08

783 44 11
                                    

Luhan

Medyo disappoint ako. Huhu, wala pa akong first kiss! Maski noong nagkaboyfriend ako noong high school hindi ako nabigyan ng first kiss, hanggang ngayon ba naman?! Jusme, bente dos anyos na ako pero virgin pa din ang labi ko. Oo nagkiss na kami ni Sehun sa chapter 03 pero di ba dampi lang yun? Ayoko namang iconsider na first kiss ko ang aso ko noon dahil duh--- nakakahiya kaya.

Oo na, maharot na kung maharot.

"Kain na tayo," bumalik lang yung isip kong lumilipad nang biglang hawakan ni Sehun ang bewang ko at hinila na ako papunta sa mesa. Mukhang hindi pa rin ako sanay sa mga ganitong galawan nya.

Napatingin ako kay Kyungsoo na sobrang lawak ng ngiti ngayon at kinikilig ata dahil sa ginawa ni Sehun. *sigh* Ewan ko talaga sa'yo Kyungsoo. Kung alam mo lang..

Tahimik kaming kumain. Minsan, napapasulyap sulyap ako kay Sehun habang kumakain sya. Tapos magkakatinginan kami at iiwas ako ng tingin. Hindi ako makapagconcentrate sa pag kain ko, to the point na minsan, muntikan ko pang malunok yung kutsara. Ano ba naman 'to.

-

Nasa loob na kami ng kwarto ni Sehun kaya parang back to normal kami. Paglabas ko ng CR ay nagulat ako ng makita ko si Sehun na nakababa yung boxer nya kaya naman kitang kita ko yung brief nyang kulay white. Clavin Klein tatak mga bhe. Ahuhu. At buti na lang may brief sya. Paano kung wala?!

"Shet." bulong ko na lang at agad na ibinagsak pasara ang pinto. "Are you done?" tanong ko. Napahawak ako sa ilalim ng ilong ko dahil feeling ko nosebleed na ako.

Ilang minuto akong naghintay ng sagot nya pero wala naman. Tss. Kahit kailan talaga, napakasnobber nya.

Lumabas na ako ng CR at nakita ko syang nakasandal sa headboard at nakapatong na naman ang laptop nya sa kanyang hita. Mukhang may ginagawa sya.

"Uh, tulog na 'ko." paalam ko kay Sehun. Tumango lang sya at hindi inalis ang tingin nya sa screen nya. Inayos ko ang kumot ko at humiga.

"I-I love you,.." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.

"Ha?" napalingon sya sakin at parang nagtataka pa. Luh? Ang bingi pala nitong baba na 'to. Ang yaman yaman, walang pambiling cotton buds.

"Sabi ko, I love you. May mali ba sa sinabi ko?"

Umiling sya. "Nothing." sagot nya at binalik ang tingin sa kanyang laptop.

Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit.

"Bakit... hindi mo i-try na mahalin din ako?" tanong ko. Napatingin ulit si Sehun sa akin tapos umiwas na naman.

"Ano bang.. sinasabi mo?" tanong din nya pabalik without looking at me.

"Alam mo, hindi naman tayo dapat nahihirapan ng ganito eh.. Hindi mo na dapat pinoproblema yung pagpapanggap natin sa harap ng pinsan mo kung... matututunan mong mahalin na lang ako."

"Pero hindi ka siya."

Siya.

'Siya' means 'Jia'

"Alam ko.. Alam ko din na hindi ko sya kayang pantayan." malungkot na sabi ko. "Pero.. kaya ko syang higitan, Se. Kakayanin ko."

"You can't."

"Kaya nga gagawin ko lahat eh."

Hindi na sumagot pa si Sehun. Tutok na tutok sya sa laptop nya at seryosong seryoso ang mukha. Nacurious tuloy ako kaya sinilip ko ng kaunti yung screen nya at nagulat ako ng malaman ko kung anong ginagawa nya.

Loving Oh Sehun (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon