V - Known

10.5K 391 437
                                    

Astrea

ALC GENERAL ASSEMBLY

Isang buntong hininga ang nailabas ko dahil nasa harap ako ng silid kung saan nagtitipon ang mga miyembro ng Artsy Lens. To my surprise, natanggap ako matapos ang interview na ginawaran ng associate director.

Siguro nga't desperado na sila dahil kahit nasa kinse lang kaming nag apply ay nakapasok pa rin lahat.

Nasa trenta na kami kasama ang mga dating miyembro ng ALC, kita ko sa loob na may mga libreng pagkain sila at busy din ang mga officers ata sa pag-aasikaso ng meeting.

Pinili ko na maupo sa pinakalikuran matapos 'kong matanggap ang nametag na binigay nila para daw makilala namin ang isa't-isa. Yung karamihan dito ay magkakilala na, ako lang ata ang mag-isa na nag apply na walang kasama oh kakilala man lang.

That's why I'm also questioning why I'm here in the first place. Hindi ko naman pwedeng bawiin nalang bigla yung pag-apply ko, because I'm not that kind of person.

"Okay, since everyone is here, I just want to thank you for being here with us. Taos pusong nagpapasalamat ang mga officers dahil nadagdagan na naman ang pamilya natin, we'll start in a few minutes as Professor Del Mundo will join us today. Pwede po kayong kumuha muna ng pagkain habang naghihintay."

Kung hindi ako nagkakamali, yung Director ng ALC ay si Ashley Hidalgo, siya ang nagsasalita kanina. Third year student din ata siya.

Busy akong nags-scroll sa cellphone ko ng may tumabi sa'kin at inalukan ako ng burger tsaka mismo na coke. Kunot noo akong tumingin kung sino ito. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil bigla-bigla nalang tumatabi kahit 'di ko naman kilala.

"Take it. Kanina ko pa pansin na nag-iisa ka lang dito."

"Oh tapos?"

"Nangangalay na yung kamay ko, miss."

"Kasalanan ko?"

He chuckled and shook his head, "My bad. That means you're not gonna take it."

Alam naman pala.

Mukha ba akong pilay at hindi makakuha ng pagkain? Talagang ayaw ko lang kumuha.

"Hiro Pressman, I'm the one who assisted you when you signed up for the org." He extended his hand as he introduced himself.

"I'm not asking."

"I'm just saying." He laughs as he withdraws his hand, "You're Astrea right? I told Georgina that you signed up in our org and she was really glad to hear that. Thanks by the way, for being here."

Well.. the only reason why I'm here is I felt bad about what Georgina said. And also because it also involves Professor Del Mundo.

Tsaka bakit parang ang big deal na sumali ako dito eh lahat naman ng nag-apply ay tinanggap nila? Eme din 'to si kuya.

"Sure." Tipid 'kong sagot.

I guess he gave up as he nodded his head with a half smile, "Alright. I hope you enjoy the day. Nice meeting you."

People are still not used to me not talking that much? I don't even get why they always approach me. Kailangan ko na atang mag-hang up ng sign na nagsasabing 'Don't talk to me. I bite.' for them to leave me alone.

Aligning the Stars (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon