Page 3: Second Day and After School
"Kuya Leo dito na lang po ako."
"Sigurado kayo ma'am Rain?"
Kinuha ko na yung dala dala kong folders at inilagay yung iba sa loob ng bag, "Opo, para din a po kayo magpapark pa."
"Sige po ma'am, text na lang po ulit kayo pag susunduin ko na po kayo." Bumaba naman agad si Kuya Leo at pinagbuksan ako ng pinto. "Salamat Kuya."
"Wala pong problema ma'am Rain." Ngumiti naman si Kuya at agad pumasok sa loob ng sasakyan. Nagwave na lang ako, nakita ko na lang na nagwave din sya habang papalayo na yung sasakyan. "Good Morning Princeton Academy, and Hello second day." Bulong ko sa sarili ko.
"WWWWWWAAAAAAHHHHHHHHH!!!"
"KKKYYYYAAAAAAAAAAA!!"
Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng gate naririnig ko na ang tilian ng mga babae, napatingin ako sa may parking, may Black Ferrari Laferrari at White Lykan Hypersports na nakapark sa may harap.
"Psh. May carshow ba ngayon?" bulong ko.
Nakita ko na lang na bumaba sa Lykan Hypersports si Justin, "Good Morning!" bati nya sa mga estudyanteng nakapaligid sa kanya.
Sunod naman na nagbukas yung pinto nung Ferrari, yung lalaking matanda! Kulay Gray ang buhok at sobrang suplado, seryoso at isang bulag! "excuse me." Sabi nya dun sa espaltong kalsada.
"WWWAAAHHHHHHHHHHHHH!!"
*Ang gwapo talaga ni Justin!* girl number 1.
*Gwapo din tong si Mr. Gray hair* girl number 2.
*Bago lang yata sya dito, wala naman yan kahapon sa Flag Ceremony* girl number 3.
*Oo nga girl, bakit ang daming gwapo dito sa Academy? Lalong nakakaenganyo pumasok ng umaga.* girl number 2.
And so on and so forth, ang aga aga chismisan agad dito sa lobby. Hindi pa ako nakakhakbang ng biglang may dumating na naman na isa pang sasakyan, and as usual nagsigawan na naman ang mga estudyante, isang Lamborginhi Aventador na kulay pula ang tumabi sa nakapark na Ferrar Laferrari i at Lykan Hypersports, sabi ko nga may car show sa Academy ngayon. Psh.
"Good Morning!" masayang bati nya.. nakita ko naman na kumaway si Blake sakin, ngumiti na lang ako, "excuse me ladies." Sabi nya dun sa mga babaeng nakabalnadra sa harap nya.
"Good morning Rain!" sigaw nya habang papalapit sakin. "maganda yata ang gising mo?" tanong ko. "Kelan ba naging pangit ang umaga ko?" sabay pat nya sa ulo ko.
"Psh. Diretyo room ka na?" tiningnan ko sya ng bahagya, ngumiti naman sya, "Samahan na muna kita sa locker." Sabay akbay nya, halos lahat ng estudyante nakatingin saming dalawa. Nakita ko naman si Justin na naglakad na pauna, ganun din naman si Marquinez.
*Si Pres at Blake ba?*
*bagay sila ano?*
*kaya ba rejected lahat ng babae kay Blake kasi si Pres ang gusto nya?*
"Psh. Don't mind them." Sabay ngiti ni Blake sakin. "I know." Sabi ko ng mahina. Dumiretyo na kami sa locker, as usual ibinaba ko yung ibang gamit na pang mamayang hapon pa naman. Nakita ko naman na pinuntahan rin ni Blake yung locker nya at kumuha ng ilang notebooks.
"Blake!" sigaw ko. "Dadaan muna ako sa Student Council Room, mamaya na lang." nakita ko naman na nag thumbs up sya, tumango na lang ako at naglakad papuntang SCR.
BINABASA MO ANG
My Prince Of Oz
RomanceIsa ka rin ba sa mga taong naniniwala sa Fairytales, Prince and Princess, Happily ever after, Happy endings at Love... NOON?.. Since that day nawala na lahat ng pinaniniwalaan ko about Love, naglaho ng parang bula, na hindi totoo ang fairytales, wh...