Luhan
Maaga akong nagising. Napalingon ako kay Sehun na mahimbing na natutulog ngayon. Katabi ko lang sya pero ang layo ng pagitan namin. Para tuloy 'So close yet so far' ang drama namin.
Tumayo ako at inayos ang kama. Mukhang hindi ata papasok si Sehun ngayon dahil 9:30 AM na. Kadalasan, mas maaga pa sya gumigising pag may pasok sya. Matapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas ako ng kwarto at bumaba papuntang kusina. Parang nawala yung antok ko ng makakita ng usok na nagmumula doon. Nalanghap ko ang mabangong amoy na talagang nakakagutom ng tiyan.
Teka shet, paanong--?!
Dali dali akong tumakbo at nagulat ako ng may makita akong isang taong nakatayo at nakatalikod sa direksyon ko. Naka suot sya ng itim na sweater at itim na jeans. Suot nya rin yung apron ko habang nagluluto sya. Hindi sya ganun katangkad kumpara sa akin.
"S-Sino ka?!" tanong ko.
Lumingon sa akin yung taong yun. Kumunot ang noo ko pero nginitian nya lang ako. Agad na umagaw ng pansin ko yung mga mata nya. Yung mata nyang napakaganda at bilugan.
"Hello po! Good morning!" bati nya sa akin at nagbow pa habang hawak ang spatula. "Ako nga pala si Do Kyungsoo, pinsan ako ni Sehun, pansamantala akong maninirahan dito. Pasensya na ah, hindi na ako gumamit ng doorbell. Binigyan na kasi ako ni tita ng duplicate key nitong bahay nyo eh. Hehe, sorry talaga. Tapos, napagisipan ko kayong handaan ng almusal kasi kanina pa kayo hindi bumababa sa taas eh." madaldal na sabi ni Kyungsoo. Ah, so sya pala ang pinsan ni Sehun na sinabi sa akin kagabi? Hays, jusque. Akala ko naman may magnanakaw na.
"Ah ganun ba." nginitian ko na lang sya pabalik. "Ako si Luhan. Asawa ng Sehun hyung mo. Ilang taon ka na pala?" tanong ko sa kanya at nilapitan sya para tulungan syang magluto. Omelet pala ang niluluto nya.
"16 na po ako. Nasa junior high school." sagot ni Kyungsoo.
Natapos kaming magluto. Hinanda na ni Kyungsoo ang almusal sa mesa habang ako naman, papunta sa kwarto para gisingin si Sehun. Pero sakto naman dahil nung nasa hagdan na ako ay lumabas na sya.
"Sehun hyung!" bati agad ni Kyungsoo kay Sehun pagkakita nya rito.
"Kelan ka pa dumating?" tanong ni Sehun.
"Kanina lang po umaga." sagot ni Kyungsoo at hinila na ang isang upuan para makaupo na sya. "Tara, mag almusal na tayo. Kami po ni Luhan ang nagluto nyan."
Tumango na lang si Sehun. Napatingin ako kay Kyungsoo, ang lawak lawak ng ngiti nya. At sobrang cute nya kasi para syang bata. Napakainosente pa ng mukha. May kamukha nga sya eh. Cartoon character. Si pororo-- joke.
"Kain na tayo," aya ko kay Sehun. Nung maglalakad na ako papunta sa mesa ay nagulat ako ng hapitin nya ako sa bewang.
Sht. Bakit?
"S-Se--"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil hinila na nya ako papunta sa lamesa at magkatabi kaming umupo. Wow lang, first time ito. Huhu. #XLH's2ndWIN na ba? Hindi pa rin ako nakakarecover dahil sa gulat pero narealize ko na yung kamay ni Sehun ay nasa bewang ko pa din. Kumuha sya ng fried rice gamit yung free hand nya at nilagay iyon sa plato nya. Tapos nagulat ako ng ilayo nya yung plato ko at iginitna yung plato nya sa amin.
Teka, anyare? Anong brand ng medyas ang nasinghot nito ni Sehun ngayon?
"Luhan," tawag nya. "Say ahhh."
Luh!! What to do?! What to do?!
Napanganga na lang ako ng di oras kahit naiilang ako kasi yung kutsara, papalapit na sa bunganga ko. Hindi ko talaga magets si Sehun kasi.. bakit ang sweet nya? Huhu, tungunu mo vava.
"Wow, ang sweet nyo naman." napalingon ako kay Kyungsoo na kanina pa pala nakatingin sa amin. Nginitian ko na lang sya ng awkward. Kung alam mo lang gague.
Kinuha ko yung kutsara at tinidor kay Sehun.
