New life
Clai pov:
Nandito kami ngayon sa restaurant ng pinagtrabahuhan ni Chella dito sa bayan kasi sinabi niya na kumakain daw yung bagong salta dito.
May mga bagong trabaho rin kasi kami.
Si Chella waitress.
Si sty sa ay pet caretaker.
Si Ane ay cashier dito sa restaurant.
Si Ace ay make up artist pero ang minimake up an niya lang ay mga mayayaman na mapadpad o mapadaan sa store nila dahil syempre minanipula nya ito ng kanyang ganda alam niyang masama pero "marami namang pera ang mga yun" sabi niya pa.
Ako naman ang nagbabantay at naglilinis, nagluluto sa bahay at part timer cashier sa isang shop malapit sa restaurant na trinatrabahuan ni Chella .
Si emi yung bagong best friend namin noon na bestfriend namin ngayon naman ay waitress din dito.
Ate! siniko ako ng mahina ni Chella.
Napatingin naman ako sa kanya.
Ate ayan sila nafafamiliaran ako sa mga kinikilos nila ikaw ba.sabi ni Chella.
Oo nga.
Diba. Bilib pa sa sarili na sabi ni Chella.
May pagkakapareho kasi ang mga bagong salta sa kanila ni thry pero himala naman na pumunta iyon dito dahil mga city boys kung tawagin ito anim na lalaki ang mga ito ang gwagwapo at lahat ay seryoso.
Ate balita ko dito daw yan muna titira dahil magpapagawa sila dito ng branch ng kanilang produkto yung sikat na produkto yung moonß and ßtars na brand yung ginagamit na make up ni sty. Pagsasalaysay ni Chella.
Bakit make up lang ba ang May ganoon na brand pati din naman pagkain ah yung mga desserts rin kaya doon sa shop na yun oh. sabi ni Ane
Tinuro ni Ane ang shop na maraming bata ang pumupunta siguro dahil nga maraming matatamis don.
Hoy tumingin sa atin yung isa sa kanila. Pagsalita ni Chella.
Si Ane kasi itinuro pa talaga. Paninisi ni Chella.
Gwapo nung pula yung buhok na nakasalamin yung pinaka matangkad
Akin yan ha. Sabi ni Chella.Yung nakaputi na damit yung sakin yung talkative yung magkaiba ang kulay ng mata yung blue yung kabila tapos green yung kanan. Si Ane.
Hoy paano yung mga lalaki natin sa kabilang bahay?? Anlalandi niyo pero yung kulay black yung buhok na moreno na May salamin yung sakin.
Wow maka malalandi wakas parang d din pumili ah. Sabi ni Ane.
Grabe ka naman sakin. Si Chella.
Kailan ba darating sila Tacy. Tanong ni emi.
Di ko din alam. Si Ane.
Binago "nanaman ulit" kasi namin ang mga pangalan namin.
Si Ane bilang Cia (Sia).
Si Ace bilang Rae.
Si sty bilang Tacy.
Si Chella bilang Jona.
At ako bilang Eash.
Alam naman ni emi ang secreto namin. Wala sana kaming balak ipaalam sa kanya kaso nabanggit sa kanya ni Chella kaya alam niya ang lahat as in lahat mula umpisa hanggang sa huli walang labis walang kulang loyal naman kasi siya kaya okay lang na sabihin namin sa kanya.