Chapter 8

1K 90 23
                                    



Tinikman ni Gauri ang niluluto nya kung tama na ang lasa. Napangiwi sya na nasobrahan ito sa alat kaya niligyan nya ang niluluto nya ng tubig. Pagkatapos ligyan ay tumingin sya sa gawi nila Valerie kung saan ay tinuturuan nito ang dragon na maglakad. Nakikita nyang maayos na maglakad ang dragon.

"Good job." narinig nyang sabi ni Valerie at binuhat ang dragon. Bahagyang ngumiti si Valerie nang makitang tuwang tuwa ang dragon. Nahawa si Gauri nang makitang masaya ang dragon. "Tomorrow, let's practice how to fly, okay?" masayang sumagot ang dragon kay Valerie.

"Hah, parang nung una lang gusto mo syang patayin tapos ngayon parang anak mo syang gustong turuan." sabi ni Gauri nang maalala nya na sinubukan ni Valerie na patayin ang dragon.

"You can't blame me." sagot ni Valerie at lumapit kay Gauri. "Isang trahedya ang nangyari nung may nagdala ng monster sa headquarter para alagaan." gulat sa mukha ang makikita kay Gauri sa nalaman nya.

"Ohh..." hindi alam ni Gauri ang sasabihin. Mas lalo nyang naiintindihan na hindi maaaring iuwi ang dragon sa headquarter.

Naupo si Valerie sa bato katapat ni Gauri. Ibinaba rin nito ang dragon na lumakad papunta kay Gauri.

"Kung napapansin mo na inaayos ang sira sa west wing ng headquarter ay kagagawan iyon ng monster na dinala ng isang agent na inakalang maalagaan nya ng tama." pagkwe-kwento ni Valerie. "Katulad mo ay hindi rin sya makatanggi sa monster na nauwi nya dahil baby pa lang ito. Nung una ay maayos nya pa itong naalagaan pero habang lumalaki ang monster ay nagiging agresibo ito. Itinago ng agent na hindi nya na ito nakokontrol hanggang sa inatake na ng monster ang headquarter. Isang S class ang monster kaya malaking damage ang nagawa nito sa west wing na hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos. Tatlong taon na rin ang nakakalipas simula noon."

"Tatlong taon na?" nakakunot ang noong ulit ni Gauri. Nagtaka sya kung bakit hindi pa rin ayos ang west wing.

"Dahil buong west wing ang nasira ng monster." napaawang ang bibig ni Gauri. "Ngayon ay naiintindihan mo na kung bakit ayaw namin na dalhin mo si Silver sa headquarter? kahit na maamo sya ngayon, hindi natin alam sa paglaki nito."

Itinikom ni Gauri ang bibig nya at tumingin sa dragon. Ayaw man nyang aminin pero tama si Valerie. Hindi nila alam kung ano ang magiging ugali ng dragon sa oras na lumaki na ito. Isa itong mapanganib na nilalang. Maamo lang ito sa una pero nagiging agresibo rin sa huli. At ang isipin iyon ay nalulungkot si Gauri. Gustong gusto nyang alagaan ang dragon dahil nangako sya sa ina nito pero hindi nya ito matutupad.

Hanggang sa matulog sila ay iniisip pa rin ni Gauri ang dragon sa oras na magkahiwalay na sila. Masyado pa itong bata at hindi nya alam kung magtatagal bang mamumuhay ang dragon na mag-isa. Sa Arges Land ay maraming mga klaseng monster na laging pinupuntirya ang mga mas mahina sa kanila kaya naman alam nyang maraming magbabalak na atakihin ang dragon sa liit nito.

"Just sleep, Gauri." nagulat si Gauri nang magsalita si Valerie. "May ilang linggo ka pa para makasama si Silver. Turuan mo sya kung paano sya makaka-survive rito para hindi ka nag-aalala sa kanya." nagtataka si Gauri kung paano nalaman ni Valerie na gising pa sya kung nakatalikod ito sa kanya.

Bumuntong hininga si Gauri at pinilit na matulog. Pero hindi talaga ito makatulog sa pag-aalala kaya naman muli nyang tinignan ang mga bituwin sa kalangitan. Ramdam ni Valerie na hindi pa rin natulog si Gauri kaya naman hinarap nya ito. Kita nya ang seryoso at pag-aalala sa mukha ni Gauri. Tinignan nya ang dragon na nakasiksik braso ni Gauri at mahimbing na natutulog.

"Napapaisip ako." ibinalik ni Valerie ang tingin nya kay Gauri na nakatingin pa rin sa kalangitan. "Kung paanong hindi nauubos ang mga monster sa tagal na nating kinakalaban ang mga ito. Nasa modern time na tayo at sobrang laki na ng pinagbago ng mga technology natin pero bakit parang hindi sila nauubos?" tanong ni Gauri.

AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon