10

710 47 1
                                        

Super tagal ko nang hindi nakakapag-UD. Ajujuju. Mianhe, busy busyhan kasi ako sa school ngayon. Huehue. T^T

-

Luhan

Nakasandal ako dun sa kabilang gilid ng pader habang nasa opposite side naman si Sehun. Tahimik kaming dalawa at ni isa'y walang nagsasalita samin. Pinagmamasdan ko lang sya habang titingin sa relo nya tapos mapapabuntong hininga atsaka isasandal ang ulo nya sa pader. Paulit ulit lang, munggago sya. Parang sirang plaka na ewan.

"Bakit kasi.. ganun ka makareact? Kung sakaling makalabas man si Kyungsoo dito, kaya naman na siguro nyang umuwi di ba?" tanong ko na nagpabasag ng katahimikan. Tiningnan muna ako ni Sehun bago sumagot.

"Hindi mo kilala si Kyungsoo. Sabi ko nga sa'yo di ba, hindi sya masyadong familiar sa mga direction. Yung way lang papuntang school ata ang tanging alam nun.." sagot nya. Napakamot sya sa kanyang batok. "And.. he's innocent. Oo, matalino sya, pero sobrang inosente nya, Luhan. Iba ang takbo ng isip nya. Hindi natin alam na baka, may kumuha na lang sa kanya. At sobrang nagaalala ako. A-Ayoko nang maulit yung nangyari noon."

At ano namang nangyari noon?!

"A..Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Pero matagal bago nya ako sinagot. Nanatili lang syang tahimik habang nakasandal sa pader. "O-Okay lang kung.. ayaw mong sabihin. Hindi naman kita.. pinipili--"

"Nung bata pa lang sya.." pinutol nya ang sasabihin ko kaya hinyaan ko na lang sya magsalita. "I was sixteen, eight years old naman sya. Inutusan ako ni mom na bantayan syang maglaro sa playground nun since si auntie, yung mom nya ay umalis saglit. Eight years old na si Kyungsoo nun pero yung isip nya, pang three years old. Kaya, kailangan talagang may nagbabantay sa kanya." napayuko sya. Gusto ko sana syang sabihan na wag syang yumuko kasi, you know, bawal syang yumuko kasi yung baba nya baka, alam nyo na. Hihi. Pero sa isip ko na lang yun, baka mabwisit pa sya sakin eh. "Kaya lang, hinayaan ko sya. Hindi ko namalayan yung mga lalaking kumuha sa kanya nun."

"What? Ibig mong sabihin, nakidnap sya?"

Ngumiti ng malungkot si Sehun at tumango.

"Yes. At sobrang nagsisi ako kung bakit hindi ko sya binantayan ng maayos. Sinisi ko ang sarili ko pero alam mo yung mas masakit? Sinisisi rin ako nila auntie atsaka nila uncle. Even my mom and dad. Sobrang nadisappoint sila sa'kin. Napakairresponsible ko daw.."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naaawa ako kay Se. Kaya naman pala ganun sya. Kaya pala lagi syang sumusunod sa mga magulang nya, kahit na ayaw nya. Para lang walang masabi ang magulang nya sa kanya, para lang matuwa sila. Pati yung marriage namin, siguro yun ang dahilan kaya kung bakit kahit ayaw nya, napilitan syang gawin.

On the other side, masaya ako dahil naikwento ni Sehun sa akin ang tungkol doon. Nakikilala ko sya ng mas malalim pa. Hindi lang bilang isang masungit, cold at supladong Oh Sehun. Kundi isang responsable, masipag at mapagbigay na Oh Sehun. Kaya nyang ipagpalit ang happiness nya para sa isang responsibilidad. Kaya nyang ipagpalit si Jia sa akin para lang sundin ang gusto ng family nya.

Ako kaya? Kaya ko kayang palitan sa puso nya ang ex nya?

"I-I'm sorry.." sabi ko.

"Bakit ka naman nagsosorry?"

"Hindi ko din alam."

"Naiinis ako sa tuwing nagsosorry ka sa'kin, Luhan. Lalo na kapag wala ka namang kasalanan."

Loving Oh Sehun (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon