01

1.5K 56 23
                                    

Luhan

Nagising na lang ako sa malakas na kalabog na nanggaling sa sala. Sa sobrang lakas nun ay agad akong napabangon ng higa. Chineck ko yung oras; 03:35 AM na ng madaling araw.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako dahil tanaw na tanaw ko na dito sa taas ng hagdan ang mga nagkabasag basag na gamit sa ibaba. Napatakbo ako sa baba upang hanapin si Sehun, ang asawa ko.

Bukas ang ilaw sa kusina kaya sure akong nandoon sya. Nakita kong nakapatong ang dalawang kamay nya sa may counter ng kusina at nakayuko. Omg, bawal syang yumuko. Baka mamatay-- joke. Naku, yari siguro ako nito kung naririnig lang ni Sehun ang mga pinagsasasabi ko.

"S-Sehun? Lasing ka na naman?" nangangatog man ang tuhod ko, ay nilapitan ko sya. Amoy na amoy ko ang amoy ng alak mula sa kanya tanda na nagpakalasing nga sya. Na naman.

Nang mahawakan ko ang braso nya para alalayan sya ay tinabig nya ang kamay ko. Aray ko bhe.

"Wag mo nga akong hawakan!" tipsy na sigaw ni Sehun sa akin.

"Sehun t-tinutulungan lang kita.." pagpapaliwanag ko.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo!" sigaw nya sa harap ng mukha ko mismo. Sa totoo lang, sapakin ko na lang kaya 'to para plakda na agad? Amoy alak ang hininga eh. "HINDI KITA KAILANGAN SA BUHAY KO!" Ouch. Para akong tumalsik sa pader nang sumigaw sya sa tenga ko pa talaga mismo. Oo na, paulet ulet lang? Punyeta, sa araw araw ba namang pinamumukha nya sakin ang mga salitang yan, eh sanay na ako.

"Umalis ka nga!" matapos nun ay binangga nya ako sa balikat bago tuluyang lumabas ng kusina.

Pinilit kong ngumiti na lang. Para akong tanga ano? Actually, hindi parang. Kasi tanga na talaga ako. Ang martyr martyr ko. Tinalo ko pa ata si Jose Rizal.

"Wooh. Hindi kaiiyak Luhan! Kaya mo yan" ani ko sa sarili ko. "F-Fighting.." mukha siguro akong baliw na nagsasalita dito. Peste, sino bang hindi mababaliw kung laging ganyan si Sehun sa akin?

Inayos ko ang mga nagkalat na gamit sa sala. Grabe ha, payatot naman yun si Sehun. Pero bakit parang halos buong bahay, nagiba na dahil sa kanya? May superpowers ata yung baba na yun. Nung tapos ko nang linisin ang sala ay umakyat na ako sa kwarto namin. Muntik na akong madapa nang makita ko si Sehun na nakahiga sa sahig. Aba tungunu.

"Jusko lord. Mabait naman po ako. Bakit nyo ba ako pinaparusahan ng ganito?" sambit ko. Alangan namang mabulyawan pa ako kinabukasan ni Sehun, pinilit ko na lang syang alalayan papunta sa kama namin. Mabigat si Sehun kumpara sa'kin kaya naman halos madapa na din ako. Binagsak ko sya sa kama. Buti na lang, hindi sya tumama sa headboard kundi, naku. Yari talaga ako nito. Huhu, someone please help me. Call 163. T^T

Napatingin ako kay Sehun na mahimbing na natutulog. Ano kayang panaginip nya? Ako kaya? Hihi. Oo siguro ako nga. :'>

Ako, tapos binabato nya sa'kin lahat ng mga damit ko at pinapalayas sa bahay na 'to.

How sweet 'di ba? :'>

Pakyu.

Pinapawisan si Sehun at dahil mabait, maganda at caring akong asawa, unti unti kong tinanggal ang butones ng polo nya. Napalunok ako. Sht.

Walang abs. Pure ribs.

Tinanggalan ko sya ng pang itaas na damit ng hindi man lang sya nagigising dahil sa kalasingan. Buti na lang, kasi baka kung ano pang isipin nito kapag oras na magising sya. Di bale, sasapakin ko na lang sya sa mukha. Kumuha ako ng damit nyang pantulog sa drawer nya. Sinuot ko muna yung pangitaas atsaka yun binutones. Tapos sunod naman ay tatanggalin ko ang pantalon nya.

Loving Oh Sehun (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon