1

2 0 0
                                    

Note: This is a true story from the person I am very close with...

Grade 7

Hello! Ako si Sahera Leonela Alonto, an introvert na sanay sa tahimik at peaceful na paligid. Hindi ako sanay maki halubilo since I was elementary dahil strict ang parents ko at iilan lang talaga ang tumatagal sa ugali ko.

Hindi naman ganon kasama ang ugali ko, boring lang talaga ako kausap at ka bonding kasi nakasanayan ko na, yun din kasi ang kinalakihan ko.

"May bago kayong kaklase, siya si...ano nga ulit ang pangalan mo? Magpakilala ka."

"Hello! Ako si Sahera Leonola Alonto, Hera ang nickname ko sa bahay. Masaya akong makilala kayo!"

"Sige, maupo ka sa tabi ni Cuevas, Cuevas tanggalin mo ang bag mo jan."

Sinundan ko ng tingin ang upuan na sinasabi ni maam at naupo na sa tabi ni Cuevas, nginitian niya agad ako ngunit hindi ako ngumiti pabalik.

"Sungit..."

Wala akong ginawa sa buong linggo na yon kundi mag adjust sa sarili, dahil highschool na ako, medyo takot pa akong harapin ang highschool life ko.

Araw araw akong kabado at nagkakabisa ng mga nilesson kahapon dahil sunod sunod magpa quiz ang mga teacher namin. Ang nakaka irita lang kasi, pala kopya ng sagot ang katabi ko.

"Hindi ka ba nag-aral?" Ako na ang unang nagsalita saaming dalawa matapos ang 2weeks na walang pansinan.

"Hindi...hmm, bakit kaya lahat ng tahimik, sila pa yung matatalino?"

"Ewan ko, mag aral ka at wag kang kopya ng kopya saakin. Tignan mo papel mo, kaka kopya mo pati pangalan ko nakopya mo na."

"Hala! Oo nga..."

Napailing nalang ako at tinakpan ang assignment ko saka sumandal sa upuan, siya naman ay inulit sa panibagong papel ang assignment niya dahil bawal ang erasure.

Eugene Kate Cuevas...Yun pala ang pangalan niya...

Nagbasa nalang ako sa notebook ko para sa susunod na subject na papasukan namin. Agad akong nakonsensya nung makita kong hindi niya natapos sagutan ang assignment niya.

Well, hindi naman masama ngayon kung kokopya siya dahil ang assignment lang naman ay mag search ng info about something, kaya panigurado lahat kami rito parehas ng mga sagot.

"Oh...ngayon lang ha? Sa susunod, mag aral ka." Nilapit ko sakanya ang papel ko pero ang lokaret, tinitigan lang ako.

"Nag tataka ako bakit ang sungit mo, alam mo ba ang pangalan ko?"

"Oo naman, ikaw si Cuevas diba? Eugene Kate Cuevas."

"Hala!! Ikaw ah? Bakit alam mo fullname ko? May tinatago ka sigurong kulo...stalker ka?"

"Baliw, nabasa ko lang sa papel mo!"

Tumayo na ako at lumabas sa classroom dahil wala pa namang teacher at gusto kong pagmasdan ang paligid ng pasilyo.

"Huy! San ka pupunta?!"

Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nayayamot na ako sa boses niya, napaka energetic at parang di nauubusan ng lakas...pati boses ang lakas.

Hindi ko na namalayan na habang tumatagal, nakakapasok na si yujin sa buhay ko. Kahit hindi ako pala kwento, siya naman ang panay tanong saakin at sa buhay ko.

Isang tanong, isang sagot lang ang lagi nangyayari saamin. Pero kahit ganon, hindi siya nawawalan ng gana, mas lalo lang siya kumukulit.

"Ang final result ng grades niyo this 1st grading ay ngayon ko sasabihin..." anunsyo ng guro namin.

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now