2

0 0 0
                                    

"Anong facebook mo? Add kita!"

"Wala akong facebook, bawal nga akong mag cellphone eh."

"Kung ganon, gagawan kita."

Nasa canteen kami ngayon, itong kasama ko, panay dutdut sa cellphone niyang black berry. Naboboryo na ako dahil ang ingay rito.

Nilabas niya ang baon niya, napansin kong dalawa yon kaya kinutuban na ako. At tama nga ang kutob ko, akin ang isang yon.

"Kumain na tayo."

"Napapadalas na pagdala mo ng baon ko ah? Hindi ka ba pinapagalitan sainyo? Ng mama mo?"

"Hindi, ako mismo gumagawa ng baon ko, lagi naman kasi wala sina mama sa bahay, parehas busy sa work."

Nakasanayan kong lagi siyang nagdadala ng lunch box ko. Kaya ang nangyayari, hindi ko nakakain ang pinapabaon saakin ni mama. Kaya binibigay ko nalang iyon sa street children.

"Halika! Picture tayo."

Inakbayan niya ako at nag picture kaming dalawa, yung mukha ko seryoso at siya naman ay ngiting ngiti. Paulit ulit pa ang pag take ng pictures namin, nangangalay na ang leeg ko kakatingala.

May kung ano siyang binigay na papel saakin nung uwian. Nung mabasa ko iyon, facebook acc. Ko pala yon, kaya pag uwi ko, dumeretso ako sa computer shop at sinubukang buksan yon.

Pagbukas ko, boom! Picture namin nakalagay sa profile picture. Hindi ako marunong gumamit ng fb kaya nagpaturo pa ako sa katabi ko.

Nang istalk ko ang feed ni yujin doon ako medyo nahiya dahil nababasa ng katabi ko mga pinagsasabi ng bruha.

'Otw sa school! Whooooo, makikita ko na naman si crush!'

'Face off, sino mas sikat sino mas angat...'

'Salamat sa floodlikes sharmen!!'

'Pinaka paborito kong kaibigan si Hera, kahit masungit'

'Ako ang best actress sa roleplay namin whoop!! Boom panis!'

Tumatak sa isip ko ang sinabi niyang yon tungkol saakin at napangiti. Nag post ako ng kauna-unahang status, sigurado akong magtatalon na naman ito sa tuwa haha

'Thank you dahil ginawan mo ako ng account Yujin!'

Kinabukasan, kinaladkad niya ako papunta sa pasilyo kung saan nakatambay iba niyang mga kaibigan at pinakilala niya ako sakanila.

Mababait silang lahat, doon ko napagtanto na kaya pala ganito ka energetic si yujin dahil sa nga kaibigan niya. Lahat sila, gusto akong maging kaibigan.

Kaya sa nakalipas na ilang linggo, unti-unti na akong nasasanay sa presensya nila. Noon, sanay na akong mag isa, ngayon nagagawa ko ng umalis sa comfort zone ko...which is to be alone.

Kahit saan na kami napupunta pagkatapos ng klase, pero madalas naming puntahan ay ang Luneta at SM Manila dahil walking distance lang siya mula sa school. Ngayon masasabi kong hindi pala nakaka umay ang maingay na paligid kundi nakaka enjoy.

"Wag kayong pupunta ng bahay ah? Mama ko kasi ayaw niya na nakikipag kaibigan ako. Baka kapag nalaman niya itransfer na naman ako sa ibang school." Sabi ko sakanila nung naipon kami sa food court dito sa ground floor ng SM Manila.

"Ahh! Kaya pala nagalit ka saakin noon nung sinusundo kita yun pala ang dahilan."

"Pasensya na."

"Hindi ayos lang, naintindihan ka namin. Basta kapag kami kasama mo, dapat masaya ka lang at tumatawa." Ani naman nung isa niyang kaibigan na si Sharmen.

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now