Page 17 - School Festival
First day of school festival today, and 2 days na ang nakaraan nung araw na hindi ako binalikan ni Crixus sa SCR, two days na din syang text ng text at niisa sa mga text nya wala akong nireplyan. Ayokong dumating na naman ako sa point na maramdaman ko yung hindi dapat. Kaya ngayon pa lang iiwas at lalayo na ako.
"Good Morning Po!" Bati ni kuya guard sakin, 5:40am pa lang kasi andito na ako sa Academy kasi alam kong magiging busy kami today. "Good Morning din po."
I headed straight to the SCR and grabbed the keys to open the changing rooms, may mga costumes kasi kami for today depende sa year and sections kung anong napag usapan. For senior high we have the butler-maid cafe, napaka-usual pero dun maraming votes. Isa isa ko na din inopen yung lights while the teachers were checking each room if ready na ba. Bumalik na ako sa SCR to take my breakfast first then suddenly someone showed up.
"Ang aga mo naman Sari." Habang inaalis ko sa bag ko yung pagkain na hinanda ni mommy.
Pinatong nya yung bag nya sa may chair, "I'm just excited. Last school fest na to, then tomorrow were gonna perform before the fireworks."
"Yeah, I hope everything is gonna be fine."
"Oo naman Pres! Ikaw pa. Magaling president ng student body sa Princeton Academy." Sabay ngiti nya. "But I hope you're doing fine? Unlike nung friday."
"Uhhmm. Okay na ako. Thank you sa pag aalala. At dahil dyan, share tayo sa breakfast ko!" Hinati ko naman yung baon ko at binigay yung kalahati sa kanya.
"Use the spoon" sabi nya, "I'll just use the fork. Thanks pres!"
I was about to grab my drink ng may nahagip akong dumaan sa pinto, a gray haired man. I don't know if namamalik mata lang ako or what. But for today I have to focus in this. At isa pa masyado na akong busy para isipin pa yun.
***
8am ng nagstart dumating ang iba't ibang estudyante from another schools/academy, maraming excited at maraming nagandahan sa set up ng school festival na ginawa ng lahat, may mga booths para sa art, music, souvenirs, photos, lalo na sa food, iba't ibang klase ng mga pagkain ang hinanda ng lower years, meron ding horror house, movie house, at may place din kung saan may karaoke, iba't ibang games at marami pang iba. We wanted to make sure na lahat ng pupunta is mag eenjoy at ma-encourage namin na mag enroll sa next school year.
"Alice! Tyler! Okay pa kayo?" I saw them giving the school map sa entrance, kaya I decided na magdala ng maraming gatorade kasi medyo mainit na sa labas. Nag thumbs up naman sila sakin, at isa isa kong dinistribute yung gatorades na dala ko.
"Wait lang Jack ah, mag refill lang ako sa loob." Si Jack kasi ang naka duty sa registration, bumalik naman ako sa loob ng building namin para kumuha pa ng mas maraming gatorade, nakita ko din pala yung magaling kong kapatid at si Naddie sa butler-maid cafe namin, marami kasing nagdidine at nagpapapicture kaya ayun bantay sarado si kuya kay Naddie. Matic na yun. Hahaha.
"Pres oh." Sabay abot ni Sari sakin ng gatorade, "baka madehydrate ka nyan, di ka ba napapagod?" Tanong nya.
"Hindi pa naman. Tyaka may stroller naman kaya di mabigat. Akala ko may practice kayo ngayon?"
"Papunta na ako, nakita kasi kita, baka makalimutan mong magpahinga or uminom." Ngumiti na lang ako sa kanya, "ikaw talaga, sige na practice na kayo para bukas." Sabay tulak ko palabas ng room sa kanya.
***
Nag ikot ikot na ako sa buong campus, okay naman ang lahat, masaya, dumaan din ako sa room kung saan nagpa-practice ang jawbreakers kasama si Katarina at ilang senior high.
BINABASA MO ANG
My Prince Of Oz
RomanceIsa ka rin ba sa mga taong naniniwala sa Fairytales, Prince and Princess, Happily ever after, Happy endings at Love... NOON?.. Since that day nawala na lahat ng pinaniniwalaan ko about Love, naglaho ng parang bula, na hindi totoo ang fairytales, wh...