Page 23 - The Game
Rain's POV...
Ngayong araw na yung basketball game nila Kuya Blake, Justin Madrigal, Keith Brewer, Vincent Ford at Dylan Ross, sila ang first five ng Royal Dragons. Half day lang ang classes today dahil sa game nila. Umaga pa lang busy na ang Sports Club at Arts Club sa paghahanda para sa practice game mamayang 4pm.
"Uhhhm, Rain." Nilingon ko si Naddie. "Yes?" Sagot ko.
May hawak syang gatorade, isang Red at isang Blue. Sumagot na lang ako ng "Blue."
"Thanks." Kumuha naman agad sya ng basket para ilagay yung gatorades.
"Damihan na natin?" Tanong ko, tumango na lang sya at naglagay kami ng iba pang flavors ng gatorade sa basket at ilang snacks para sa game mamaya. Si Tyler at Alice kasi mag oorder daw ng pizza, si Jack naman umuwi sa bahay kasi nakalimutan yung camera nya, at si Skylar naiwan kasama yung ibang seniors para ipractice yung cheer and dance. Makakalaban ng Royal Dragons and Golden Tigers, isa sa mga matinding kalaban ng Princeton pagdating sa mga sports.
Pumila na kami sa counter at tinext ko si Crixus.
-are you gonna watch?- *sent*
Nag beep naman yung phone ko kaya binuksan ko agad yung phone ko.
-yeah. See me at glass garden first before going to the gymnasium.-
Napakunot na lang yung noo ko pagkabasa ng text nya, nakita ko naman si Naddie na may dalang Peppero's. Napangiti na lang ako sa kanya.
"Your fave?" Tanong ko.
Nag nod naman sya bilang sagot. Binayaran na namin ni Naddie yung mga binili namin at naglakad na pabalik ng Academy. Halos wala ng tao sa mga hallways nung dumaan kami.
"Uhh.. Naddie, mauna ka na sa Gym, may dadaanan lang ako saglit." hinati ko yung shopping bags na dala namin.
"Si James?" Tanong nya.
Napakamot ako bigla sa ulo. "Ah.." Sabay ngiti.
"Don't worry Pres, your secret's safe with me." Tapos naglakad na sya papuntang gym.
Habang naglalakad ako, nilagay ko muna sa bag ko yung pinamili namin para hindi mabigat sa kamay, I fished my phone and texted him na I'm on my way. Binilisan ko na yung lakad ko kasi baka magstart na yung game. Ayokong mamiss ang first game ng kapatid ko, at isa pa yari ako dun. Hahaha!
I opened the door at the glass garden. Nakita kong nakaupo at may hawak hawak na Jamba Juice.
"Crixus." Tawag ko.
"Finally." Then he handed me the other one. Tiningnan ko lang yung inabot nya, "Uh? It's melting."
"Ay Sorry! Anong meron?"
"Nothing. Just craving for Jamba Juice and decided to buy you one." I smiled. Oo na! Ngumiti ako. Aba susmaryosep! Simpleng galawan ng lalaking to, napapangiti ako. kainis.
"Thank you." Sabay abot ko ng Lollipop na nasa bulsa ko.
"Seriously?' Tanong nya.
"Eh.. Yan lang kasi ang nasa bulsa ko." Kukunin ko sana sa kamay nya yung lollipop pero bigla naman nyang tinaas kaya hindi ko maabot. "Papalitan ko na lang ng iba. Akin na."
"Nah, this is fine. I'll keep it." Sabay titig sa mukha ko. iniwas ko naman agad yun, naiilang kasi ako sa mata nya!
"Ta-Tara na! Magstart na yung game." Sabay hatak sa kanya palabas ng glass garden.
BINABASA MO ANG
My Prince Of Oz
RomanceIsa ka rin ba sa mga taong naniniwala sa Fairytales, Prince and Princess, Happily ever after, Happy endings at Love... NOON?.. Since that day nawala na lahat ng pinaniniwalaan ko about Love, naglaho ng parang bula, na hindi totoo ang fairytales, wh...