09

730 47 4
                                    

Luhan

"Go Luhan! Goooo!" pangcheer ni Kyungsoo sa akin at tinulak pa ako. Muntik pa akong masubsob dun sa may halamang may tinik buti na lang, nakapagbalance pa ako. "Sorry! Hehe."

Napahawak ako ng mahigpit sa stainless na lunch box na dala ko at tumingala para makita ang kabuuan ng malaking building ng TTS. Sobrang laki, sa pagkakaalam ko, hanggang 69 floor daw ito.

"Luhan!" nagulat ako ng itulak na naman ni Kyungsoo ang balikat ko kaya parang bumalik yung utak kong lumilipad lipad.

NAPAPANSIN KO LANG HUH?! LATELY, NAGIGING SADISTA NA SI KYUNGSOO!

"Yah~ Eto na! Eto na nga!" sagot ko sa kanya.

"Ano ba? Ba't ka ba kinakabahan?! Akala ko ba, lagi mo naman 'tong ginagawa??"

Napangiwi na lang ako. Kainis. Tinanong kasi ako ni Kyungsoo kung hinahatidan ko daw ba si Sehun ng pagkain sa trabaho nya, ang sabi ko naman, oo. Eh syempre, baka magtaka pa sya at marami pa syang itanong, baka madulas pa ako sa pagpapanggap namin. Hindi ko naman inaasahan na, pipilitin nyang sumama sa akin habang hahatidan ko si Sehun ng lunch nya.

Nah! Eh sa totoo lang, first time kong gagawin to eh! Huhu! What to do?! What to do?!

Natatakot ako eh.. Paano kung.. kung bulyawan ako ni Sehun pag nakita akong pumasok sa office nya?!

Aish!

"Okay, papaiwan na muna ako dito."

Napalingon ako kay Kyungsoo.

"Ano? S-Sumama ka!" sabi ko sa kanya.

"Hindi na. Ikaw na lang pumunta dun kasi baka mamaya, maistorbo ko pa kayo."

"Eeeeeh! Kyungsoo naman eh!"

"Eh ba't ba ayaw mo? Kakainin ka ba ng asawa mo ha??"

Hindi. -_-

Pero baka pagalitan nya lang ako! ~.~

"Aish-- oo na. Sige na nga." napakamot na lamang ako sa batok ko. Eh ano pa bang magagawa ko ha?!

Lumapit ako dun sa babae na nasa information area ata ang tawag dun at tinanong sya kung saan ang office ni Se.

"Sino po sila?" tanong sakin pabalik.

"Asawa nya."

"Weh?"

Napataas ang kilay ko. Aba't-- bakit ayaw nyang maniwala ha?!

"Asawa nga ako eh! Ano? Nasan ba yung office ni Sehun??" medyo mataray kong sabi. Ahihi, hindi ako sanay. Mabait kasi ako enebe.

"Ay nako, gasgas na po ang lines na yan. Sige, dun muna po kayo sa may waiting area, sasabihin ko nalang kay Mr. Oh na may gustong magpapicture sa kanya."

Napa what the fck? look ako sa sinabi nya. Anudaw? Kelan pa ba naging artista ang asawa ko't may papicture picture pang nalalaman??

"Miss! Hindi ako nagbibiro! Kapag hindi mo tinuro ang office ng asawa ko, huling araw mo na dito!" Banta ko sa kanya pero flinip hair-an ako ni gaga.

"Kung asawa ka, dapat alam mo ang office ni sir!"

"Eh hindi kami close eh!"

"Ano?! May ganun ba?!"

Pitingini. Kung tinuro mo na kasi kanina pa. -_-

Napahilamos ako ng palad ko sa mukha ko. Gusto ko rin sanang isampal tong palad ko sa babaeng nasa harap ko pero dahil mabait ako, hindi ko gagawin yun.

Loving Oh Sehun (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon