kausap ngayon ni Valerie. "May malaking grupo ng merchant ang dumating ngayon kaya halos lahat ng inn sa village ay hindi na available."

Tinignan ni Valerie si Gauri na nagtatanong kung okay ba ito na magkasama sila sa iisang kwarto.

"May magagawa pa ba tayo?" nakataas na kilay na sabi ni Gauri.

"We will take it." sabi ni Valerie sa owner. Nakangiting tumango ang owner at ibinigay ang susi ng magiging kwarto nila.

Naglakad patungo ang dalawa sa magiging kwarto nila. Agad binitawan ni Gauri ang dragon sa pagkakalong nito at maligalig na nilibot ng dragon ang kwarto nila. Lumapit naman si Gauri sa isang higaan at nahiga.

"Sawakas nakahiga rin ng malambot na kama." napangiti si Gauri sa malambot na kama.

"Mauna ka ng maligo." sabi ni Valerie at ibinaba ang ibang gamit na dinala nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon