8

0 0 0
                                    

2 years before

After ng graduation ko nag decide na akong magsimulang mag submit ng papers sa different public universities dito sa Manila, nauna na ron ang UP. Tamang tama naman kasi na nag open sila ng admission na walang entrance exam, ibabase lang nila sa interview at grades nung highschool ang ika qualified nila sa Campus.

Pero akalain mo yon? Sobra akong pinahirapan ng langit. Kasi nung araw na busy ako mag apply sa mga school, doon naman sunod sunod ang kamalasan sa pamilya namin.

Nawala ang special child kong kapatid, nung araw na yon halos gumuho na ang mundo ni mama at papa, ilang buwan natigil mag work si papa at si mama naman hindi na naka recover sa deppression.

Sobra naming mahal ang kapatid ko na yon, kumbaga sa circle siya ang tuldok sa gitna and we? Are his protection. Hindi naman siya totally abnormal, nakakapag salita siya at nakakapag lakad, yun nga lang hindi lang matino is yung mindset niya, kumbaga nau a lumaki yung katawan niya kesa ang isip.

Tapos edi mas nahirapan akong ihandle ang pag aapply ko, pag rereview ko kasi tinutulungan ko sila papa na hanapin ang nawawala kong kapatid. Wala naman kasing problema kung alam niya yung address namin kaso hindi, maski name ng parents namin hindi niya alam.

Mama at papa lang, ate at kuya lang, iyon ang isa sa biggest regrets ng family namin, na hindi namin tinuro sakanya yung mga dapat niyang sabihin kapag naligaw siya. Ultimo realname niya di namin naturo sakanya, yung nickname lang talaga niya ang alam niya.

So, ilang buwan kaming nag hahanap pero wala talaga, sobrang nakaka lungkot ng pangyayari na iyon lalo pa at special child yun, di niya alam anong gagawin? Saan ba siya ngayon? Nakakain na ba siya? Nakakatulog?

Going back sa UP, dumating na ang result ng passer after interview at evaluating the grades. Nasaktan ako sa part na pasado ako sa interview pero yung standard rates ng UP sa grade na kina qualified nila .3 lang ang kulang ko at pasado na ako, kaya lang hindi nila kino concidered yon.

Iyak ako ng iyak dahil hindi ako qualified sa dream school ko. Wala akong maiyakan dahil busy sila mama mag luksa sa nawala kong kapatid, wala rin ako masyadong nabuong friendship nung highschool, sila Sharmen lang.

"Hay...aplikante ka rin?" Isang babae ang biglang kumausap saakin dito sa registrar sa PLM

"Oo"

"Same! Bali...anong course kukunin mo kapag nakapasa ka here?"

"Nursing."

"Woah...ang lupet pala ng gusto mo. Balita ko, mahirap daw rito, parang UP ang galawan nila rito."bulong niya.

"Hmm...ikaw anong course?"

"Kahit ano basta masecured ang college ko. Importante maka pasok."

"Mas malupet ka pala."

Fast forward nag submit na ako ng papers sa admin saka umuwi. Pag uwi ko nag start na ako mag review, iyon lang ang madalas kong gawin while waiting sa exam day. Ang kaso...

"Dalhin natin siya sa hospital!!" Sigaw ni mama.

Isang kapatid ko na naman ang nagkasakit dahil sa dengue. Ito ang hirap sa mga taong walang tiwala sa doctor. Ilang linggo na palang dinaramdam ng kapatid ko ang lagnat, di pa dinala sa ospital at mas nagtitiwala sila sa albularyo, gamot at punas punas.

Pagdating namin sa hospital, hinang hina na ang kapatid ko. May dugo na ngang lumalabas sa ilong niya e. Pag tumatae siya, may kasama ng dugo at pag inuubo may dugo rin.

Kamalas malasan na ang napuntahan naming hospital ay somewhere in santa ana. Public hospital so expected na pila pila ang pasyente, kaya naka pila rin kami.

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now