Makikipagdate ako? Sa kaniya?
sabagay bigla kon gnaisip na hindi naman kaganoon kagaling magbasketball si raizen kaya feeling ko mananalo ako.
"Deal?"-tanong niya sabay lahad ng kamay niya para makipagshake hands. Ako na tuloy kinakabahan.
Sa bagay sabi nga ni Misha, a libre is a libre. "Deal"-Nakangiting wika ko sabay shake hands kay Raizen."Ehem"- napatingin kami pareho ni Raizen kay Matthew na nakatingin samin pareho ng masama. Sinenyasan niya si Raizen kaya walang nagawa si Raizen kundi bumaba sa may court. Pagkababa niya tinalikuran nalang ako ni matthew at bumaba na rin.
Anong meron sa kaniya?
Nagsimula na ang laro at lagi kong sinusundan ng tingin si Raizen. Pinepray ko na sana wag siya maka 3 points kundi tegi ako.
*ALARM ALARM*
napabalikwas naman kami ni misha ng marinig ang alarm. 15 minutes nalang exam na namin sa Philippine history. hindi na ko nakasulyap sa kanila pero napansin ko na napatingin si matthew sa gawi namin. Mga 20 minutes ang layo ng building ng philhis sa Qpav pero kung tatakbuhin namin, aabot kami.
Saktong sakto na pagkapasok namin, nandun na si prof at nagdidistribute na siya ng papers at buti good mood siya samin.
Madali lang ang naging exam pero medyo sabog lang ako kasi tungkol karamihan dun is dates but luckilly multiple choice mweheheh.
PAgkalabas namin may biglang tumawag kay misha. "BEHH MAY NAGSUSUNTUKAN DAW SA QPAV"-nagmamadali niyang wika kaya napatakbo na naman kami papasok ng qpav. Hay nako bakit ba napapamarathon ako ngayong araw.
Pagkapasok namin naabutan namin ang kumpol ng mga estudyante at yung prof namin sa PE na pinapagitnaan ang dalawang grupo. "Sino yung nag aaway?"-tanong ko kay danielle na nasa harapan nung kumpol ng estudyante. HIndi kasi siya magtetake ng PhilHis kaya kami lang ni misha ang nag exam. "Si Raizen at Matthew, nagsapakan dahil muntik nang maka 3 points si Raizen pero binlock ni matthew at siya yung naka 3 points"-kwento ni Danielle.
Ilang sandali pa humupa na ang gulo at sinundan ko si Raizen na nakaupo sa bench. May sugat siya sa mukha kaya kinuha ko yung medkit oara bigyan siya ng first aid. Hindi ko na tinignan si matthew dahil med student naman yun at alam na niya ang gagawin.
"Wag kang umiyak ah"-pang aasar ko habang pinupunasan yung mukha niya ng bulak na may betadine. Pagkatapos nun lalagyan ko rin ito ng band aid. "Thank you Sof, your the best"-pasasalamat niya habang nakatingin sakin. Nagiiwas ako ng tingin at nagfocus nalang sa ginagawa ko. "Bat kayo nag-away"-nagtataka kong tanong . Sumilip ako sa kabila pero wala na sila doon. Pagkatingin ko sa kaniya. TUmawa nalang siya ng mahina at pumikit. "i'm sorry muntik na kong naka 3 points but i missed"-biglang lumungkot ang tono ng boses niya. "so no date then?"-bulong niya. Napaisip ako. Grabe nabugbog na yung tao date parin?
Actuaslly medyo in bad shape siya ngayon and alam kong kapag huminde ako, mas malulungkot siya. At tsaka wala naman sigurong masama kung makikipag date ako noh?
"we can still go if you want"-wika ko sa kaniya at nakita ko na bigla siyang nabuhayan. "Really" grabe para siyang batang binigyan ng ice cream.
Andito kami sa may isang popular cafe sa may Dapitan sabki ko sa kaniya sa malapit lang kasi may rounds pa ko mamayang 5. Habang kumakain kami andami niya saking kinukwento. Mga sobrang hirap raw ng advanced calculus at ang sungit raw ni prof. ballesteros. Pagkatapos naming kumain nagpaalam na ko, pupunta pa kasi ako sa dorm at maliligo bago pumunta sa hospital.
Pagkaaayos ko pumunta na ko sa station namin. Btw sa grupo namin 5 kami 3 nurses,2 med students and nabalitaan ko eto daw si matthew at yung kasama niya leapmed daw sila.
YOU ARE READING
Ang Pag-Ibig sa utak ni author (Pag-Ibig Trilogy #1) [COMPLETED]
Teen FictionSofia, means wisdom And wisdom is the profound understanding of life, people, emotions, and the world around us. Note "Understanding" paano kaya maiintindihan ni Sofia yung world around her if her heart is as complex as the tiny nerves in her brain...