Page Nineteen

30 1 0
                                    


Page 19 - Date, Party and Swimming Class

Blake's POV..

Hindi natuloy yung date namin ni Naddie nung Monday night kasi after the school fest marami pa kaming ginawang pagliligpit. Buti na lang nagkasundo kami ni Naddie ko na imove ng Saturday night para mas romantic. Nasa harap ako mg salamin at inaayos yung collar ng polo ko ng biglang pumasok yung kapatid ko.

"Kuya san date nyo?" Tanong nya tapos nahiga sa kama ko.

After ko ibutones yung polo ko, "Sa SHA, katabi ng store."

"Ah." Tipid nyang sagot. After ng school fest parang naging matamlay na tong kapatid ko. Madalas wala daw sa sarili sabi ni Alice at Tyler. At isa pa hindi sila nag uusap or nagkukulitan ni James.

"Kamusta kayo ni James?" Tanong ko bigla, kasi huling nag usap kami ni James nung school fest, yung mascot incident, after nun hindi ko na alam kung anong nangyari na sa kanila. Wag nya lang papaiyakin tong kapatid ko, yari talaga sya sakin!

"Kami? What's with the question?"

"Wala lang, kasi nitong mga nakaraang araw, medyo close kayo."

"Kami close? Hindi kaya. Mas close sila ni Skylar. Ano ka na kuya."

"Bullseye!" Sagot ko, tapos pinanlisikan naman nya ako ng mata.

"What?" Tanong ko tapos sabay ngiti ng pang aasar.

"Ewan ko sayo! Alis na ng ako. Good luck sa date nyo." Sabay tayo at lumabas ng pinto.

"Dalaga na ang kambal ko! Nagseselos na!" Sigaw ko.

Tssss. Lumalaki na nga kami parehas. Kung in love na naman ang kapatid ko, hahayaan ko lang sya, ayoko naman maki-alam sa mga desisyon nya, suportahan lang tulad ng ginagawa nya sakin ngayon. Kinuha ko na yung papel na nilagyan nya ng tips para sa date namin ni Naddie.

*flowers

*chocolates

*photo

*good ambience

*be on time

*just be yourself

*make her comfortable with you

Ilan lang yan sa mga paalala nya, humingi na rin ako ng tips kay Tyler kasi sya tong may lovelife ng matagal tagal na. Kinuha ko na yung suit ko sa cabinet at sinuot yun. Wala kasi parents namin dito ngayon, nasa London para sa conference and meetings.

I grabbed my car keys and went to the flower shop para kunin yung inorder kong flowers from Amsterdam. "I hope this will work." Bulong ko sa sarili ko.

Dumating ako sa tapat ng bahay ni Naddie ng 7:30pm. Maaga ako ng 30 minutes sa usapan. Nag stretch stretch muna ako ng kamay sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kinakabahan na ewan. Sabi ni Tyler ganun daw talaga pag first date, inayos ayos ko pa ulit yung buhok ko sa may rear mirror at nagpabango ulit.

"Blake kaya mo to."

Bumaba na ako ng kotse at nag doorbell sa tapat ng gate nila. Pinagbuksan naman ako ng maid nila at dinala ako sa receiving area ng bahay nila Naddie.

"Sir inom po muna kayo." Tapos nilapag na nung maid nila yung juice sa may table. Uminom lang ako ng konti, jeeeez kinakabahan talaga ako.

After minutes of waiting, she went downstairs. My eyes got stuck on her face. Naka light make up sya, tapos naka dress na kulay pink.

My Prince Of OzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon