Chapter 6

1.1K 91 42
                                    



Patingin-tingin sa paligid si Gauri habang naglalakad sila sa loob ng dungeon. May mission sila ngayon na kailangan nilang makuha sa dungeon. Isang dragon egg na nakitang ng scout team. Hindi ito na-retrieve ng scout team dahil may mga class S monster ang nakapaligid sa dragon egg na tila binabantayan ito. Kaya naman binigay nila ang mission sa CP00 para iretrieve ito.

Nahati sa dalawang team ang pumasok sa dungeon at naghiwalay ng daan para hanapin ang dragon egg. Kasama ni Gauri si Rusty at Fenrir habang magkasama si Luna, Valerie at Dakota. Si Eliot naman ay natira sa labas ng dungeon at nagmomonitor sa anim gamit ang iba't ibang equipment.

"Maraming mga traps sa dungeon kaya mag-ingat ka sa lahat ng hahawakan mo." pagbabala ni Fenrir kay Rusty. Napatingin saglit sa kanila si Gauri na nahuhuli sa kanila sa paglalakad bago muling tumingin sa paligid.

"May nakukuha ba kayong treasure sa mga dungeon na napuntahan ninyo?" curious na tanong ni Rusty. "Like golds?" nae-excite na dagdag nya.

"You know that we're already in modern time right? malamang wala na. Nakuha na ng ibang agents 'yon." masungit na sabi ni Fenrir.

"Kahit isa man lang? boring." napailing si Fenrir kay Rusty. Napansin ni Rusty na may mga slime monster sa paligid pero hindi sila inaatake kaya naman hindi rin nila ito sinusugod.

Pumasok sila sa isang pinto na nakita nila. Nagulat sila na makitang may treasure box sa loob at kitang kita nila ang kumikinang na golds na nasa loob nito.

"No way." hindi makapaniwalang banggit ni Fenrir.

"Gold! Fenrir! gold!" naeexcite na sabi ni Rusty habang nakaturo sa treasure box. "We're rich!"

"Mukhang pera talaga." sambit ni Gauri.

Nilapitan ni Fenrir at Rusty ang treasure box na hindi pa rin makapaniwala na nakakita sila ng gold. Tumingin naman sa paligid si Gauri at hindi naging interesado sa gold na nakita nila kahit na malaking tulong ito sa kanila. Pagkalapit nila Rusty sa treasure box ay bigla na lang bumukas ang sahig at parehas silang nahulog. Napasigaw sila sa gulat at nung lingunin sila ni Gauri ay nahulog na sila. Napanganga naman si Gauri sa gulat nya at bago pa sya makapag-react ay nagsarado ang sahig.

"Uhh...what the heck?" hindi alam na gagawin na sabi ni Gauri.

Napadaing sa sakit sila Fenrir nang mahulog na sila sa sahig. Ilang palapag ng dungeon din sila nahulog kaya sumakit ang katawan nila sa pagkahulog.

"Fucking traps!" daing ni Fenrir na halos hindi na makatayo.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Rusty.

"Mukha bang okay lang ako?" kahit na nakakaramdam ng sakit ay sinusungitan ni Fenrir si Rusty.

"Chill. Bubuhatin na lang kita kung hindi ka pa rin okay. Maya-maya lang ay okay na ang katawan ko."

"Tsk, alpha." bulong ni Fenrir.

"Rusty, Fenrir, are you guys okay?" narinig nila sa earpiece ang nag-aalalang boses ni Gauri.

"Sort of. Magpapahinga lang kami saglit at kikilos din para umakyat. Masyado na ata kaming napalayo." pagrereport ni Rusty.

"Susunod ba ako sa inyo o kaya ninyo na 'yan?" tanong ulit ni Gauri.

"Kaya na namin 'to. Kaya mo naman siguro na mag-isa lang maghanap 'no?"

"Yeah, alright. Just let me know kung may problema kayo."

"Okay, see 'ya later." tinapos na nila ang pag-uusap nila ni Gauri. Tumingin si Rusty kay Fenrir na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa sahig. "Masakit pa ba ang katawan mo?" tanong nito.

AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon