CHAPTER 14

0 0 0
                                    

67 Days

18 hours of exhaustment, blood,sweat, tears and pain laterr

Napasalampak nalang kaming block 1403 sa corridor sa tabi ng laboratory dahil sa pagod. napahiga si misha sa hita ko at si danielle naman sa balikat ko. napapikit nalang rin ako. buti nalang may aircon kaya medyo napawi ang pagod ko.

Under control na yung mga pasyente at ng mga doktor at mga med students na raw ang bahala sa kanila. tinignan ko yung refleksyon ko dun sa pinto. Mukha na kong lola.

ilang sandali pa, tumayo na ako at nagpunta sa cr. maghihilamos muna ako. pagkalabas ko halos mapamura ako ng may humila sakin sa stockroom. 

"Surprise grandma"-nakangiting wika ni Matt habang presenta ng jollibee sa kamay niya. parang feeling ko nakita ko na ang heaven ng makita ko ang jollibee. nagugutom na talaga ako.

nagpunta kami sa cafeteria para kumain. bawal kasi sa staffroom.

"dahan dahan lang at baka mabulunan ka"-wika ni matthew. kanina pa kasi ako subo ng subo ng fried chicken. ewan ko parang 1 week na kong hindi kumakain. NApaubo naman ako at napahawak sa dibdib ko. Nabubulunan ata ako

Nanlaki ang mata ni matt nagpunta sa likod ko para iperform yung heimlich maneuver. hindi nman nagtaka ang mga tao at normal lang lahat.

"sabi na eh"-pang aasar niya saka abot sakin ng tissue. napainom naman ako ng tubig.

Dahil raw sa aksidente wala raw munang ojt kaya nagpaalam muna ako kay matt na pupunta lang ako sa dorm para maligo. amoy kahapon na ako ihh

pagkapasok ko sa dorm wala na si fayette dahil may klase pa siya pero nag iwan siya ng note:

sofiee i know kung ano nangyari kahapon, please rest ;]- fayette

Hindi ko alam pero bigla akong naluha. Its just nung nag teenager kami medyo di na kami naging magkausap. ansaya pala na naalala niya parin ako. 

Pagkatapos nun kinuha ko ang towel at pumasok sa banyo para maligo, at pagkatapos nun natulog na ako.

"sofia"

"Sofia"

nanlaki ang mata ko ng makita ko ulit si guardian angel, at andito ulit ako sa black hole. 

ano na naman kaya ang mangyayari?

"bakit ako nandito"-tanong ko sa kaniya.

"Nagpoprogress na ang sakit mo, nalalpit na ang panahon"-kinakabahan niyang wika habang tumitingin sa orasan niya. nanlaki ang mata ko.

hindi maari

"b-bakit hindi na nga sapat ang panahon ko babawasan pa?"-nagugulkuhan kong tanong sa kaniya. Ayoko ng bumalik doon.

"hindi mo pwedeng lusutan ang tadhana"-wika niya. 

tumalikod ako. "paano kung nagpaopera ako?"-tanong ko sa kaniya. nanlaki ang mata niya.

"brain hemorrage is operable, pag gumaling ba ko, meextend ang time ko?"-wika ko. napatingin siya sakin. hindi niya inaasahan ang katanungan ko. 

"hindi ka maring magpaopera dahil-"-natigilan siya. tinignan ko lang siya ng mariin

"hindi ko alam ang mangyayari sayo kapag ginawa mo iyan dahil wala pang gumagawa niyan"-wika niyan

Mariin ko siyang tinignan. "Anong ibig mong sabihin"

"Isa lang ang nangahas para ipagpatuloy ang pangarap nila,at ang epekto nito ay ang sakit na dinaramdam niyo ngayon."

Tinignan ko nalang Siya. Ano ba ang sinasabi niya.

64 days later

"ATEHH KO"

Nagising ako sa sobrang tapang na amoy ng katinko sa ilong ko. Napabahing tuloy ako ng limang beses.

Feeling ko nasusunog na yung buong mukha ko eh

"Ayun tita gising na po siya"-wika ni fayette sa katawag niya. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko ang paligid ko.

Nasa ospital ako at napahawak naman ako sa kamay ko. Nay suwero rin ako.

"Anong nangyari sakin?"-tanong ko kay fayette. Nagtaka naman siya. "Edi pagkauwi ko nung isang araw namumutla ka at anlamig ng pawis mo kaya tinawagan ko yung pogi mong bf para buhatin ka"- wika niya kaya nanlaki ang mata ko. "Nasan si Matthew?"-tanong ko.

"May klase pa raw siya kaya binilin ka muna sakin kaso since nung nacoma ka, di na nakatulog yung tao"-malungkot niyang wika. Naguilty tuloy ako

Ano ba kasi yang lintek na pangarap na yan ako naapektuhan eh

"Umm pwede tumawag ka ng neuro surgeon?"-bigla kong baling kay Fayette na nasa tabi ko na naglalaro ng candy crush.

"Bakit, feeling mo nababaliw ka na? Matagal na ate ko"pang aasar niya habang nakafocus sa candy crush

TASTY

Nainis tuloy ako at naisipang lokohin siya. Nagpanggap akong nangingisay
Natawa naman ako sa reaksyon niya

"HUY JOKE LANG ETO NA"-natataranta niyang wika sabay labas ng room para gawin ang gusto ko.

Ilang sandali pa pumasok na yung neurosurgeon. Chineck niya muna ang vitals ko.
"Doc, ano po yung chance na mabubuhay ako sa surgery?"-seryoso kong tanong sa doctor. Tinitigan niya muna mabuti Yung mga X-Ray ko at tumahimik. Medyo kinakabahan na kami ni fayette.

"By evaluating these scans, sadly, the hemorrhage has infiltrated most of your brain" medyo nalungkot ako at napayuko nalang.

"Having surgery can give you more time but it is risky"-wika niya kaya nabuhayan ako ng loob.

Maari raw akong mag surgery, yun nga lang may risk.

Pero okay lang risk taker naman ako hehe.

Naalala ko pa nung pyesta ng san isidro labrador, ako ang kauna unahang babae na successful na nakaakyat sa palosebo at sa 60 na bata , ako rin ang pinakamabilis sa kanila. Tapos nung highschool, 16 years old ako ng sumama ako kay lolo na umakyat ng Mt. Pulag. Ayaw sana ni mama kaso tumakas ako haha

"Ano po yung mortality rate"-nagulat ako ng biglang nagsalita si Fayette. Seryoso rin siya

"Sadly there are only 2 documented  surgery that is similar to your case, yung isa namatay due to cardiac arrest, but the other one survive"

So 50/59 parang toss coin angas

"I'll do it doc"-wika ko sa doctor at nagulat naman itong napatingin sa akin, pati si fayette at yung nurse.

"Wait but shouldn't you know the risk first, and your parents shouldn't they-"

"Some complications are bleeding, cognitive deficits, hydrocephalus, sepsis, and Anaesthesia problems, marami pa doc kaso yan lang naalala ko"-nakangiting wika ko.

"And also sasabihan ko rin sila"-wika ko

Nanahimik ang doctor ng kaunti. "Okay then i can send you the forms needed and we'll get you to laboratory first"-wika niya tsaka umalis ng room.

Napatingin naman ako kay fayette na nakatalikod ngayon. Pero halatang umiiyak siya.

"Bessy bat ka umiiyak, ayaw mo bang humaba buhay ko?"-wika ko. Humarap naman siya sakin

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Dalawa palang ang nagpasurgery niyan and isa lang yung nabuhay, pano pag namatay ka paano kami?"-wika niya habang naluluha.

Parang binuhusan ng yelo ang puso ko.

Hindi ko sila kayang iwan, kaya gagawin ko to para sa kanila

"Hindi ako mamamatay, takot si grim reaper sakin, pramis yan"-natatawang wika ko sabay yakap sa kaniya.

Sana

SOURCE: https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/16802-brain-surgery

Ang Pag-Ibig sa utak ni author (Pag-Ibig Trilogy #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now