9

0 0 0
                                    

Hindi naman ganon ka laki ang school para hindi ako makita ni Ellah na isang tourism student. Kaya heto at naka upo kami sa canteen.

Nakatitig siya saakin at napaka cheerful ng mukha niya plus, ang ganda niya, ang neat tignan at mukha siyang high standard woman.

"So...anong kailangan mo saakin?"

"I like you.."

"Huh?"

Nagulat ako sa sinabi niyang yon. Hindi ko makakalimutan ang araw na yun kasi yun ang araw na unang beses may nag confess saakin ng babae. NG MAGANDANG BABAE!

"Baliw...come on, say something interesting?"

"Iyon talaga ang gusto ko sabihin. I know naman na hindi ka naniniwala, pero ipapakita ko nalang sayo."

Kinwento niya saakin kung paano niya ako nagustuhan ng palihim. Nagsimula raw nung nakita niya ako sa gym, nag eensayo sa volleyball. Tapos nagsunod sunod lahat ng kaganapan saakin na sinusubaybayan niya.

Matapos ng pag uusap namin saka naman sumulpot si Yujin sa canteen. Nginitian lang niya ako at ng makita ang kasama ko, napalitan ng pagtataka ang mukha niya.

"Magkakilala na pala kayo?"

"Oo, thanks yujin. Nag-usap na kami nitong si Hera."

"Hmm...mabait naman siguro siya sayo?" Tinanong niya yon kay Ellah pero saakin siya nakatingin..

"Oo super...actually, we're looking forward sa progress ng ligawan namin."

"Ligawan? Sinong nagsabi?!" Masyadong difensive ang boses ko.

"Ako...just watch hera, bye!" Aniya saka umalis na.

Natahimik nalang ako that time at naupo ulit, umupo rin si Yujin sa dating inupuan ni Ellah. Nakatingin siya saakin na parang may gustong itanong.

"Kung ganon...kung gugustuhin kang maging jowa ng babaeng yon, tatanggapin mo siya?" Aniya halata sa mukha na kabado siya.

"Dipende, kung hindi naman nakakaabala sa oras ko sa school, volleyball at personal time...pwede." Yun ang sinabi ko saka tumayo na.

"Pwede? Kelan ka pa nagsimulang pumatol ng kapwa mo babae?"

"To tell you the truth, dati na ako nagkakagusto sa babae. I just don't have a strength to be in a relationship before, pero iba ngayon since halos tanggap na ng bansa natin ang LGBT"

"Paano parents mo?"

"Mas matutuwa pa sila kung babae ang ihaharap kong jowa sakanila. Hindi raw kasi ako mabubuntis. Ang ilogical nila no?"

"Ganon ba?"

"Sige na, alis na ako. May pasok pa ako."

After that small chitchats of us, don ko na napansin ang changes saaming dalawa ni yujin. Lagi na siyang nasa paligid ko. Pag nasa game ako, nanjan din siya, pag nasa corridor ako andon din siya.

Eto namang si Ellah paunti-unti na rin siyang kumikilos, minsan nakakatanggap nalang ako ng chocolate sa locker ko. Pero dahil diko hilig ang chocolate naka stock lang yun don.

Retdem namin nung araw na yon na kung saan nagka initan si Ellah at yujin, ang retdem kasi namin nilagyan ng prof namin ng twist. Kumbaga hahanap kami ng stranger student na magiging patient namin to perform return demo.

"Matagal na niya akong kaibigan, kaya ako na. Tumabi ka."

"I don't care! I am the one who court her."

"Hera, magsalita ka nga! Hindi ba ako naman talaga ang patient mo since back then? Napag usapan na natin to before."

Tama siya, nung highschool kami, alam na niyang gusto kong maging doctor, na someday when I enter med school siya ang pagpaparactice-an ko dahil willing naman siya.

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now