(suri na sa late update hell week kasi namin hehe)
2pm na ngayon, at kakatapos lang ng klase namin sa algebra. And ang masaya pa para kaming lantang gulay kasi ginulat ba naman kami ng surprise quiz ni Prof.
Pagkalabas namin sa building, para kaming mga lantang gulay na naattend sa libing. Bakit ba kasi ganin si Prof.
"Ansaya maging college"-naiiyak na sabi ni Misha kaya napatawa nalang ako. Ang cute niya. "i swear pagkagraduate ko pupunta na ko sa japan"-wika niya habang nakayuko. Napansin niya siguro na tinatawanan ko siya kasi sinuntok niya ko ng mahina.
"Sorry na, ang cute mo kasi para kang zombie"-pang aasar ko kaya hinabol niya ko. hindi ko namalayan na may tao pala sa harap
*BOGSHHH*
Nagulat na lang ako dahil ang nabangga ko pala-
AY ISANG PROF
Nagulat ako at narinig ko ang tawa ni Misha. Patay talaga sakin yang ungas na yan.
Kinuha ko yung gamit nung prof at binigay ko iyun sa kaniya. Pagkatingin ko feeling ko biglang sumabog yung puso ko.
"S-Sorry P-po"-nahihiya kong sorry habang inaabot yung gamit niya. Hindi ko na tinignan yung mukha nung prof alam ko lang na Prof Siya dahil sa suot niya.
"Okay lang, be careful next time"-wika niya sa Pinaka attractive na voice possible. Tumalikod na agad siya at naglakad papalayo. Tinignan ko yung prof at sa look ng likod niya para siyang bata pa. At yung boses- ewan pero bigla kong natunaw dun."Gaga kang bakla ka"-sigaw ko kay Misha at bigla ko siyang pinagpapalo. Nakakahiya ang ate. "Pero ampogi nung prof na nakita mo antehhhh, magiging teacher kaya natin siya?"-natatawa niyang wika. Natigilan ako. So confirmed pogi nga.
NANDITO na kami ngayon sa last subject namin for today which is Physical Education, and in rare cases. Dito kami sa QPAV mag ppe!! Nagreready na kami dahil ang Prof. Namin dito ay isa sa pinaka terror.
And isang maling galaw mo lang ay automatic dos ka agad.Pero nagulat kami nung iba yung pumasok sa pinto. "Hello is this Block 430?"-tanong nung isang pamilyar na boses. Hindi ako makalingon kasi nagsisintas ako ng sapatos. Pagkapunta namin dun nanlaki ang mata ko.
"Hello Everyone my name is Macario you can call me Sir Mac, and i will be your new professor for Physical Education and health because Sir Archangel is on leave."-pagpapakilala niya
Napanganga nalang kami ni misha dahil siya yung nabangga ko kanina sa may garden. "I'm 27 years old and i graduated Masters in PhysEd just last year"-pagpapakilala niya pa. Tinignan niya kaming lahat kaya nagpunta kami sa likod ng mga tao.
"Bago pa lang po ako sa UST so wala pa akong masiyadong kilala so i would like you to introduce yourselves. Parang bigla kaming binuhusan ng malamig na tubig ni Misha. Parang may makaka tres sa PhysEd ah
"Okay you girl in the back you can go first"-turo niya kay Misha. Nanlaki naman ang singkit na mata ni misha. Napatawa nalang ako dahil yung laki ng mata niya kasing laki lang ng normal na mata ko. Half Japanese kasi siya and ang naman niya lang sa filipino father niya ay yung pagiging buraot. Nahihiya Siyang pumunta sa unahan at sinamaan niya ko ng tingin dahil nakita niya akong nagpipigil ng tawa.
"H-Hi I'm M-Mishayuki Y. A-agapito, 23 years old, S-single"-pagpapakilala niya nakatingin siya sakin today kaya half nagpipigil ng tawa at half nahihiya. Napatakip nalang siya ng bench bath niya after at nakita ko naman na napatawa si Sir.
