Chapter 11

357 7 0
                                    

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ko kay Ethan. Hindi na nga ako lumabas sa kubo ko nang makabalik ako at di na ako nakapag hapunan


That Man!!! He's making me crazy last night!!



Mabuti na nga lang at around 2 am ay inantok na ako at nakatulog din sa wakas

Nakaupo ako ngayon sa buhanginan kasama ang mga ka-Zumba ko dito, hindi pwedeng hindi ako makasali sa kanila I know na pagbalik ko sa Manila ay hindi ko na ulit magagawa ito

"Courtney napanood ko ung video ninyo ni Sir Ethan doon sa Bayan aba habang nanonood ako ay kinikilig ako" lumapit sa akin yung Zumba instructor namin at umupo sa tabi ko

Huh? Video

"Video?" pagkakatanda ko wala naman akong ibang iupload kahapon maliban sa pictures ko



"Video ninyo na kumakanta ito ohh shinare ko nga sa facebook ko" binuksan nya ang phone nya may ilan lang syang pinindot at inabot sa akin ung phone nya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang video namin ni Ethan



It was us singing inside the municipal yesterday. I remember na maraming kumukuha sa amin kahapon maybe isa doon ang nag-upload



Eight hundred thousand reacts,
Thousands of comments and shares,
and million views for just 20 hrs?!!!




"Mukhang hindi mo alam na may nag-upload nito.Kalat na kalat to sa Twitter, Facebook at Tiktok may iba't iba pa ngang anggulo" nakatingin pa rin ako sa screen ng phone nya





"Ay oo viral nga kayo ni sir Ethan, teka Courtney kayo na ba ni sir?" tanong naman ni Aling Nena lahat sila nakatingin sa akin



Pakiramdam ko nasa Hot Seat ako




"Po? Hi----Hindi po"pawalang boses na sabi ko bigla ko kaseng naalala yung mukha ni Ethan habang binabanggit nya ung salitang I like you. Nag-init ang mga pisngi ko




" Hindi nga ba? ay bakit ka namumula? "tukso ng isa sa mga kasama ko kahit na mas matatanda sila sa akin ay parang barkada na ang turing ko sa kanila masaya sila kasama parang matagal na nila akong kilala kung ituring nila ako kaya naman ganon din ako sa kanila




" Hindi nga po Aling Mary, nagkatuwaan lang po kami ni Ethan na magduet kahapon" gusto ko nang umalis dito mukhang hindi nila ako titigilan





"Sya nga ba? Aba'y grabe ang titigan nyo sa video ehh" panunukso din ni Aling Nena





"Yieeeeeehhhh" sabay-sabay nilang tukso sa akin hindi ako makapag salita ano bang sasabihin ko? wala naman




"Alam mo Courtney  yang si Sir Ethan hindi yan nagtatago ng nararamdaman sa isang babae? " pumukaw sa atensyon ko ang sinabi ni Aling Mary




"Oo nga alam mo ba na malaki ang pagkagusto nya noon kay Sierra?" tanong sa akin ng instructor namin




Alam ko yun nakwento sa akin ni Ethan yun nung nakaraan. Tumango ako mukhang mapapakwento sila sa akin




"Ay alam mo pala hahahaha. Matagal nya nang gusto iyon si Sierra simula pa siguro noong high school sila. Hindi naman tinatago ni Sir Ethan yon lagi nga iyong bumabanat kay Sierra dati pero inaalok lang sya ni Sierra ng isang kamao. Buong Isla alam na gustong-gusto nya si Sierra noon nasa punto na kami na lahat kami dito ay nangakong maghahanda kapag sila ang kinasal" I think I need to hear this story about Ethan. Nacurious ako kung paano sya magkagusto sa isang babae hindi naman naiinis kay Sierra past na iyong sa kanila ni Ethan





Drown by His Love | COMPLETED |Where stories live. Discover now