Chapter 6

341 8 0
                                    

"Nasaang lupalop ka ba ng mundo Courtney!! nung nakaraang araw pa kita hinahanap!! hindi ka din sumasagot sa mga tawag ko!" ramdam ko ang pang gagalaiti sa boses ng manager ko sa kabilang linya




"Chill Beca, don't worry nasa Pilipinas pa din naman ako" kalmado kong sagot habang iniinom ang kape ko




"Matuto ka ngang magpaalam! Alam mo naman na sa susunod na linggo na ang launching ng movie ninyo!! Nandon ka dapat sa premier night!" patuloy na pagsermon nya




"I know, don't worry uuwi ako bago ang launching. I just need some fresh air masyado na akong nasasakal jan sa Metro" I looked at the sea. It's calm today maliliit lang ang mga alon





I'm facing the sea while sitting in a chair na gawa sa kawayan pinatungan yun ng foam para kumportableng upuan. There's also a small nippa hut beside me natatakpan naman non ang sikat ng araw this spot is perfect para sa mga gustong tumambay lang like me





"Make sure Courtney! Kung hindi pareho tayong mananagot sa management. Sige na enjoy your stay there at utang na loob wag kang gagawa ng kalokohan jan" Wala naman akong ginagawa na kina-istress  nya ? Why did she say that?





She ended the call. Maikli lang pala ang magiging bakasyon ko dito halos 2 weeks lang gusto ko pa sana magtagal pa ng bakasyon pero kailangan ko pala talagang bumalik sa Manila agad





"Courtney!!!!!" isang napakalakas na boses ang pumukaw sa atensyon ko





Nakita ko si Jewel ka tumatakbo papunta sa akin




"Oh Jewel? you need something?" I take another sip on my coffee while looking at her





"Sama ka?" excited nyang tanong sa akin



"Saan? mamamasyal?" na excite din ako she mentioned me last night na sasamahan nya akong mag Island hooping





"Hindi, sa bahay ng kaibigan ko si Sierra. Naalala mo sya? hindi kita napansin nung araw na yun dahil natataranta ako pero sabi ni Ethan ikaw yung tumulong kay Sierra non" nawala ang excitement sa mukha ko ng marinig yun





Parang hindi ko kayang makita ulit yung baby nya. Nabalik na naman sa isip ko ang boses ng anak ni Raziel habang buhat ko siya sa mga bisig ko





Napansin ata ni Jewel ang pag-iiba sa reaksyon ng mukha ko




"Bakit Courtney? ayaw mo ba? matutuwa si Sierra kapag makita ang taong tumulong sa kanya" nag-aalalang tanong ni Jewel. I can't blame her she don't have any idea about me





"No Jewel, hindi naman. Maliit na bagay lang naman yun" I cleared my throat "H-hindi ba nakakahiya? hindi naman nila ako kilala pero pupunta ako doon?" Hindi ko na alam ang sinasabi ko tama kayang pumunta ako at makita ang baby ni Raziel kakayanin kaya ng puso at utak ko?







"Ano kaba!! Oo naman! malaki ang tinulong mo kay Sierra!! tsaka pina sundo ka non sa akin tara bili!!" hinila nya ako mula sa pagkakaupo ko wala na akong nagawa





Hawak hawak nya na naman ang braso ko, naglalakad kami ngayon papunta sa parking area ng resort ni Ethan.






May ilan pa ring mga nagpapapicture sa akin. Napansin ko si Jewel na nakaupo na sa isang motor at hinihintay ako






"Tara?" tanong nya, kinakabahan naman akong sumakay sa motor




Dapat bang sumama ako? Paano kapag doon ako mag break down? Bahala na





Drown by His Love | COMPLETED |Where stories live. Discover now