Chapter 9

1 0 0
                                    

72 days left

3 days din akong namalagi sa ospital. Finally, napilit ko rin sila na mag stay parin ako sa dorm and sa school. Ayaw ko kasi na matengga sa bahay. I mean I'm leaving this earth soona might as well na lubos lubosin na natin.

Pagkapasok ko sa elevator sa may dorm. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Ewan pero never kong nafeel na masakit, and it always feels like a dream. Dahil sa 34th floor pa ako tinignan ko yung mga tao na pumasok at lumabas sa elevator. Karamihan roon mga student.

Pagkapasok ko sa dorm naiiyak na lunapit sakin si Faye at umiyak. "I miss you so much beshycakess, wag mo kaming iwan"-naiiyak na wika niya. Di ko alam kung ineechos lang ba ko nito o ano. Ngumiti ako at niyakap Siya pabalik. "Wag ka na mag alala, di ako mamamatay may utang ka pa sakin eh"-pang aasar ko. Naalala ko kasi na nung 5 years old kami umutang siya sakin ng frutos. ewan bigla nalang pumasok sa alala ko yung mga bagay na yun. "Basta hayaan na natin yun at mag enjoy muna tayo"-wika ko sa kaniya.


Nagbook ako ng grab at dinala ko si Fayette sa BGC, balak ko magshopping and hindi naman problema yung money kasi iniipon ko yung allowance na binibigay sakin. Una nagpunta kami sa may Highstreet at dumiretso kami sa Uniqlo, sabi ko sa kaniya bilin niya lahat ng bet niya at ako na ang bahala sa bayad. Kaso ang weird kasi bigla niyang binayaran yung kahat ng damit na kinuha ko.

"The total is 9,450.25 mam"-wika nung cashier kay Fayette, nagpigil naman ako ng tawa dahil nagulat siya sa total pero nagulat ako ng dali dali niyang binayaran iyun gamit ang credit card niya. Pagkalabas namin ng store dala na namain yung 5 malalaking paper bag. "sabi na sayo ako na eh"- pang aasar ko. Natawa naman siya."eme ka tara makeup naman". napunta kami sa mae up section rito sa mall grabe parang sephora ang laki niya. Dahil feel ko ang makeup at skincare bumili na rin ako andaming brands rito pero ang mostly na binili ko ay Dior, Chanel B at Nars. "grabe ka na ate ko ang yaman ah"-wika ni fayette habang nakatingin sa cart ko. Mostly laman kasi ng cart niya ay local brands and k makeup. "minsan lang naman toh ate ko okay lang yan deserve naman natin."-gaslight ko sa sarili sabay tawa. "15,892.00 mam"-natulala naman ako ng sabihin ng cashier ang price. Deserve ko naman yan, deserve ko naman yan, deserve ko naman yan Pero binili ko parin siya coz why nut?

After that nag ikot na kami para maghanap na kami ng makakainan,and nakita ko ang jollibee kaya inaya ko si Faye na dun nalang kasi antagal ko na rinn naman na di nag jojollibee, Ang inorder ko ay ang classic Chicken joy meal with large coke and large fries, samantalang ang inorder naman ni faye ay mix and match na coke float at burger stake. pagka serve ng order namin, di ko mapigilang matawa. "shooping-20k meal 75"-natatawa kong wika, natawa rin si Faye. 

Pagkatapos namin kumain, naglibot muna kami rito sa bgc wala naman kaming specific destination just chilling. Natawa naman ako nung nakita ko si faye na nagsasagot ng quiz sa gforms habang naglalkad. "everywhere cramming ah"-asar ko. masnatawa naman ako ng pagka view score niya. 24/25 "bawi nalang siguro nextlayp"-asar ko ulit at sabay kaming tumawa,.

Bumalik na kami sa dorm at nagulat kami dahil 11:50 na kami nakauwi, "anong oras pa klase mo"-tanong ko kay fayette na ngayon ay nagpalit na ng pajama. "8 pa naman"-wika niya.



Tinry kong buksan ang mata ko pero sonbrang bigat noon, tinry ko ring galawin ang katawan ko pero parang sobrang hina ko ngayon, ang weird feeling ko sobrang weak ng sarili ko. Mga ilang minuto akong nag contemplate kung anong gagawin ko pero nagulat ako ng may humaplos sakin,

  "Anak alam kong naririnig mo kami, please gumising ka na, alam kong mahirap pero hindi na namin kayang makita ka ng ganto, its been 5 years na anak, and in 72 days makakasama ka na namin sana gumana iyun at imulat mo na ang iyung mata"

Pagkatapos noon ay nagkaroon na ako ng lakas para imulat na ng unti ang aking mata, pero mga 5 seconds rin iyun pero bigla nang naglaho ang paningin ko.

Pero malinaw sa akin kung nasaan ako at kung sino ang nag sasalitang iyun

NASA OSPITAL AKO AT BOSES IYUN NI INAY


Ang Pag-Ibig sa utak ni author (Pag-Ibig Trilogy #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now