3

0 0 0
                                    

Dahil nagmi make up na si Yujin ng pasimple, pati ako damay, kaya ayon napuna ni maam ang beauty niya at pinasali sa isang pageant, ang binibini at ginoong sipnayan.

Ilang beses siyang tumanggi kay maam, pero ang guro namin, minandatory niya yon. Kaya wala siyang nagawa kundi sumali, ngayon problemado kami sa funds dahil isa yung sa mga criteria ng pageant, paramihan ng funds.

May isang papansing galing grade 9 kay Yujin, ang laki ng binabayad niyang funds sa best friend ko araw araw kung hindi 50 pesos ay 100 pesos. Kaya yung fund list ni Yujin na limang piraso ng papel, nakakalahati na nung guy.

Syempre hindi ako nagpatalo, wala man akong pera, at least tumutulong naman akong umikot sa buong campus para manghingi ng barya para sa funds. Kinuha ko ang dalawang papel para sana punuin yon pero kinuha ni yujin ang isa.

"Isa lang punuin mo, itong isa panigurado, pupunuin na naman ni Bryan." Aniya habang binibilang ang sanda makmak na barya sa table.

Pinag masdan ko siya ng hindi niya namamalayan, nakaramdam ako ng kaunting lungkot dahil parang hindi na niya need ang tulong ko.

Hindi na talaga ako nasanay na nakukuha ng iba ang atensyon ni Yujin, nagtatampo agad ako ng palihim. Kakatwang maliit lang na bagay lang naman yon pero grabe ang impact saakin pero syempre hindi niya alam yon.

Naalala ko, dahil kay Bryan nauna siyang matapos sa funds niya, so matik siya ang 1st place sa funds. Ngayon, ang susuotin naman niya ang pinoproblema niya. Ako tahimik lang na nag rereview sa tabi niya dahil isinali ako ni maam sa quiz bee, equalizer, sudoku contest.

"bakit hindi ka humingi muna ng tulong sa mga kaibigan mo?"

"Hindi pwede yon, may mga sinusuportahan din kasi sila na kaklase nila na kalaban ko. Baka ma disqualified lang ako. Sayang naman ang funds na napanalunan ko."

"Kay Bryan, baka may alam siya. Medyo sikat ang isang yon. Dancer pala siya at balita ko, mag peperform din siya."

"Lalaki si Bryan, anong alam non? Saka nahihiya na ako sakanya...kasi..."

Natigil ako non sa pagsusulat dahil sa sinabi niyang labis kong hindi matanggap. "..feeling ko way niya yon para magsimulang ligawan ako. Sinabi kasi saakin ng tropa niya na may gusto siya saakin...natotorpe lang." Bulong niya.

"Kelan ka pa naging close sa mga tropa ni Bryan?"

"Sinadya ko, para malaman kung bakit ganito ang ugali ni Bry saakin. Tapos ayun ang nalaman ko."

Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko, hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko. Muli na namang nakaramdam ng kirot ang puso ko, pero syempre dapat chill lang.

"Oh! San ka pupunta?"

"Sa faculty, sabi ni maam punta raw ako don."

"Samahan na kita-"

"Wag na, jan kana."

Tinalikuran ko na siya na may sama ng loob sa dahilang hindi ko matukoy. Alam kong wala akong karapatan sumama ang loob sakanya dahil first of all, hindi naman siya nagbago saakin. Sadyang may papansin lang sakanya. Pero kasi hindi ko mapigilan itong nararamdaman kong tampo at lungkot :'(

Buo na ang lahat ng susuotin niya, from sports, formal, jeans, cultural attire, buhat bangko rin siya dahil siya mismo ang nagmi make up para sa sarili niya.

Ako naman mas nag focus sa contest, kaya ang oras namin sa isat-isa ay nawala saglit. Pero si Yujin, hindi nakapag pigil nalabas niya na naman ang hinaing niya saakin.

"Hindi porke busy ako sa sipnayan at ikaw naman sa contest, kakalimutan na natin ang isa't-isa. Ano? Mas okay bang kasama si Verron kasi matalino?"

"Ha? Ahh...Verron, mauna kana sa library." Pinauna ko na muna si Verron, yung top 1 sa section 1 na naging close ko bigla dahil pair kami sa isang game.

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now