Chapter 7

357 8 0
                                    

This is my 4th day staying at this Island. I'm here at my Kubo preparing myself para sa pagdating ni Jewel she told me na ngayon kami mag i-Island hooping with Ethan

Speaking of that man bumalik na naman ulit sya sa pagiging palabiro na para bang wala syang sinabing nakapag patibok ng dibdib ko


Casual ulit syang nakipag usap sa akin. Kaya hindi ko na din inisip yung sinabi nya hindi na din naman ako umaasang magkikita kami sa Manila kahit pa alam kong pupunta sya doon



I put sunscreen on my face and body first bago ko sinuklay ang buhok ko. Bumagay sa top ng one piece swimsuit ko ang sinuot kong ripped high waist pants huhubarin ko din naman mamaya kapag magpapapictute ako sa mga magagandang spot. Naglagay lang din ako ng konting powder sa mukha ginamit ko nalang din as a blush ang liptint ko konting ayos ng eyebrow at konting lagay ng mascara . No need naman mag make up ng sobra basta lang mag mukha akong fresh

Kinuha ko na din ang cardigan ko para proteksyon sa init and also my Floppy straw hat bago lumabas sa Kubo


"Courtney!!!" tawag sa akin ni Jewel na kasama na ngayon ni Ethan. She's just wearing a croptop and a high waist shorts too mukha talaga syang local ng island.


Ethan is wearing a floral short sleeves polo with a white shorts he looks so fresh with his outfit. Bagay sa moreno nyang skin color

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Talagang sa samahan talaga nila ako I can't imagine na magkakaroon ako agad  ng close friends dito

"Tara na Courtney para makadami tayo ng ikot" humawak agad si Jewel sa braso ko nasasanay na ako sa kanya

"Tara na?" tanong ni Ethan

"Sige tara" nag simula na kaming maglakad papunta sa dagat

Habang naglalakad ay may mga bumabati pa rin sa akin. Nginingitian ko sila. Kay Ethan din karamihan ng bumabati sa kanya foreigners pa

May bangka na nag-aabang sa amin sa dagat.

"Mang Dan! salamat po at na istorbo namin kayo" bati ni Ethan sa lalaking nakasakay sa bangka I think sya ang magpapatakbo nito

"Naku Sir Ethan alam mo namang malakas ka sa akin, tsaka ang tagal ko nang hindi nagagamit itong bangka mo namiss ko din sya hahahaha" sagot niya Kay Ethan

"Mang Dan si Courtney po pala alam ko naririnig mo na sya" pakilala ni Ethan sa akin

"Aba'y oo naman, Pinag-uusapan sya ng taga Isla biruin ung pinapanood lang nila sa Tv ay nandito. Tsaka kinuwento sya ni Sierra sa akin" May binaba siyang parang hagdan para makaakyat kami sa Bangka



"O sya pumanik na kayo dine at tayo'y lalaot na at mapakita naten kay Courtney ang ganda ng lugar natin" inalalayan nya si Jewel na unang umakyat



Hinawakan ni Ethan ang kamay ko para alalayan naman akong makaakyat




"Thank you" sabi ko sa kanya



"Sabi ko sayo Gentleman ako ehh" biro nya haynako ito na naman sya





Nang nakasakay na kaming lahat ay pinaandar na ni Mang Dan ang bangka




May iilan na ding nasa dagat siguro gaya namin ay maglilibot din sila wala palang 15 minutes ng huminto kami sa isang isla. Malaki konti yun pero iisang structure lang ang nakatayo doon




"Kay Raziel ito, binili nya nitong nakaraan lang" sabi ni Ethan sa akin habang naglalakad papunta sa Kubo




May napansin akong platform na naka pwesto sa malapit sa dagat siguro nasa 2nd floor na bahay ang taas non sa itaas ay may ginawang view deck may ilan nang nagpapapicture sa itaas magada siguro ang view



Drown by His Love | COMPLETED |Where stories live. Discover now