CHAPTER 14

2 0 0
                                    

5 days left before surgery

"Why? Bakit"
Yan ang dalawang tanong ni matthew sakin na ikinadurog ng puso ko. Bakit mas lalo akong nasasaktan. hindi ba pwedeng matuwa ako dahil mas mabubuhay pa ko ng matagal.

Pero desidido na ko, handa akong sumugal para sa kanila

Sa nakalipas na apat na araw, pabalik balik ako sa ospital para sa mga tests at sa mga consultations, alam kong labag sa loob ni Matthew ito dahil ika niya risky raw ito at maari nga ako g mamatay. Pero kapag matagumpay naman ito. May chance pa akong maengage, ikasal, magkababy, magka apo and so on. Hindi narin ako masiyado nakakatulog kasi ayaw kong Mae counter si guardian angel.

And hindi ko parin iniinform sila Mama sa desisyon ko.

At nga pala dapat sulitin ko na rin itong 5 days before big day ko kasi what if mamatay nga ako, edi di ko mararanasan mag space shuttle.

Napilit ko si Matthew na mag space shuttle kahit na mukhang takot siya. Nagtatapang tapangan pa kasi eh edi subukan natin yan. Todo payo pa siya na carousel nalang daw pero mas bet ko talaga yung mga ekstrene rides kesa sa mild.

"Sure kaba dito?"-wika niya habang inaayos yung seatbelts namin, nasa unahan kasi kami kasi request ko iyun. "Oo pero kung ayaw mo pwede namang bumaba ka na"-pang aasar ko.

Napalunok nalang siya at sumandal. Ilang sandali pa nagsimula na ang rides at natawa ako sa lakas sumigaw ni Matthew ako naman napapangiti dahil parang binabato siya sa langit sa takot.

Ang Sunod na rides naman na sinakyan namin ay ang Jungle Log Splash, sabi kasi ni Matthew na naiinitan daw siya, buti nalang may EKSPRESS CARD ako kaya nag skip kami sa pila.

"Grabe ang lamig"-wika niya sabay yakap sakin kaya nagulat ako.

Aba chumansing ang loko

Nairita tuloy ako kaya kiniliti ko siya at naghabulan kami. Para kaming bumalik sa pagkabata.

After niyan kumain muna kami sa may foodcourt at nagpalipas ng oras, 3pm palang naman kaya naglunch muna kami.

"Sunod natin flying fiesta tas ekstrene tower tapos huli yung alcatraz"-wika ko sabay lunok ng nachos.

"Ang galing ah di ka nauubusan ng energy"-wika niya naman sabay inom ng buko juice. "Bakit di mo na Kaya tulog ka muna kaya ko na to"-pang aasar ko sabay tayo at akmang mag lalakad na sana

"Eto joke lang"-kaya napangiti ako

After namin mag flying fiesta agad kaming pumila sa may ekstrene tower, natatawa talaga ako dahil nanginginig na yung tuhod ni Matt after ng ride.

8:30 na nung lumabas kami sa EK, pagkasakay namin sa bus, nagulat ako dahil tulog agad si matt sa balikat ko, hay weak pala ang ferson.
Habang nag iiscroll ako sa mga photos namin, hindi ko namalayan na naluluha na pala ako.

Ayaw mo ng iwan ang mundong to, ayaw ko ng magising sa panaginip na to.

4 days left before surgery
"ANO MAGPAPASURGERY KA, NASISIRAAN KA NA BA"-pasigaw na wika ni Misha sa tenga ko, maaga kasi kami ngayon sa room kaya kami lang tatlo nina Danielle ang nandito.
"Bakit may chance pa na mabuhay ako, ayaw ko ng 60 days masiyadong maiksi, ni hindi ko nga mararanasan anniversary namin, pati yung graduation, pati makasal, masiyadong maiksi naaanxiety kaya ako"-reklamo ko.

Feeling ko naintindihan niya ako dahil nilapit niya ang upuan niya sakin. "Pano pag namatay ka pano na si Mr. Pogi aagawin siya ni Cindy"-pang aasar niya.

Si Cindy kasi yung malanding secretary ng student affairs and matagal na siyang dumidikit kay Matthew kahit na iwas siya ng iwas.

"Edi mumultuhin ko sila habang buhay"- wika ko at natawa kami pareho.

"Ms. Santos, can i talk to you for a minute?"-wika ni Sir Mario pagkatapos ng klase namin sa Histo, himala at pumapasok na siya ng madalas ngayon.

"Ano po yun sir"-wika ko sa kaniya, kami nalang ang naiwan rito sa room. "Alam ko na mag decide ka na magpaopera, at alam ko rin na gustong gusto mo mabuhay pa sa panaginip na ito ng matagal"-napanganga nalang ako

Alam niyang panaginip lang ito

"Oo alam ko, at nakakabasa rin ako ng isip"-wika niya. Napangiwi ako

"May chance pa po ba na mabuhay ako ng mas matagal rito?"-wika ko. Nakita ko na biglang nagbago ang mukha niya

"Hindi ko alam, wala pang nakakagawa niyan, pero ito ang tatandaan mo"-biglang sumeryoso ang pagsasalita niya.

Tinignan ko siya.

"Kahit mamatay ka man sa mundong ito, ang pag ibig niyong dalawa ay patuloy na mabubuhay, sa habang panahon"

Habang panahon?

Ang Pag-Ibig sa utak ni author (Pag-Ibig Trilogy #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now