69 days left
Nakatulala lang ako ngayon sa pagkain ko. Hindi parin kasi maalis sa isip ko yung sinabi ni Prof. Mario. Bigla tuloy ako nainis na nag wish ako. Bigla akong napaisip. "Kailangan kong umuwi ng cavite"-bigla kong wika kaya biglang nanlaki yung mata ni Fayette, naka uniform na kasi kami pareho.
Pareho kasi kaming may saturday class. "Behh may ojt ka diba at ako rin, tigilan mo ko bukas nalang"-wika niya na parang naguguluhan parin. Bigla naman akong umacting na nalulungkot at biglang nagtalukbong ng kumot. At wala pang 3 seconds napapayag ko na rin si Fayette.
Pareho lang kami ni fayette na taga bacoor pero ibang barangay lang sila. Pagkadating ko sa bahay namin agad kong hinanap si Mommy. "Oh anak naka uniform ka pa ah bakit napauwi ka bigla"-tanong niya habang nagwawalis ng bahay. wala kasi si daddy binabantayan yung mga stores namin.
"Mommy alam niyo po ba yung mga wish raw na tinupad ng ating mga ninuno?"-tanong ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya at umupo sa sofa.
"nalaman mo na pala, balak ko sanang sabihin sayo ito pang nag 25 ka na pero ikukwento ko sayo ang kasaysayan ng pangarap."
"Nagmula ang regalong ito ng magmahalan si Lourdevina at Augusto, si Augusto ay isang mangangalakal mula Mexico at ng makilala niya ang hardinerang si Lourdevina, agad nahulog ang loob nito sa kaniya. Pero, hindi laging nagkikita si Lourdevina at Augusto dahil sumasama lamang sa galleon si augusto. Sa tagal ng kanilang pagmamahalan, nagbunga ang pagsasama nila at ipinanganak si Ma. Cecilia Zambrano. Dahil rito laging nag aabang sa daungan ng lipa si lourdevina at Ma. Cecilia para abangan ang galleon, pero isang araw ibinalita sa kanila na namatay na raw si augusto dahil sa cholera at itinapon nalang ito sa dagat.
Dahil rito, umiyak at nagmakaawa si Ma. Cecilia sa mga diyos na buhayin si Augusto upang makasama na siya ng kaniyang ina dahil simula ng mawala ito ay nakatulala na lamang si lourdevina sa langit. Narinig ng mga diyos ang panalangin ni Ma. Cecilia at ibinalik niya si Augusto sa kanila.
At simula noon, ipinapasa pasa na ang basbas ng pangarap sa ating pamilya sa pamamagitan ng pagpahid ng tubig dagat mula sa dagat ng lipa sa noo natin"
napanganga ako sa kwento ni ina at hindi ko maitago ang pagka mangha. Grabe pala si Ma. Cecilia dahil sa pagmamahal niya, pati susunod na henerasyon nakikinabanag sa luha niya.
Kinagabihan, nagsalo salo na kami sa hapunan. buti nalang may natira pa kong damit dito sa bahay dahil tanging makeup at wallet lang ang nadala ko. Si fayette naman ay umuwi na rin sa kanila dahil weekend naman na daw.
Pagkatapos namin maghugas, naabutan kong nagaayos si mama ng higaan kaya naisipan kong kausapin siya tungkol sa sinasabi ni Sir Mario. "Ma, may pag asa pa ba na humaba pa yung oras ko rito sa mundo?"-malungkot kong wika. Napatingin naman siya sakin. at ngumiti kaya biglang nabuhayan ang loob ko. "Oo naman anak, kung papayag sila"-wika niya sabay tingin sa taas.
Bigla kong narinig ang patuloy na iyakan at pagmamakaawa
Ate, Hindi ka parin ba gigising diyan?
Anak mahal na mahal ka namin
Anak wag ka muna sasama sa liwanag ah may birthday ka pa
Parang biglang kumirot ang puso ko at napatingin ako kay Mommy, Oo nga pala panaginip nga lang pala ito.
"Masiyado pang maaga para mag desisyon, pero ang tatandaan mo, kahit sa nakaraan pa iyan, o sa 1 million years pa, andito lang kami ng papa mo sa iyo."-wika niya at hindi ko napansin na may pumapatak na luha sa aking mga mata.
SUNDAY 68 days left
Sama sama kaming nagsimba rito sa Quiapo church dahil rare na magsama sama kami. Grade 12 na kasi si elise at mag momove out na raw siya after grad. Nakakalungkot lang na parang kailan lang, bata pa kami pero ngayon, magmomove out na kami.
Uupo na sana kami pero nagulat ako at parang nabuhayan ang puso ko. Si matthew katabi ko, katabi niya ang parents niya. Napalunok ako dahil inuusog usog ako ni Elise dahilan para medyo matumba ako, buti nalang sinalo ako ng dibdib ni Matthew(hala harot). "Andito ka rin pala"-nakangiting sabi niya. Napayuko nalang ako, hindi naman kami napapansin ng parents ko dahil nag uusap sila tungkol sa business. "Andito parents ko kaya wag ka maingay"-bulong ko kaya natawa siya ng mahina.
Dahil hindi kami makapagsalita dahil ang pareho naming parents ay malapit lang samin, nag senyas at bulong bulong nalang kami. Nagulat kami pareho ng napansin namin na nakatayo na pala ang lahat para sa Ama namin at nakatingin na si father samin. Naghawak palad kami at pinigilan ko naman ang sarili ko na hindi kiligin. Ang lamig ng palad niya ate ko. "Wag kasi puro landi"- bulong ni elise kaya tinarayan ko siya.
After ng misa, nagpaiwan na muna kami ni Matthew dahil ililibre niya daw ako, sinabi ko naman kay elisa na magccr lang ako. Nag ikot ikot kami sa may plaza at bumili kami ng puto bumbong at buco juice at naupo sa may upuan, Pareho kaming napatingin sa Buwan.
"Ang ganda ng buwan, parang ikaw"-wika niya sabay tingin sakin. napangiti ako
"Mas maganda kaya ako sa buwan"-wika ko kaya natawa siya, dahil dun pinahiran ko ng margarine yung mukha niya at mukhang gaganti siya kaya naghabulan kami. Hindi namin napansin ang oras at ang isa't isa lamang ang nakikita namin sa oras na iyon. Ng mapagod kami nag desisyon kami na maglakad lakad sa palibot sa plaza, hawak hawak niya ang kamay ko kaya napangiti ako. Dati ayaw ko sa physical touch, ngayon hawak hawakan niya ko kahit kailan ayos lang (huyy)
30 minutes later tinext ako ni Elise na nasa kotse na daw sila kaya nagpaalam na ko kay matthew, nag aya pa siya na ihatid ako pero sabi ko wag na. hindi pa ko handa na ipakilala siya ate koo
Paalis na sana ako pero may narinig na naman ako sa langit.
"Anak imulat mo na ang mga mata mo"
Mama?
A/N: Si Lourdevina at augusto ay isa sa part ng angkan nina sofia, and if your asking yes po mag ka angkan si Sir Mario and Sofia and maabangan niyo si florencia soon dahil nakakagulat yung story nila ni Thomas
YOU ARE READING
Ang Pag-Ibig sa utak ni author (Pag-Ibig Trilogy #1) [COMPLETED]
Teen FictionSofia, means wisdom And wisdom is the profound understanding of life, people, emotions, and the world around us. Note "Understanding" paano kaya maiintindihan ni Sofia yung world around her if her heart is as complex as the tiny nerves in her brain...