PROLOGUE

4 0 0
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW

Somewhere in 2020
Bacoor,Cavite

Nakatitig ako ngayon sa bintana ng bahay namin at walang magawa. Nagpatupad kasi ng Community quarantine ang gobyerno kaya wala kaming choice kundi mag stay sa bahay. Si papa lang ang pwedeng lumabas.

Nung una masaya pa ako kasi 2 weeks na walang pasok. Pero ngayon, hindi na talaga ako natutuwa. Yung kapatid ko na si fiona nakahiga lang sa sofa at naglalaro ng roblox. Wala pa kasi akong cellphone ngayon kaya hati kamo ni yona sa cellphone ni mommy. At napagdesisyunan na 1 hour lang kami bawat araw.

Wala akong nagawa kundi tumitig sa bintana. Legit feeling ko isa lang akong preso. Feeling ko matutunaw na ko sa pwesto ko.

Ilang sandali pa may narinig kami na megaphone sa tabi. "MAGLABAS NA PO KAYO NG UPUAN PARA SA MGA RELIEF GOODS"-wika nung kuyang nakamegaphone.

Dahil pare pareho kaming mga pg(patay gutom) agad akong inutusan ni mader na maglabas ng upuan. Pero bago yan pinagsuot niya muna ko ng dalawang layer ng facemask at faceshield bago ako lumabas para lang maglabas ng isang upuan. Ewan pero feeling ko nasa walking dead ako. Sana may kasing pogi si gong yoo rito hehehe (eme wrong movie)

Pagkalagay ni kapitan ng relief goods sa upuan agad ko namang kinuha yun. Pagkapasok ko unti nalang at ibuhos na sakin ni mama yung galon ng alcohol sa sobrang pagspray niya. Ika niya prevention is better than cure.

Lagi niya kasi samin kinukwento na namatay daw yung pinsan niyang seaman dahil sa COVID-19 kaya dapat mag-ingat raw kami.
(Spoiler:Nagkacovid rin kami haha)

Anyways dahil bunso ang kapatid ko. Siya ang nanguna sa pag unbox ng relief goods. Actually okay naman yung mga laman. May dalawang bingo corned beef, 2 luncheon meat, 4kilos of rice, 2 chicken mami and 2 beef mami at isang pack ng chicharon

Grabe yung tuwa ko nung makita ko yung chicharon. Since pandemic kasi hindi na ko nakatikim ng chicharon kaya grabe praise the lord dahil makakatikim narin ako.

Kinagabihan, nagdecide ako na magpuyat dahil wala naman kaming gagawin bukas pagkabukas ko ng cellphone nagchat yung friend kong si Jade.

"Uyy nagbabasa ka ba ng wattpad"-chat niya sa akin kaya napaisip ako

Ano yun?

Ano yung wattpad-tanong ko

Naglagay siya ng haha emoji

Maganda yun idownload mo pramis worth it-reply niya ulit

Napailing nalang ako at binuksan yung playstore. Sinearch ko yung wattpad at ang unang lumabas ay yung isang orange app na may w sa gitna. Dinowload ko yun at tinuruan narin ako ni jade kung paano gumawa ng account.

Ewan ko palibhasa bestfriend ko to si jade kaya ko ginagawa to eh. Pero sa totoo lang, mas gusto ko pa manood ng W(two worlds) at magbasa ng omniscient readers viewpoint kesa magbasa ng libro. Ayaw ko kasi ng straight letters lang gusto ko may picture o kaya live action. Huwaw!

Pagkagawa ko ng account. Nagiscroll iscroll lang ako sa may app sabi ni Jade bahala na daw ako sa buhay ko kaya wala naman akong nagawa. Sa ilang sandali kong pagsoscroll may nakita akong story. Yung Rain in España ni 4reuminct

Binasa ko yun pero di ako makapaniwala na kaya ko Pala siyang tapusin in two days Ewan ko pero may isang hidden force na tumutulak sa akin para basahin Yung librong iyun. Natuwa ako dun at dahil diyan hindi ko namalayan na nabuhay ang pagiging delulu ko.

Hindi naman kasi ako ganto kapag nanood ako ng kdrama, kadalasan masaya ako sa loveteam nila at hindi ko naisip na iship ang male lead sakin dahil masiyado akong naiinsecure sa sarili ko. Imaginin mo na yung secret gf ni jungkook magiging kamukha ko aba baka biglang dumami ang mga tao na maghangad na mapangasawa sila ng BTS (eme lang)

Perp ewan ever since nabasa ko ang RIE. Bigla tuloy akong napaisip kung paano ko mamemeet si The one ewan ngayun kasi yung mga classmates ko wala pa sila sa kalingkingan ng mga napapanood at nababasa ko.

Hmm makatulog na ngalang at makapagimagine

Sana makita ko na Si Kalix ng buhay ko hehe

Sana~

Ang Pag-Ibig sa utak ni author (Pag-Ibig Trilogy #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now