6

0 0 0
                                    

Hindi naman sa nanghihimasok sa life niya pero hindi ba parang ang weird na nagsisinungaling siya? What for?

Pero gaya ng dati cold pa rin siya saakin. Para siyang lumikha ng malaking pader na gawa sa salamin sa gitna namin para may limitasyon kami sa isat isa.

Hindi ko pa rin pala tanggap, na kahit alam ko na ang totoo, di ko pa rin magawang maging masaya. Kasi wala na ang Yujin na nakilala ko nung una. Isang malamig, naka busangot at wala sa sariling Yujin ang katabi ko ngayon sa klase.

Nung malaman ko ang totoo, I tried to approach her again. Paunti-unti, dahan dahan lang. The way she approached me before. Feeling ko nga bumaliktad ang mundo e.

Pero grabe pala kahirap mang approach ng taong ayaw magpa approach no? Ano ba dapat kong gawin. Kahit yung closeness nalang namin ang maibalik di na ako aamin. Basta wag lang siya mawala sa buhay ko.

Pero langhiya mas lalo siyang lumayo. Kasihodang muntik na ako patayin ng parents ko dahil suway ako ng suway ng ipinag babawal nila ayos lang, ang goal ko ay maibalik saakin si yujin.

Eh kaso ayaw niya...

Lumayo na siyang tuluyan saakin. Noon pa man tuwing uwian hinihintay ko siya para sabay kami. Pero kitang kita ko kung paano niya ako takasan.

So the past few days na naghihintay ako na parang tanga. Siya naka uwi na pala sakanila. Ang sakit, sobrang sakit, kung hindi ko siya nakitang lihim na tumatakas saakin pag uwian, baka hanggang ngayon tanga pa rin ako kakahintay sakanya tuwing uwian.

Umuwi akong lumuluha, nakakahiya man sa mga nakakasalubong ko ay hindi ko na inalinta. Wala akong ibang maisip kundi ang sakit na nagawa saakin ni Yujin.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari saamin, sana una palang hindi ko na hinayaang makapasok siya sa tahimik kong mundo.

"Wala ka sa mood ah? Anyare?" Salubong saakin ng kapatid ko katabi niya si mama sa sala namin.

"Wala pagod lang ako, naglakad ako mula school gang dito e."

"Lapit na graduation mo. Naka pili kana ba ng kurso mo at saang school ka papasok?"

"Sa...PLM sana mama. Kung di ako papasa ron, subukan ko rin po sa UDM at sa ibang public school. Kung maka pasa man, kukunin ko ang Nursing."

"Sige anak, mag pahinga kana muna. Ipagluluto kita ng kakainin natin."

Nahiga ako sa kama at doon ako muling umiyak. Damang dama ko ang lungkot at hinagpis dahil lang sa nalaman ko. Baka nga kasi talaga ayaw na niya akong kasama. Na ayaw na niya saakin.

Tatanggapin ko nalang ba? Bakit ang sakit sakit? Hindi pa naman kami pero grabe ang sakit na naparamdam niya saakin.

Sobrang tanga ko sa part na nagka gusto ako sakanya. At mas sobrang tanga ako sa part na hinayaan ko siyang bulabugin ang mundo ko higit sa lahat ang tanga ko sa part na hindi ko man lang pinigilan ang sarili kong huwag magka gusto sakanya.

Buong year ko sa grade 10 ay puro acads nalang talaga ang reason ng existence ko sa school. Oo nakiki bonding ako sa mga tropa namin ni Yujin pero madalang lang. Kasi running for Valedictorian ang goal ko. Kami ni Verron ang nag aagawan.

Unti-unti ko na ring natanggap sa sarili ko na si yujin ay hindi na kelan man makakabalik sa piling ko. Kahit yung closeness na lang, kahit yung maging magkakilala nalang sana.

Kaso hindi na talaga....ewan ko ba!

"Finals na...parang hindi ko na ata kayang i reach yung scores mo." Pambobola pa ni Verron saakin.

"Hindi kasi ako nagpapatalo. Sumuko ka nalang, may dream kasi akong school at need ng mataas taas na grades."

"Woooow, saan?"

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now