"Okay arigathanks ms. Agapito, next is.."
Hinila ako ni Misha at niyakap at nagtitili ng mahina. Nandito kami sa likod ng mga blockmates namin at tawa kami ng tawa pareho.
"Ayieeeee arigathanks daww"-pang aasar ko at sineyed ayan niya ako.Pagkatapos namin mag pe nagshower muna kami dahil magrorounds na naman kami sa USTH. "Bhieee tara luneta"-aya ni Mae isa rin sa Powerpuff girls
Ako-Blossom
Misha-buttercup
Mae-BubblesNapatingin kami sa kaniya ng nakakaloko. Naka type a nurse uniform kami at naka cap narin at badge kaya ewan ko ano pumasok rito sa utak ni Mae.
Siya kasi ang number 1 dora the explorer sa grupo."Dali naaa bago tayo gisahin ni Dr.Mendez atleast nakapagrelax na tayo"-aya niya ulit. Actually, mukhang totoo nga hehe. Pwede pwede
"Malelate tayo ate ko, baka mamiss si Sofia ng Med Student niya"-pang aasar ni misha kaya pinagsusuntok ko siya sa likod. Nasa harap na kami ng main building at di namin alam kung san kami papunta. "Sofia"-natigilan kami ng may tumawag sa pangalan ko
Si Matthew
Nagtilian naman ang mga amazona kong kaibigan. Ngumiti ako sa kaniya. Once in a blue moon lang kasi kami magdate since pareho kaming busy. yung duty lang talaga ang naging date namin.
"I made time to see you"-wika niya. tumili ulit sina Mae at Misha. Ngumiti nalang ako pero sa totoo lang gusto ko na silang isako dalawa. "Bakity ka nandito diba may class ka pa?"-nagtataka kong tanong sa kaniya. "Umm i phil history naman iyun kaya hindi ako umattend because i preferred to make history with you"-banat niya tsaka ngumiti. Napangiwi ako. Hanudaw???
Ngumiti naman si MAtt sa mga kaibigan ko at bigla silang nag paalam na pupunta raw sila sa library para mag aral. pinigilan ko pa nga sila kaso bigla silang tumakbo. Kaya naiwan na kami ni Matt na mag isa.
"I missed you'-wika niya. HIndi ako nakapag react. Loading pa talaga ko dahil 2 1/2 hours lang ang tulog ko. NAtawa naman siya. "Sleep deprived huh?"-wika niya. natauhan ako. "Ummhindi may minememorize lang ako"-pag tanggi ko natawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin "you know what mahaba pa naman ang oras come with me"-wika niya sabay hawak sa kamay ko. NApapadalas na yang hold hands na biglaan na iyan ah.
Wala nalang akong nagawa kundi maglakad. Dinala niya ako sa parking at nagulat ako ng tumigil kami sa tapat ng isang Toyota Fortuner na kulay black. May kotse na siya???? Binuksan na niya ang pinto sa front seat at niyaya ako na pumasok. Pagkapasok ko inayos ko yung seatbelt.,
"May kotse ka pala?"-tanong ko sa kaniya habang nag dadrive siya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero di niya naman siya kidnapper siguro diba??
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko.
"Doc? Hindi na po ba talaga siya magigising?"-naiiyak na tanong ng isang babae sa doctor. Ang weird kasi pitch black lang yung nakikita ko but naririnig ko sila. "Ate, please wake up na"-pagmamakaawa naman ng isang bata. Elise?? Parang familiar ang boses ng bata. "Please lets just wait for the medicine to work, give her 75 days more"-wika ng doctor
75 days???
YOU ARE READING
Ang Pag-Ibig sa utak ni author (Pag-Ibig Trilogy #1) [COMPLETED]
Teen FictionSofia, means wisdom And wisdom is the profound understanding of life, people, emotions, and the world around us. Note "Understanding" paano kaya maiintindihan ni Sofia yung world around her if her heart is as complex as the tiny nerves in her brain...