Page 13 – Exams and Top 50 Lists.
Rain's POV..
I was walking at the hallway papuntang second floor ng makasalubong ko sya. Tiningnan ko sya ng mabilis, diretso lang ang tingin nya sa daan. Nung malapit na kami sa isa't isa, nilagpasan nya lang ako.
Tumigil ako at nilingon sya ng mabilis, pero dire-diretso lang sya sa paglalakad, may ilang estudyante ang nakatingin sakin, sa kanya. Hindi ko na lang pinansin yun, mabilis kasing kumalat yung nangyari kahapon dahil sa underground site. Nag usap na rin kami ni Kuya about sa nangyari kahapon ang sabi nya, wag ko na lang daw intindihin ang nangyari because Crixus is an unpredictable man. One, two, three, four, five days na hindi kami nag uusap ni Crixus kahit magkatabi kami, the rooms atmosphere also became quiet, I don't know. Nag usap na rin sila ni Skylar, ang sinabi lang ni Skylar ayaw daw ni Crixus na sya ang nagiging topic sa mga gossips sa academy and that's rude daw.
One week has passed, and today is the first day of exams, kulang na naman ako sa tulog sa sobrang pagrereview kasi I wanted to be on the top 50 list and maintain my rank. Maaga akong pumasok pero dumiretso muna ako sa SCR, pagdating ko wala pang tao kaya nagbuklat muna ako ng math book.
"Good Morning Pres!." Wala ng katok katok si Jack, dumiretso sya sa seat nya at nagbukas ng Physics, "Good Morning Jack, di ka natapos magreview?"
"Last Chapter Pres kelangan ko reviewhin."
"Ah sige." Bumalik ulit ang katahimikan sa room, parehas kaming busy ni Jack sa pagrereview ng dumating sila Alice and Tyler na may dalang breakfast. "Good Morning Pres, Good Morning Jack." Bati nung dalawa.
"Good Morning Tyler, Good Morning Alice." Bati namin ni Jack.
Nakita kong tumingin si Jack dun sa lovers, napangiti na lang ako, "Bakit Pres?" tanong nya sakin, nahuli nya akong nakatingin e, "Wala. Ligawan mo na kasi."
"Sinong liligawan?" mabilis na tanong ni Tyler.
"Si Boone." Sagot ko, "Si Skylar??!!" sigaw ni Alice.
"Pare tinamaan ka na kay Boone?" –Tyler.
"Hindi ah! Wag nga kayong maniwala dyan kay Pres. Kung ano anong sinasabi. Magreview na nga lang tayo!." Sabay buklat nya ng librong nasa harap nya.
"Alam na Pres." Ngisi ni Alice.
*knock! Knock! Knock!*
Napatingin kami lahat sa pinto at sabay sabay nagsabing, "Skylar." Sya lang kasi ang mahilig kumatok bago pumasok sa SCR. Bumukas yung pinto at dumiretso na sya sa seat nya, "Tapos na kayo magreview?" tanong nya.
"Hindi pa rin." Sagot namin lahat. Pagkaupo ni Skylar, tumahimik na ulit kaming lahat at nagconcentrate sa pag aaral.
"Pres, pwedeng mahiram reviewer mo sa Physics?" –Jack. Iniabot ko naman sa kanya yung ginawa kong reviewer, "Eto Calculus." Abot nya ng reviewer nya, after nun naghiraman na kami ng reviewer para mas madali ng biglang may kumatok sa pinto.
Dali daling tumayo si Tyler, "Ako na Pres." At binuksan ang pinto at isinara din agad, lahat kami hinihintay syang pumasok, tumingin ako kay Alice, nagkibit balikat lang sya.
"Skylar ikaw daw."
"Ako? Sino? At bakit daw?"
Biglang tumapat sa pinto yung naghahanap kay Skylar, si Crixus pala, may dala dala syang notebook, tumayo naman si Skylar at lumapit kay Crixus.
BINABASA MO ANG
My Prince Of Oz
RomanceIsa ka rin ba sa mga taong naniniwala sa Fairytales, Prince and Princess, Happily ever after, Happy endings at Love... NOON?.. Since that day nawala na lahat ng pinaniniwalaan ko about Love, naglaho ng parang bula, na hindi totoo ang fairytales, wh...