06

795 49 10
                                    

Sehun

Busy ako habang nakaharap sa may laptop ko ng biglang may pumasok sa pinto. Nabigla ako dahil ni isang empleyado dito sa kompanya namin ay di nangahas na pumasok na lang ng opisina ko ng basta basta na lang.

"Yo Sehun!"

Well, except sa lalaking ito.

"Anong kailangan mo, Chanyeol?" tanong ko sa kanya at binalik ang tingin ko sa laptop ko.

Hindi ako sinagot ni Chanyeol. Sumalampak sya sa maliit na couch saloob ng office ko at tinaas pa ang paa nya sa may mesa. Dafaq, ang kapal talaga ng face nya.

"How's life?" tanong nya sa'kin.

"Wala kang pakialam." straight na sagot ko.

"Aww mali. Dapat pag tinanong kita ng how's life?, isagot mo, time is gold when watching bold."

"Whatever."

Hindi ko na sya pinansin. Bahala na sya magmukhang tanga dyan tutal, mukha naman talaga syang tanga. Ewan ko ba, sa lahat ng nagtatrabaho dito sa The Three Star Company sya lang ang may ganyang kakapal na apog sa mukha ang may ganang sumagot sagot sa'kin ng ganyan. Ni hindi na nya nga ako tinatawag na sir Sehun o kaya Mr. Oh. Well, siguro iniisip nya ay dahil ganun na kami ka-close. Tch. Hindi kaya. Secretary ko lang sya for pete's sake!

Oo, sinadya kong gawing lalaki ang secretary ko atsaka si dad kasi ang nagpasok sa kanya dito. Nagkatrauma na ako noon kay Miranda, yung naging secretary ko bago sya. Muntik muntikan ba naman akong i-rape? At pinagkalat pa nya sa buong kompanya na buntis daw sya at ako ang ama. Mabuti na lang at nawala rin agad ang isyu na yun.

"Sehun--"

"Mr. Oh." pangcocorrect ko sa kanya.

"Masyadong formal!" angal nya naman.

"Then, you're fired."

Nakita kong napakamot sya ng ulo. "Sorry po sir Sehun. Pero gusto ko lang naman ipaalala sa inyo about dun sa party na magaganap sa Wu beach resort." sabi sa akin ni Chanyeol.

Oo nga pala, kailangan kong pumunta sa bussiness party na iyon. Para narin makilala ko si Mr. Wu, ang magiging bussiness partner ko.

Actually, medyo nahihirapan pa rin ako kahit na halos one year na akong tumatayong CEO ng TTS company. Hindi ko alam kung maiinis ba ako kay dad dahil basta basta na lang nya akong sinasabak sa ganito pero naiintindihan ko naman sya. Gusto nya lang akong matuto ng maayos, he's expecting a lot from me. At the end of the day, kapakanan ko pa rin naman ng iniisip nya, nila ni mom.

"Okay. Thanks for reminding me." sagot ko nalang.

"Walang anuman sir." sabi ni Chanyeol at nagthumbs up pa. "Libre nyo na lang akong jollibee mamayang lunch."

Tiningnan ko sya ng masama. Kahit kailan talaga, napaka kapal ng mukha nito. Bakit ko nga hinire 'to bilang secretary ko?! Oo nga pala't si dad ang naghire sa kanya. Hayyss.

"Sir naman eh, masyadong high blood. Eto na nga, lalabas na po." tumayo na sya sa couch at naglakad papuntang pinto. Pero bago nya ikutin ang doorknob, nagtaka ako dahil lumingon sya muli sa akin. "Oh sir, wag yuyuko. Mamaya maging critical pa kayo."

"PARKKKKKK!!!"

-

Luhan

It's been a week mula nang tumira si Kyungsoo dito sa amin. So far, masaya naman akong nandito sya dahil hindi na ako nabobored at isa pa, hindi na ako binubully ni Sehun. Hindi rin sya lumalabas ng bahay dahil ayon kay Sehun, hindi sya pamilyar pagdating sa mga direction. Kapag papasok naman sya, ay may sarili syang school service.

Loving Oh Sehun (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon