4

0 0 0
                                    

Intrams

Inanunsyo saamin ng adviser namin na magkakaroon ng intramurals sa school at lahat kailangan sumali sa try out dahil sa ganoong paraan kami bibigyan ng grades ng teacher namin sa PE

Dahil familiar na ako sa volleyball, iyon nalang kinuha ko, siya naman ay table tennis, kaya lang dahil sobrang daming nag try out sa vb umalis nalang ako at lumipat sa badminton dahil ang court ng Badminton at Table tennis ay iisa.

Kaya lang hindi qualified ang tulad ko sa sports na yon, dahil maypagka firm ang katawan ko at matangkad talaga ako. So nilagay nila ako sa basketball girls. Na no choice ako kesa naman wala akong grades sa p.e kaya pinatulan ko na.

Sa loob ng mahaba habang training season, nawalan na kami ng oras dalawa sa isa't-isa. Though nakakalungkot man at least alam kong walang umaaligid sakanya.

Pero nagkamali ako, dahil yung team mates niyang lalaki, nagkakagusto sakanya. Nung nalaman ko yon lagi akong distracted sa training kaya lagi akong napaparusahan ng coach namin.

One day, maaga natapos training namin, so umakyat ako sa taas para hintayin siya. Tapos nung natapos sila, magkasama na naman sila nung guy na yon na itatago ko sa pangalang Mr. Mushroom, mushroom cut kasi ang buhok niya, nakakatawa.

So, hindi ako nagpatalo. Kinuha ko yung sports bag ni yujin at sinabit sa kabilang braso ko. Naka tingin lang yung mushroom na yon sa mga ginagawa ko at alam kong nakaka likha na siya ng palaisipan.

"Diba sa basketball ka? Anong ginagawa mo rito?"

"Sinusundo si Yujin, maaga natapos ang training namin e."

"Pero ihahatid ko siya sakanila, diba Yujin?"

Napatingin naman ako kay yujin na inaayos ang sintas ng sapatos. Hinihintay ang sasagutin niya kaya lang...

"Ayy oo nga pala, nakalimutan ko. May pupuntahan pala kami ni___mauna kana umuwi? Or gusto mo sumama?"

"Bakit naman ako sasama?"

"Wala lang..."

"May pupuntahan din ako. Mauuna na ako sainyo."

"Uyy Hera!!"

Tinatawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon. Ewan ko ba, nasaktan ako sa pagkakasabi niyang mauna na ako umuwi. Hindi ba niya alam na dalawang oras akong nakatunganga sa tabi habang hinihintay siyang matapos?

Tapos, kasama niya pang umalis yung mushroom na yon, anong gagawin nila? San sila pupunta? Date? Napag usapan na naming dalawa before na pahinga agad after trainings, tapos gumagala pa siya?!

Sa sobrang badtrip ko, naiyak ako sa kwarto ko ng saglit lang. At sinabi sa sarili na hinding hindi ko na siya papansinin pa. Magsama silang dalawa.

Kinabukas at sa mga sumunod na araw diko siya pinansin. Pero ang lukaret di talaga niya napansin ang pagtatampo ko, dahil occupied ang utak niya sa game at sa lalaking yon. Nag busy busyhan din ako sa game namin.

Then one time, she ask me if makakapanood ako sa game niya since mas nauna natapos ang 1st game namin kaya lang, may biglang sumulpot na babae na diko kilala. Fan ko raw siya kasi magaling daw ako mag laro.

Narinig niya pinag uusapan namin nung gurl na yon na inaaya akong lumabas para makipag bonding kasama team mates ko at friends niya. Pumayag silang lahat kaya napapayag din ako.

Yung gurl na yon kasi, ate niya yung captain ball namin kaya malakas ang loob kasi close siya sa team ko. Ako lang itong di nakikipag usap sakanya dahil occupied utak ko kay Yujin.

So ang nangyari, diko napanood yung game ni Yujin. Nabalitaan ko, natalo siya sa laro. Kaya nung bumalik ako ng school nung wala ng katao tao ron, don ko siya nakita sa hagdan umiiyak.

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now