Chapter 5

393 7 0
                                    

Hindi nga nagkamali si Ethan umulan nga mabuti nalang nakabalik na agad kami sa resort ng bumagsak ang buhos ng ulan

There's something in this guy na hindi ko maipaliwanag magaan syang kausap at kasama. I'm comfortable with him easily maybe because he knows how to deal well with other people kaya di na rin nakakapag taka


I am here in the lounge area of ​​his resort. It's like nippa hut style kalahati ng mga pader nito ay gawa sa salamin kaya maaliwalas sa mata. Nasa tabi nito ang mga kubo na pinaparentahan nila



Pinapanood ko ang mga batang naliligo malapit sa dagat. Tumabi sa akin si Ethan may dala syang tuwalya iniabot nya ito sa akin


"Basa ka mag towel ka muna" kinuha mo sa kamay nya yung tuwalya



"Hindi naman na masyadong kailangan ehh pwede naman akong tumakbo papunta sa Kubo ko basa na din naman ako" tinaklob ko sa ulo ung towel at muling pinanood ang mga bata



Nakakatuwang isipin na nakikipag usap ako sa kanya na para bang matagal na talaga kaming magkakilala


"Dapat sinabi sana di na ako nag effort na kuhaan ka ng towel" hinila nya ung towel sa ulo ko medyo malakas yun kaya muntik na akong magtumba nasalo nya naman agad ako




"Ay sorry napalakas" nagulat din sya sa ginawa nya


Kinutusan ko naman sya nakakainis din sya minsan


"Loko ka hindi mo ba alam ung salitang Gentle???" umayos ako ng tayo at hinila pabalik ung towel at tinaklob ulit sa ulo ko



"Sorry na binibiro lang naman kita hindi ko sadya Gentleman kaya ako" tumingin din sya sa mga batang naliligo malapit sa dagat



"Hindi ba delikado yan Ethan? I mean baka lumakas ung hampas ng alon at maabot sila?" tanong ko



"Hindi naman malakas ung hangin ehh siguro dadaan lang tong ulan" Hindi nga ganon kalakas ung ulan wala din masyadong hangin



"Kabisado mo na din ba ung magiging lagay ng panahon dito?" bigla syang natawa sa tanong ko




"Grabe di mo alam manghuhula ako?" tawa sya ng tawa hindi ko alam kung nagjoke ba yon




Tumingin ako sa paligid nakatingin sa akin ung nasa front desk na para bang sya pa ung nagsosorry sa akin na ganto umasta ung amo nya




"Nasobrahan kana sa pagiging comedian Ethan, pwede kana sa Bubble Gang" Ang ganda-ganda nyang lalaki ganto ugali nya



Napansin ko kanina na grabe din makatingin sa kanya ung mga babae dito.Moreno sya at ang tangos ng ilong nya gaya nung una kong kita sa kanya hindi talaga makakaila na Gwapo talaga sya




"Hindi ako bagay don. Dapat nga singer ako" pagmamaktol nya



"Yan ka na naman sa kaka singer mo muntik na nga tayong ilunod ng dagat kanina ayaw ka ata pakantahin" ngayon lang ako nakipag usap ng matagal sa taong hindi ko naman kaclose maliban kay Carl.Iba talaga tong si Ethan




"Baka inutos ng sirena yun baka masapawan ko ung boses nya kapag kumanta ako ehh" Honestly this man is also weird kahapon ipinapanakot nya sa akin ung Siyokoy daw ngayon naman pati ung Sirena nadamay




Hindi ko alam kung bat ko ba talaga sya pinagkakausap



"Sige na nga babalik na ako sa Kubo ko magbabanlaw muna ako" nakakaramdam na din kase ako ng lamig



Drown by His Love | COMPLETED |Where stories live. Discover now