Sinusundan ko ngayon si Courtney, nakilala ko sya dahil sa mga staffs at guest ko. Pinag-uusapan sya kahapon dito sa Isla. Sikat siyang artista
Sya pala ung isa sa pinapanood ng mga tao ko sa hapon kapag binubuksan ung tv sa receiving area. May sapat nang kuryente ang dumadaloy sa buong Isla kaya nakakagamit na kami ng ibang appliances maliban sa mga electric fan maraming salamat sa tatay ni Sierra
Habang nakasunod ako sa kanya humihinto naman sya para pagbigyan yung mga nagpapicture sa kanya
She smiles on camera but her eyes is so empty. Yan din yung nakita ko sa mga mata nya kagabi noong tinitigan ko sya matapos nyang balaking magpakalunod
Alas-dose ng hating gabi kagabi nang maglakad-lakad ako dahil hirap akong makatulog. Napansin ko syang nakaupo sa buhanginan panay buga nya ng usok ng sigarilyo at inom nya ng alak. Mukha ngang nakakarami na sya
Pinapanood ko lang sya pero habang tumatagal napapansin ko ang paggalaw ng mga balikat nya. Tinatakpan nya din yung mga tenga nya at may sinasabi syang hindi ko marinig
Lalong napukaw ang atensyon ko nang lumusong sya sa dagat, umiiyak sya at parang wala sa sarili. Naalarma ako nang makita kong hanggang leeg nya na yung tubig pero pinagpatuloy nya lang ung paglakad nya kaya tumakbo na ako papunta sa kanya at nang nakalubog na sya sa tubig ay agad ko syang iniahon sa dagat
Habang nagpupumiglas sya sa pagkakahawak ko punong-puno ng sakit yung boses na lumalabas sa bibig nya at para bang sobrang tindi ng sakit na dinadamdam nya
Nang lumuhod sya sa harap ko nakita ko ang panginginig ng katawan nya at alam kong hindi dahil sa lamig yun. May iba syang pinagdadaanan
Sino ang mag-aakalang ang babaeng iniidolo at minamahal ng karamihan ay may pinag dadaanang ganito katindi. Hindi ko man alam kung ano yun pero sa mga kilos nya alam kong mabigat at siya lang mag-isa ang nadadala ng pasaning yun
Habang yakap ko sya kahapon nawala ung panginginig nya. Yung iyak nya hindi na rin ganon kalakas. Naramdaman ko ang pagkalma nya
Hinatid ko sya sa Kubo nya. Hindi sya umiimik hanggang makarating kami. Isang Thank you ang binigay nya sa akin bago niya ako pinagsarahan ng pinto
Nabalik ako sa realidad ng mapansin mong papalapit sya sa akin
"Stop following me, mukha kang stalker" pagtataray nya sa akin siguro defense mechanism nya tong pagtataas nya ng kilay sa akin
"Hindi ako stalker body guard mo ako" naglakad ako. Sumusunod sya sa akin
"Alam kong ang gwapo ko, wag ka sumunod sa akin mukha kang stalker" binalik ko sa kanya ung sinabi nya sa akin kanina
Sabay na kaming naglalakad ngayon hindi ko alam kung saan ako papunta ang gusto ko lang paliwanagin yung araw nya ngayon
"Aba siraulo pala ito." Sabi nya
May ilang bumabati at kumakaway sa kanya na nakakasalubong namin. Sobrang sikat pala talaga nya wala kase akong masyadong alam hindi ako masyadong mahilig manood ng tv. Malambing naman nyang pinapansin ang mga iyon
"Ang lambing sa ibang tao sa akin nagsusungit?" sanay na talaga akong makipag usap sa ibang tao na para bang close ko sila kahit hindi naman talaga
"Excuse me? we're not close. Anong pinagsasabi mo?" Ayan nakataas na naman yung kilay nya sa akin
"By the way... Sorry and Thank you kagabi" humina ang boses nya
YOU ARE READING
Drown by His Love | COMPLETED |
RomanceRomance | R-18 She's a famous actress all the fame belongs to her, Everyone looks up to her. Sa kabila ng lahat ng iyon walang nakakaalam ng sakit at pighating naranasan nya para lang marating ang taas na kinalalagyan nya ngayon. Pilit nya mang taka...