10

0 0 0
                                    

"Congratulation!!!"

Maraming bumati saakin na mga kamag anak ko matapos akong gumraduate. Kaliwat kanan rin ang regalo at sobrang saya ko nung araw na yon kasi kitang kita ko na masaya ang parents ko pati ang tatlo kong kapatid.

"Salamat po! Ma! Tara rito, picture tayo!" Tawag ko kay mama na kasama ni Ellah.

Picture dito picture doon. But one thing is for sure, kami ni Ellah ang may pinaka maraming pic, sa sobrang dami, nangalay na ang mukha ko kaka ngiti.

"Nakaka pagod!"

"Haaaays! Sinabi mo pa. Pero worth it naman." Ani Ellah.

Mas lalo akong ginanahan ng dumating na ang kotse kung saan nakasakay si Yujin at ang family niya to congratulate me. Sinalubong ko siya kahit di pa naka park ang kotse nila.

"Congrat!! Ang galing mo!"

"Hindi naman...medyo lang!"

"Sahera Lionela Alonto, Suma Cumlaude...best in thesis, student of the year...ano pa?"

"Wag mo na nga banggitin yan!nahihiya na ako."

And finally she hugged me so tight at nag congratulate ulit siya saakin. I also tap her back and hugges her too.

"I'm so proud of you..."

"Thank you.."

We took a picture over and over saka nag kwentuhan pang dalawa, hindi namamalayan ang mga tao sa paligid at mas lalong di namin namamalayan ang hawakan ng kamay namin.

Si Ellah naman? Tahimik siyang umalis ngunit nag paalam naman sya saakin. Makikipag picture din sa iba kasi graduate din siya ng tourism. Suot namin pareho ang mga toga namin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Hindi na ba sumasakit ang puso mo?"

"Haaays, nauumay na ko sa tanong mong yan promise, okay na okay na nga ako." Aniya at nangingiti.

Naalala ko nung mga sumunod na araw sobrang saya ko non. Wala na nga akong mahihiling pa e. Kasi bumalik ang closeness namin ni Yujin at mas naging close pa kami. Hinayaan din kami ng family namin kasi kaka graduate ko palang si yujin, ggraduate palang kasi nag skip siya for 1yr para sa recovering niya.

3 months before the day...

"Nag take kana ng board diba?"

"Yup, why?"

"Ipagdarasal ko na sana maka pasa ka. Para ganap kanang isang Nurse."

"Sana nga 1 take lang. Hirap kaya mag review ulit."

Naka upo kami sa sahig don sa terrace ng bahay nila. May libro siyang naka patong sa legs niya. Nung silipin ko, bible pala yon. Nagtaka ako kaya di na nakapag pigil magtanong.

"Bible?"

"Oo, ilang araw ko na tong binabasa."

"Bakit?" Kabado kong tanong

"Wala, masama bang basahin? Ikaw ah?hindi ka nag babasa ano??"

"To tell you the truth, yes...siguro nga sa isang taon, isang beses lang ako magbasa. Iilang stanza pa."

"Ako, recently lang nagka interes. Na curious ako e. Minsan nga sa sobrang amaze ko sa mga nababasa ko rito, napapaisip nalang akong mag madre, sobrang bilib din talaga ako kay God."

Aniya ng naka tingala sa langit. Bakit nung sinabi niyang yun, nakaramdam ako ng lungkot at kaba? Hindi ko maintindihan ang emosyon ko na yon.

"Pag nag madre ka...paano na ako?"

Madre Sahera's HeartWhere stories live. Discover now