REIGAN POV
"Then it's settled! we'll plan the wedding right away." Rinig kong kalmado ng sabi ni Sir Dante, eh sa ayaw nyang tawagin ko syang papa eh baka bigla na lang ako tagain though I guess they'll make the wedding quicker than I thought
Nakahinga na rin ako ng maluwag ng lubayan kami ng tatay ni Sunny at ng kanyang mga alipores, kaming dalawa na lang ang magkasama dito sa lupa.
Nakaupo sya sa may bato dahil naka mermaid form sya, tanging ilaw lang sa maliwanag na buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Marami akong gustong sabihin at itanong pero hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa
"A-ah Sunny? thank you nga pala sa pagsagip mo saakin, kung hindi ka dumating non baka p-patay nako ngayon, salamat." yumuko ako sa harapan nya na ikinangiti nya
"Hindi din naman kaya ng konsensya kong hayaan kalang habang nalulunod ka." Ang ganda ng ngiti nya para syang anghel na bumaba sa lupa ngayong nakatitig ako sakanya ngayon ko lang napagtanto na sobrang ganda nya pala
'Bat ngayon ko lang napapansin to?!'
And to think that we'll be wed soon... Damn I'm so lucky then!
"Kaya ko na rito Sunny, nakakahiya at ikaw pa naghatid sakin dito sa baybayin." Napakamot tuloy ako sa kahihiyan, asan na angas mo ngayon Rivas?!
"Kailangan kitang samahan Reigan dahil hindi pa talaga buong tanggap ni papa sitwasyon at saka pasensya nga din pala sa inasta nya kanina," Nahihiya nyang tugon napansin kong halos di nya matagalan tumingin sakin, naiilang ba sya?
"Ayos lang yon! Naiintindihan ko naman at nag iisa kalang din na anak katulad ko, oh sya babantayan din kita dito hanggang sa mawala ka sa paningin ko baka hinahanap kana ni papa" Namula sya sa narinig.
"I mean papa mo aysh! baka bigla akong pugotan ng ulo non," Kamot ulo kong sabi natawa sya na ikinatulala ko dahil for the second time parang mahuhulog nako sak-
What?! Agad agad? Imposible!
"Kung ganun mauuna nako Reigan. Mag iingat ka ah?" Inosente nyang pahayag na parang alam na alam nyang baka pinasundan pako ng ama nya rito sa lupa
Kinawayan kona lang sya at nginitian, Lumusong na sya ng tubig hanggang sa mawala ang pigura nya sa dilim.
Hindi ko alam paano ko ipoproseso nangyari sa araw na to. Una ay ang muntik ko ng pagkalunod buti at hindi naman ako natrauma sa tubig
Pangalawa ay ang pagsagip sakin ni Sunny na isang sirena, nasabi nga rin pala nya sakin na nagiging paa ang kanyang buntot pag natutuyo, nagiging buntot naman pag nababasa ng tubig so that explains it.
Pangatlo ay ang tatay nyang halos ilibing ako sa kinaroroonan ko mukhang hindi nya basta basta ipagkakatiwala ang kanyang anak sa kung sino, pero hindi naman ako masamang tao ah?!
Panghuli ay ang pagkakaroon ko ng instant bride, pero kung iisipin ko kahit di naman ako handa at nabigla din sa sitwasyon ay hindi naman tamang diko sya panindigan dahil kapalit ng pagligtas nya sakin ay kamatayan.
Nakarating ako sa mansion ni Lola ng lupaypay dahil mag uumaga na pala. Andon si Lola sa balkonahe at mukhang inaasahan ang pagdating ko
Nakatanaw sya sakin ng may ngiti sa labi na parang hindi alintana ang nangyari sakin tsk
Nagmano ako kay Lola at umupo sa tabi nya "Kamusta ang pamilya ng mapapangasawa mo apo?" kalmado at nakangiti pa nitong tanong.
"Ayon halos ilibing ako ng ama nya sa galit tsk, sya nga pala Lola hindi ba magagalit si Lolo nito?" Kakapadala nya lang sakin dito sa lugar ng Souto island pero andami na agad nangyari baka itakwil na ko sa galit nya
YOU ARE READING
ROMANTIC SUMMER
RomantizmFUTANARI GL. My wife is a Mermaid. Date started February 06, 2024
