I was scrolling on my phone checking my Instagram account binabasa ko ang mga comments sa picture na pinost ko kasama si Ethan at Jewel noong naroon kami sa Isla ni Raziel
"Sino ung guy na kasama mo Courtney?" tanong ng isa sa mga nakatrabaho ko
"Gwapo nung kasama mo Court"
"The Who?"
"Boyfriend ata ni Courtney"
"Bagay sila tingnan"
"Moreno mukhang yummy"
Napangiwi ako nang mabasa yung mga comments halos si Ethan lang yung napansin nila
Kahapon ay sinamahan ako ni Ethan mang huli ng Pusit. That was a very unforgettable experience sumakit yung kamay ko sa paghawak ng pisi na pinang huli namin at masarap pala kumain kapag pinaghirapan mong hulihin ung kakainin mo after non bumalik din naman agad kami ni Ethan sa resort. Alam kong marami syang ginagawa pero sinasamahan nya pa rin talaga ako
Katatapos ko lang din maki Zumba ulit sa mga locals dito. Nakaka enjoy ang saya nilang kasama
Isang linggo na pala akong nandito ilang araw nalang pala uuwi na ako. Medyo nakaramdam ako ng lungkot napaka saya dito sa Isla nakakasundo ko na din yung ilang taga dito
"Maam Courtney" tawag sa akin ng isa sa mga kasama ko sa Zumba sa pagkakatanda ko sya si Aling Mary may kasama syang dalawang bata. I recognised this two si Kring and Neneng
"Anak nyo po pala sila?" masayang tanong ko ngayon ko nalang ulit sila nakita
"Opo Maam, may ibibigay po daw sila sa inyo" lumapit sa akin ung magkapatid
May hawak silang isang karton hinarap nila sa akin yun, Punong-puno ng mga picture ko na alam kong galing sa mga magazine. May mga flower designs at heart stickers silang nilagay
"Maam Courtney. Pasensya na po ahh hehehe wala po kami pera ni Ate pang regalo sayo" my heart melted iniabot sa akin ni Kring yung ginawa nila
"Bat nyo naman ako niregaluhan?" nakangiting tanong ko habang tinitingnan ang gawa nila malinis ang pagkakagupit nila at pagkakadikit
"Kase po sabi po ni Nanay kagabi baka daw malapit kana po umuwi sa inyo. Bigay po namin sa inyo yan para di nyo po kami makalimutan dito sa Isla" I really love this kid's innocence
"Thank you Kring and Neng. I highly appreciated" I hugged them both
Nahagip ng mga mata ko si Ethan na kasama si Tobias na naglalakad mukhang aalis sila
"Aling Mary, Kring and Neng dito muna ako ahh? Thank you sa inyo hah" Paalam ko sa kanila bago humabol kay Ethan at Tobias
"Where are you going?" sabay silang tumingin sa akin
"Pupunta kami sa Bayan, you know maghahanap ng babae" sagot ni Tobias napataas naman ang kilay ko puro babae talaga nasa utak nitong lalaking to
"I'm seriously asking Tob" malamig na sabi ko
"Pinapatawag lang kami ni Mayor sa munisipyo. May importante atang sasabihin sa mga business owner dito sa Isla" Sabat ni Ethan
"Sama ka?" dagdag nyang tanong
"Huh? amoy pawis ako ehh di pa ako naliligo" pawis na pawis kase talaga ako kanina pa. Napakunot ang noo nya
"Bat di ka agad Nagpalit? hinintay mo pa talagang matuyuan ka ng pawis?" seryosong tanong nya sa akin
"Ayan nagagalit ung boyfriend mo Court" singit ni Tobias
Umubo ng mahina si Ethan tsaka tumingin sa malayo
YOU ARE READING
Drown by His Love | COMPLETED |
RomanceRomance | R-18 She's a famous actress all the fame belongs to her, Everyone looks up to her. Sa kabila ng lahat ng iyon walang nakakaalam ng sakit at pighating naranasan nya para lang marating ang taas na kinalalagyan nya ngayon. Pilit nya mang taka...