PROLOGUE
Let me tell you my story. My one of a kind love story...
Naalala nyo pa ba kung paano nag slow mo ang buong paligid at nag auto focus ka lang sa isang tao? Yung parang nawala lahat ng tao sa mundong ibabaw at kayo na lang ang naiwan? Tapos biglang tumibok ng malakas yung puso mo noon na normal lang yung heartbeat. Yung saya nung mga oras na nakatingin ka sa kanya na para bang perpekto na lahat ng nakikita mo? Tapos bigla syang ngingiti at magwawave sayo? Diba kulang na lang maglulupasay ka sa harap nya, pero syempre hindi mo gagawin yun kasi magmumukha kang katawa tawa.
Magwawave ka, kasi nag wave sya sayo tapos sasabihin mong, "hi!" sabay labas ng pamatay mong ngiti.
Ayan na, palapit na sya sayo. Nakangiti ng malapad na para bang matutunaw ka anytime. Kaya lalapit ka naman sa kanya ng unti unti para kausapin sya.
"bro!" sigaw nya. Oo bro ang sinabi nya. Rinig na rinig ng tenga ko. Hindi ako lalaki at lalong hindi ako tomboy. Sino si bro? hindi ko rin kilala. Best friend nya siguro.
Lumingon ako sa kanilang dalawa. Hindi pala ako ang winave-an nya. "Justin!?" gulat na gulat na tanong ni bro. Justin pala ang pangalan ni Mr. Waving Hand. Nakita ako ni bro na nakakatitig sa kanilang dalawa, "Grabe naman first day na first day ang benta mo na agad tol!" sabay hampas ni bro kay Justin.
"aray!" sigaw nung Justin. Ngumiti na lang sya sakin, at ganun din si bro. Bigla naman akong napaiwas ng tingin kasi mamaya hindi naman pala ako yung nginingitian nya.
*bell rings*
*Opening Ceremony starts*
Pumila na kami sa quadrangle, hindi ko kakilala yung mga katabi ko. Halo halo pa kasi kaming mga Grade seven, after daw ng ceremony tyaka malalaman yung mga sections namin. Tumayo ako sa pinakadulo na kasi nalate ako ng dating. Wala na rin akong makita kundi puro ulo at likod na lang dahil ang tatangkad ng mga tao sa harap ko, hanggang ngayon wala pa rin epekto sakin ang cherifer, halos laklakin ko na ang isang bote para lang tumangkad ako kahit konti. Haaaay.
"okay ka lang?" tanong nung kata-nung Justin? Teka bakit andito sya? I mean sila nung bro? nauna silang umalis sakin sa may gate ng school diba?
Tumango na lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Naririnig ko na lang yung School Principal na nag iispeech na.
"oh." Napatingin naman ako sa nag abot ng puting panyo sakin. Si Justin, tiningnan ko si Bro at nakatingin naman sya sa panyo na iniaabot ni Justin sakin. Teka bading ba tong si bro? mamaya abangan pa ako mamaya sa gate at ipabugbog sa labas. Nako po. T__T
"thanks." Kinuha ko na yung panyo at dahan dahang idinampi sa noo ko, sa sobrang daming tao kasi hindi na kinaya ng aircon. "lalaba-" pagtingin ko sa gilid ko nawala na yung dalawa. Tumingkayad ako para mahanap sila pero hindi ko na sila nakita, hanggang sa matapos na yung Opening Ceremony hindi ko na nakita si Justin at Bro.
Pumunta na ako sa bulletin board kung saan nakapaskil lahat ng Grade seven and their corresponding sections. Bawat isang section 30 students lang ang allowed. Hindi sa maliit ang classrooms dito sa Academy, mas konti mas makakapag focus ang teacher sa mga estudyante nya.
"There you go." I hissed after I saw my unique name on the board.
'Mendez.....'
BINABASA MO ANG
My Prince Of Oz
RomanceIsa ka rin ba sa mga taong naniniwala sa Fairytales, Prince and Princess, Happily ever after, Happy endings at Love... NOON?.. Since that day nawala na lahat ng pinaniniwalaan ko about Love, naglaho ng parang bula, na hindi totoo ang fairytales, wh...