Luhan
'Di ko lubos maisip kung bakit mas una ko pang ginawa ay tumayo sa kinauupuan ko at tinulungan si Sehun kahit na ang dungis dungis ko pa. Hinawakan ko ang braso nya para tulungan syang tumayo.
"A-Ayos ka lang?" wrong question, Lu. Gago ka ba? Ikaw kaya pumlakda sa sahig, ayos ka pa din?
Tiningnan ako ng masama ni Sehun atsaka tinulak ang kamay ko. Sya ang tumayo mag isa nya.
"Magiging maayos lang ako kapag umalis ka na dito!" wika nya at lumabas na ng kusina.
Wow. Sinong kambing.
Ang sabihin lang nya, pahiya sya. Plakda sya sa sahig eh. Haha.
Bumalik ako sa mesa at inayos ito. Kakain na lang akong mag-isa. Kung ayaw nyang kumain, wag nya. Basta kung nagugutom sya,sabihin nya lang sa'kin. Nandito lang ako para maging masarap na putahe para sa kanya. Lels. Landi mo Luhan. Kaya ka nangungudngod ng asawa mo eh.
Tinikman ko yung luto ko and eww, ang alat nga. Nasobrahan ba 'to sa asin? Pusang kinalbo naman oh.
-
Nasa 10 pm na ng gabi pero eto, gising pa din ako. Dapat sa mga ganitong oras, masaya na kaming naglalampungan ng asawa ko sa kwarto. Pero malas lang, si Sehun ang naging asawa ko.
Naglilinis pa din ako sa buong bahay dahil sobrang kalat ni Sehun. Halos lahat ata ng sulok ay magulo. Kung di ko 'to tatapusin ngayong gabi, madadagdagan na naman 'to bukas. At baka bukas, mamatay na ako sa pagod. Pag namatay ako, wala ng dyosa ng kagandahan at kasexyhan.
Nang matapos ko ay dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos at maglinis ng katawan bago matulog. Pagpasok ko ng kwarto namin ay naabutan ko si Sehun na tulog na. Nakapatong pa sa hita nya yung kumot tapos sa ibabaw ay yung laptop nya. Agad ko itong tinanggal at pinatong sa side table. Naku Sehun, masama ang pinapatong ang laptop sa hita. Baka mabaog ka, hindi tayo magkakababy.
Oo, pangarap ko pa ding magkaanak kami ni Sehun. Pero gusto kong mangyari iyon kapag yung, natutunan na nya akong mahalin. Para isa kaming masayang pamilya.
Tinaas ko ang kumot ni Sehun hanggang sa tiyan nya. Paano kasi, nakikita ko yung bakat nya, mamaya ma-rape ko pa sya ng di oras. Tapos pinatay ko yung laptop nya. Ang gago, nanonood pa ng porn sa incognito tab. Nung naclose ko na lahat ng mga site na in-open nya, ay bumungad sa akin ang wallpaper ng laptop nya.
Walang iba kundi si Jei Angel Seo a.k.a Jia Seo a.k.a. Sehun's first love.
Parang sumikip yung dibdib ko. Aray ckoeh. Yung utong ko bhe.
Mahal pa kaya ni Sehun 'tong bubwit na ito? Napakaganda nya pa din shet. Nasaang planeta na kaya ito? Mula daw kasi ng mag pornstar 'tong si Jia ay umalis na sya ng bansa.
Well, ano bang paki ko? Wala. Wala akong paki. Abugh maldita.
Ako na ang kasama ni Sehun ngayon. Ako na ang asawa nya. At balang araw, mapapalitan ko din si Jia sa puso nya. Balang araw, ako naman ang gagawing wallpaper ni Sehun, hindi lang sa laptop nya, pati sa cellphone pa.
Dali dali ko nang shinut down ang laptop nya ng mag ring ang phone ko. Mamaya kasi baka magising pa sya at sabihin nyang pinapakelaman ko ang gamit nya. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Taeyong. Kapatid ko.
"Oh, Taeyong? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
[Wala po, Kuya. Gusto ko lang mangamusta dy--]
"Ayos lang ako, Taeyong. Pero pwede ba? Wag mo nga akong tawaging kuya. Kainis ah." sabay fliphair ko. Sa kili kili. Char.
[Ah ganun ba? Eh anong tatawag ko sa'yo?]

BINABASA MO ANG
Loving Oh Sehun (HunHan)
Fanfiction|HunHan| |BoyXBoy| Dahil minsan, may mga tao talagang mahirap mahalin. Yung ikaw na ang gumagawa ng lahat pero kulang pa din. Parang si Oh Sehun. Pero dahil hindi madaling sumuko si Xi Luhan, ay titiisin nya lahat ng paghihirap mapaibig lang ang min...