Epilogue

0 0 0
                                    

"Maraming nasayang na araw sa amin sa totoo lang, kung sana una palang nagka aminan na kami, baka nabago pa namin kung ano talaga naka takda para sa amin..."

"Pero madre, nagtataka po kami paano mo pong nagawang maging madre kung hindi naman po kayo ganon ka faithful kay God?"

Napatitig ako sa dalagitang nagtanong. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.

"Walang araw na hindi ako humingi ng tawad sa panginoon. Araw araw kong pinag sisisihan ang naging damdamin ko kay Yujin, ngunit paano ko ba mapipigilan ang nararamdaman ko? Sampung taon na ang lumipas pero yung pag-ibig ko sakanya ay hindi man lang nabawasan."

Marami pang naging tanong ang mga dalagita at binata sa akin na hindi ko na nasagot dahil tapos na ang oras ko bilang guro nila rito sa bahay ampunan. Pinipigilan ko nalang din ang sarili kong huwag umiyak dahil sa tuwing naaalala ko ang nakaraan, sumasakit nalang bigla ang puso ko at hindi matigil sa pagpatak ang luha ko.

"Ayos ka lang madre Sahera?"

"Oo, medyo nanghihina lang ako." Sagot ko sa kapwa ko madre.

Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong to? Hindi ba dapat isa na akong nurse na nag aalaga ng pasyente? Ganito kasi yung nangyari...

10 years before

"Sobrang sakit na hindi niyo man lang po sinabi saakin ang totoong kalagayan ni yujin." Kumpronta ko sa parents ni Yujin nung nasa labas kami ng lamay niya.

"Anak...patawarin mo kami. Sinubukan ko naman. Ngunit iyon ang huling hiling ng anak ko, halos nagmaka awa na siya at lumuhod saamin ng daddy niya." Iyak ng iyak ang mommy ni Yujin.

"Mayaman naman kayo, kaya niyo siyang ipagamot. Bakit...hinayaan niyo nalang ang lahat?!"

"Lahat na ginawa namin Hera. Nalunod na kami sa utang para lang mapagamot siya ngunit...ang nasasabi lang ng doctor ay malala na ang sakit ng anak ko at wala ng pag-asa." Sagot naman ng daddy ni Yujin

"..."

"Unresponse na ang ibang organs niya, pagod na pagod na ang anak kong lumaban...kaya ang hiniling niya ay makasama ka sa isang linggo huling araw niya, sobrang sakit man...ngunit pinili nalang naming sundin yun."

"Hindi mo man lang ba napapansin sakanya yon? Yung sakit niya?"

"Hindi..."

Napadaan ako noon sa pintuan ng CR ng bahay nila ng mapansin kong naka luhod sa inidoro si Yujin, pawis na pawis siya at hingal na hingal kaya nilapitan ko na siya.

"Anong ginagawa mo jan? Bat pawis na pawis ka. Para kang nag jogging ah?" pabiro kong sambit sakanya sabay abot ng towel sakanya

"Nilinis ko lang ang inidoro, look...super white na niya."

"Kahit kelan ka talaga...pwede namang ako nalang gumawa niyan. Napapagod ka pa tuloy."

"Ayoko...naiistorbo pa kita sa pag rereview mo."aniya saka ako hinalikan sa pisngi at lumabas na

Lalabas na rin sana ako ng mapansin ko ang halos isang patak ng dugo sa gilid ng inidoro na yon. Pinaka titigan ko pa yon bago nagtanong kay Yujin

"Hon!bat may dugo sa inidoro?" Tinuro ko pa ang CR

"Malamang, may mens ako okay?"

"Sure ka? Sure ka ah?"

"Oo nga Hon! Come on!" She said while resting on the sofa.

-
"Hon...wala bang side effect tong vitamins mo?"

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now