SUNNY POVFlashback
I remember the first time I saw her kumukuha ako ng mga shell sa tabing dagat, Akala ko isa syang lalaki sa sobrang tangkad at sa buhok nyang maikli, mukhang turista o bisita dahil sa damit nyang magara.
Nakajacket ito at sportsbra na panloob, nakasumbrero din itong itim at mukhang di sanay sa mainit dahil kunot na kunot ang perpekto at makapal na kilay nito, kitang kita rin ang magandang hubog ng katawan nya. Mukhang maliligo sila ng kasama nyang babae na naka rash guard at may surfboard na dala
Hindi ko namalayan na sa sobrang paninitig ko ay nakatingin na pala sya sakin. Agad akong yumuko at inabala kunwari ang sarili sa pamumulot ng shell at inadjust ang hat ko.
Nakakahiya!
Inangat ko ang tingin at wala na siya don. Luminga linga ako sa paligid at nakitang naglalakad na ito sa malayo kung saan wala masyadong tao.
Hindi ko alam kung bakit pinagmamasdan ko sya at paminsan minsan ay namumulot ng pakay kong kabibi.
Mukhang maliligo na ito at hinagis lang sa tabi ang jacket at cap nito. I sigh when I realized na puno na ang lalagyanan kong bag.
Babalik na sana ako para ibigay ang mga nakolekta ko kay aling brosing para magawa nilang bracelet at mapagkakitaan, ngunit pagkalingon ko ay wala na doon ang estranghero.
Agad kong binitawan ang dala at hinagis ang hat para lumusong sa tubig. Walang tao at sigurado akong kami lang dalawa sa malayong parte nito ng Isla.
Agad na nagbago ang anyo ng binti ko pagkalusong sa tubig, Alam kong bawal matuklasan hanggat maari ang aming katauhan pero heto ako at hawak hawak ang kamay ng babaeng halos mawalan na ng malay nakatitig at halata ang gulat at mangha sa maganda nyang mukha, Agad ko syang hinila paakyat.
Nasa tabing dagat na kami at hindi parin sya nagigising, Hindi ko alam kung paano pero gaya ng mga napapanuod ko sa labas ay sinubukan kona lang at agad na inilapit ang mukha ko sa kanya
Halos pumatong ako sa ibabaw nya dahil nahihirapan ako sa anyo kong may buntot, dinikit ko ang labi ko sakanya at sinubukan syang i-cpr.
Ramdam ko pagtaas lahat ng balahibo ko sa katawan at parang nakipagkarera ang puso ko sa lakas ng tibok nito ng dumikit ang labi ko sa malamig at malambot nyang labi.
Ilang minuto rin at mukhang umayos na ang lagay nya. Papalubog na ang araw hindi ko alam bakit hindi ko parin sya maiwan at andito parin akong nakatitig sa mukha nyang banyaga.
"Walangyang yon kung saan saan nagsusuot! Wuhoooo Reigan! Saang panty ka nanaman ba nagsususot?!" Rinig kong sigaw ng tao na medyo papalapit ng papalapit. Agad akong gumapang pabalik sa dagat upang magtago.
"Anak ng kagang! Andyan ka lang pala!" Sigaw ng kasamahan nya kanina. "HOY REIGAN! KINGINA BUHAY KAPA BA?!"
Reigan..
Nakasilip lang ako sa may bato habang papaalis na sila, Lumingon si Reigan pabalik at mukhang malalim ang iniisip habang nakatingin sa dagat bago napagpasyahang sumunod sa kasama.
-
"Maupo kayo ng maisagawa nanatin ang sagradong ritual." Mariin na sabi ni papa.
Nasa gitna siya habang magkaharap naman kami ni Reigan na seryosong nakatitig sakin. Nakaupo kami at nakasuot ng itim at puting roba na simbolo ng yin at yang. Bilang pag iisa namin o ang tinatawag nilang Mating ritual of mermaid.
(AN: THIS PHOTO ISN'T MINE.)
YOU ARE READING
ROMANTIC SUMMER
RomanceFUTANARI GL. My wife is a Mermaid. Date started February 06, 2024