Chapter 20

358 6 0
                                    

Agad kong niyakap si Courtney nang mapansin kong nagsisimula na naman ang panginginig ng buong katawan niya

"Ethan hindi ko ba talaga deserve magkaroon ng payapang buhay?" Karagal na boses niyang tanong sa akin

"Bakit kung kelan masaya na ako?"

"Hindi ba pwedeng sumaya?" nadudurog ang puso ko sa bawat hikbing namumutawi mula sa kanya

"Shhhhh Langga. Deserve mong maging masaya at hanggat nandito ako sa tabi mo pasasayahin kita" Hindi ako makapaniwala sa mga huling salitang binitiwan ng Mama ni Courtney sa kanya

Alam ko ayun ang dahilan ng muling pagkaka ganito niya isama pa ang panibagong nalaman niya tungkol sa totoong pagkatao niya

Litong-lito siguro siya ngayon at alam kong masakit ang loob niya sa mga narinig niya

Hinarap ko siya sa akin. Ang hirap niyang tingnan sa gantong sitwasyon halata sa mga mata niya ang sakit akala ko hindi ko na muling makikita ang mga matang ito sa kanya

"Langga, kung hindi ka kayang tanggapin ng Mama mo ay wag mo nang ipagpilitan pa ang sarili mo sa kanya. Bumuo ka nang bago mong buhay yung magiging payapa ang isip mo at magiging maligaya ka" marahan kong hinaplos ang pisngi niya

Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya at nilapag sa kami

Hindi na siya nanginginig

"Ethan dito ka lang" mahina niyang sabi sa akin

Ganito din ang nangyare sa amin noong huling nagka ganito siya sa Isla

"Oo naman. Gusto mo kantahan kita?"

"Tabihan mo ako Ethan" ngumiti ako at umakyat sa kama niya

Inalalayan ko syang makahiga bago ako tumabi sa kanya. Inilagay ko ang ulo niya sa bisig ko. Yumakap naman siya sa bewang ko

"When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace" Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang nakatingin sa kisame

"And now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul and I know
I'll find deep inside me
I can be the one" Walang anumang ingay ang naririnig sa buong kwarto kundi ang boses ko

"I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven" Iniisip kong yayain nalang si Courtney pabalik sa Isla. Mailalayo ko siya sa Mama niya na malaki ang epekto sa isip niya meron din namang doctor sa bayan na makakatulong sa kanya

"It's okay, It's okay, it's okay" Hinawakan ko ang kamay niya

Hindi siya nagsasalita nakikinig lang siya sa pagkanta ko

Hanggang matapos akong kumanta ay tahimik lang siya nang tiningnan ko ang mukha niya ay tulog na pala siya siguro ay napakalma ko na siya kaya nakatulog agad

Ilang minuto akong nakatingin sa kawalan. Iniisip ang mga bagay na pwede ko pang gawin para kay Courtney hindi sapat na nandito lang ako sa tabi niya. Hindi sapat ng Pagmamahal ko para mas gumaling siya kailangang may gawin pa ako

Hindi ko namalayang nakaidlip na din ako

Pero nagising ako nang may narinig akong nababasag sa labas ng kwarto ni Courtney wala na din siya sa tabi ko

Agad akong napabalikwas at tumayo patuloy pa rin ang mga pagbasag sa labas. Anong ginagawa ni Courtney?

Naabutan ko siya sa kusina na may hawak na mga pinggan hanggang dito sa living area niya ay may mga basag din na plato buong unit niya ay mayroon. Pati mga nakasabit na frames ay basag din

Drown by His Love | COMPLETED |Where stories live. Discover now