CHAPTER 2: SUNNY MENDEZ

466 15 1
                                        


REIGAN POV

"HOY REIGAN! KINGINA BUHAY KAPA BA?!" Rinig kong sigaw ni Rain unti kong minulat ang mata ko at bumungad ang mukha nyang nakadungaw at iritang irita

Napabalikwas agad ako ng bangon.

"Shit! Buhay ako insan!" niyakap ko sya sa tuwa

"Taena mo alam kong buhay ka kahit mukha kang bangkay t-teka di ako makahinga siraulo!" Marahas pa nga akong tinulak ng baliw

"Akala ko m-mamatay nako kanina at di ka maniniwala sakin pero may n-nakita akong sirena niligta- ARAY!"  Binatokan ba naman ako ng ungas na to?!

"Nasisiraan kana ata ng ulo e kitang kita ko ngang nakahiga ka ritong nagsa-sunbathing sa palubog na araw bugok!"  napakamot ako sa ulo at inisip ng todo kung imahinasyon o panaginip lang talaga yon

Pero hindi e. Alam kong palunod nako ng sagipin ako ng sirenang yon..

"Tsk sigurado nga ako insan muntik na talaga akong tuloyang malunod!" Banas itong tumalikod sakin at di pinansin sinabi ko

"Sige na! Sige na! baka nasobrahan lang sa init ng Araw yang ulo mo kaya kung ano ano na lang namumuo sa utak mo,"  Nakangusong sumunod na lang ako at tumingin saglit sa dagat mapayapa ito at kahel na ang kalangitan

"Hoy delulu! Tara na at ikwento mona lang yan kay Lola,"  tsk lunorin ko kaya to?!

"Oo na! Aysh!"  

__

"La! Totoo nga kasing may sumagip saking sirena!" madrama kong kwento sa Lola ko na nakangiti lang na nakikinig at ang pinsan kong tumatawa tawa na parang baliw sa gilid

Nasa balkonahe kami at nagkakape, Gabi na rin at tapos na kaming kumain. Walang kasambahay si Lola kahit mayaman naman kami, Kami ng ungas kong pinsan ang gumagawa ng mga gawain dito sa Bahay ni Lola.

"Jusko Lola baka nasiraan na ng ulo si Reigan dahil sa kakulangan ng alak sa katawan! HAHAHA," sinamaan ko sya ng tingin

"Maraming kwento tungkol sa sirena Lalo na dito sa malapit sa Lugar natin pero kung totoo nga apo na may nakita ka, eh baka-" 

"Totoo nga po kasi! Kahit nalulunod nako medyo naaninag ko parin sya! Maputi sya at payat mahaba rin buhok nya na may natural na kulay na blonde!" pero sayang lang at hindi ko masyado nakita ang kabuuan ng mukha nya pero sigurado akong maganda sya at gusto ko syang pasalamatan kung sakaling totoo man yong nangyari kanina..

"Apo, ayon ba yong babaeng tinutukoy mo?" Turo ni Lola sa babaeng nakatayo sa may dragon statue.

"Magandang gabi po sainyo." Ang hinhin ng boses nya at mukhang sya nga yong tinutukoy ko! Yon lang at may paa sya! Paano nangyari yon?!

"Sya nga iyon Lola! pero pano nangyaring may paa ka?!" Nakatitig sya sakin na para bang kinikilatis buong pagkatao ko, Maganda sya pero manang kung manamit. Nakamahabang palda sya at simpleng tsinelas, maamo rin ang mukha nya.

"Magandang gabi din iha, Anong maipaglilingkod namin saiyo?" 

"Hoy insan! Dimo naman sinabing may nabingwit kana palang chiks kanina Loko ka!" Singhal na bulong ni rain na hineadlock pa talaga ako! 

"Yon nga sinasabi ko pero isa syang-" 

"Ako po si Sunny Mendez at kailangan ko po ang apo nyo para panindagan ang nangyari po saamin kanina." nakayukong sinabi ng Babae, nakangiti lang si Lola habang halos malaglag panga ko sa narinig 

ROMANTIC SUMMER Where stories live. Discover now