Napabuntong hininga na lang sila Eliot kanila Gauri at Valerie na nag-uunahan sa track field. Ilang linggo na nagdaan ay walang araw na hindi naglalaban ang dalawa kung sino ang mas magaling sa kanila. Nasasanay na rin ang iba nilang ka-member at hinahayaan na lang silang dalawa.
Pero hindi pa rin makapaniwala sila Luna sa pagiging competitive ni Valerie. Kilala nila si Valerie na hindi ipinagyayabang ang galing na meron sya pero simula nung dumating sila Gauri ay lagi nyang inaasar si Gauri na mas magaling sya rito. Napapatanong tuloy sila Luna kung ano meron kay Gauri para mapabago nya si Valerie. Mas naging active si Valerie ngayon sa pakikipagtungo sa kanila na hindi tulad dati na madalas itong tahimik.
Tinignan nila ang dalawa na tumigil sa harap nila habang naghahabol ng hininga. Nakahawak sa tuhod nya si Gauri habang nakatayo ng maayos si Valerie. Sa pag-uunahan nila ay mas nauna ng isang hakbang si Valerie.
"Gustong gusto ko talagang nakikitang yumuyuko ka sakin." nakangising sabi ni Valerie.
Mabilis na umangat ang ulo ni Gauri at sinamaan ng tingin si Valerie. Umayos ito ng tayo pagkatapos maging normal ang paghinga nito na ilang saglit lang.
"Oh bago pa kayo mag-alitan ulit ay itigil na ninyo 'yan. Pinapatawag ka ni Mrs. Anderson, Gauri." pag-aawat ni Eliot.
"Ako?" nagugulat at nagtatakang tanong ni Gauri.
"Yup, hindi ko lang alam kung bakit."
"Okay." nakakunot ang noong sabi ni Gauri. "Maliligo na muna ako." pawisan sya dahil sa laban nila ni Valerie na hindi lang sa pag-uunahan sa pagtakbo ang ginawa nila.
"No need." mas lalong nagtaka ang mukha ni Gauri sa pagpigil sa kanya ni Luna na maligo muna. "She don't mind it." nakangiting sabi ni Luna. Nahalata ni Gauri na may idea si Luna kung bakit sya pinapatawag ni Mrs. Anderson at hindi nya iyon magugustuhan. Kinakabahan tuloy sya kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos.
Napansin ni Gauri na nakangisi sa kanya si Rusty. Tinaasan nya ng middle finger si Rusty dahil alam nya kung ano ang pinapahiwatig sa kanya ni Rusty. Mas lalo tuloy syang kinakabahan.
Tumungo si Gauri sa opisina ni Mrs. Anderson habang nag-iisip kung paano nya ito tatanggihan sa oras na alukin sya ng bagay na ayaw nyang gawin. Nakarating sya sa tapat ng opisina ni Mrs. Anderson na mas lalo nyang ikinaba. Huminga sya ng malalim ng ilang beses bago sya kumatok sa pintuan. Nakarinig sya ng boses sa loob na pinapapasok sya kaya pumasok sya sa loob.
Hinanap ng mata nya si Mrs. Anderson dahil wala ito sa lamesa nito. Nagtataka naman ito kung nasaan si Mrs. Anderson at ilang saglit lang ay nakita nyang lumabas sa isang pintuan si Mrs. Anderson na ikinagulat nya sa itsura nito ngayon.
Mas lalo syang kinabahan sa mangyayari sa kanya ngayon. Alam nyang hindi na magiging tahimik pa ang pananatili nya sa HQ00.
"Hello there, Gauri." nakangiting nang-aakit na sabi ni Mrs. Anderson habang palakad patungo sa harap ng lamesa nito. Sumandal ito sa edge ng lamesa at humalukipkip na ikakumbok pa lalo ng dibdib nito.
Bahagyang yumuko si Gauri bilang pagbati pero ginawa nya iyon para makaiwas sa pagtingin nito sa katawan ni Mrs. Anderson na ngayon ay nakasuot lang ng bathrobe at bahagyang basa pa sa pagligo nito.
"Pinapatawag ninyo po raw ako?" nakayuko pa rin na tanong ni Gauri.
Napangiti naman si Mrs. Anderson habang pinagmamasdan ang masyadong formal at hindi makatingin sa kanya na si Gauri. Pinagmasdan nya muna ang itsura nito bago sumagot. Hindi nya maiwasan na madilaan ang labi nya na makitang bagat ang hindi gaanong kalaking muscle ni Gauri dahil sa pawis nito at manipis na white polo long sleeve.
BINABASA MO ANG
Alpha
RomanceThe Alphas, they are the excellent and superior sex. The Betas, they are like normal people. The Omegas, they attract the Alphas into mating with their unique smell.