"A-Ako na ang kakain." sabi ko. Tumango naman sya habang emotionless pa din ang mukha.
Nung susubo na ako ng pagkain, bigla akong niyakap ni Sehun sa bewang; Inilapit nya pa ang mukha nya sa leeg ko at parang nararamdaman ko syang dinadampi ang labi nya.
*cough cough*
"T-Tubig!" hirap kong sabi habang tinuturo yung pitsel. Tanginugh. Nasamid tuloy ako ng di oras dahil sa pinaggagagawa ni Sehun! Ugh! Ano ba 'tong nasa isip nya?! Ano bang ginagawa nya?!
Dali-dali namang kumuha si Sehun ng tubig sa pitsel at binigay iyon sa akin, ininom ko yun agad. Wooh shet!
"Jagi, dahan dahan naman kasi."
Napabuga ako ng iniinom ko. Jagi daw oh! Tangina, kagulat gulat ang mga nangyayari ngayon araw na ito! Isa na ba itong himala?! OMO! May himala!! May himala!! Woooh!! Magpapaparty na ba ako?! Fota sarap sakalin ni Sehun!
Napatingin ako kay Sehun na nakakunot na ang noo sa akin. Kinabahan ako bigla. Sisigawan na nya ba ako?
Pero hindi ko inaasahan na naman. Hinubad nya ang sando nyang suot at pinunas iyon sa akin.
"Jagi naman. Sabi ng dahan dahan lang eh." sabi nya.
Puta! Paano ako kakalma nito kung jagi sya ng jagi?! Sapakin ko kaya sya sa bulge.
"H-Hehe.. Sorry." sabi ko nalang.
"Yaaaah! Ang sweet nyo talaga!"
Napalingon kaming dalawa ni Sehun kay Kyungsoo na nakahawak ang dalawang kamay sa bibig at pinipigil ang kilig nya. Teka, ang harot nitong batang 'to ah.
"Syempre. Kami pa." Sagot naman ni Sehun.
Natapos kaming kumain ng almusal at halos hindi ako nabusog. Paano, hindi ako makapagconcentrate. Feeling ko, natatae ako. Yuck, kadiri.
-
Dahil walang pasok si Sehun, nandito kami ngayon sa sala. Nanonood kaming tatlo ng TV. Si Sehun, yakap yakap ako. Tapos yung ulo ko, nakapatong sa chest nya. Hindi nga ako mapakali eh. Kasi nakapatong yung baba nya sa ulo ko. Huehue. Baka mamaya, mabutas ang bunbunan ko nakuu. Yare.
"Sehun hyung, magpapalit muna ako ng damit." paalam ni Kyungsoo.
"Okay," sagot naman ni Sehun, dumiretso si Kyungsoo sa may guest room at nang makapasok sya doon ay nagulat ako ng bitawan ako ni Sehun at hinarap sa kanya.
"Luhan, makinig ka." sabi nya sa akin. Hawak pa ako ni Sehun sa magkabilang braso. "Bukod sa school, tayo ang sinadya ni Kyungsoo dito. Para bantayan tayo, para bigyan ng balita si mom sa mga nangyayari sa'tin. Kung ayos ba tayong dalawa."
Napatango ako. Ano bang... gusto nyang sabihin?
"Ayokong magalit ang mom sa akin. Kaya kailangan nating magpanggap. Mapanggap tayong mahal natin ang isa't-isa." dagdag nya pa.
Wow. Napangiwi ako sa sinabi nya.
Ha.Ha.Ha. Nakakatawa.
Tangina.
Magpapanggap kaming mahal namin ang isa't-isa? Wow, ang sakit nun ah! So talagang pinamumukha nya sa aking hindi nya talaga ako mahal?! Na hanggang pagpapanggap lang ang kaya nyang gawin? Ang mas nakakatawa pa, magpapanggap daw akong mahal ko sya. Eh gago pala sya eh! Mahal ko naman talaga sya, bakit kailangan ko pang magpanggap?! Punyeta ka Sehun, oo. Kahit mahal kita, kaya kong kalbuhin yang pubic hair mo pag ako nainis sa'yo!
Gusto ko syang ihagis sa balcony ng bonggang bongga at ihampas sa pader ng paulit ulit pero wala naman akong magagawa kaya tumango na lang ako.
"K," Labag sa loob kong sabi. Kahit na putangina nya.
Maya maya'y bumaba si Kyungsoo matapos nyang makapagpalit. Niyakap ulit ako ni Sehun at niyakap ko sya pabalik ng mahigpit yung as in hindi na sya makakahinga.
Okay na rin 'to Luhan. Malay mo, matutunan kang mahalin ng asawa mo kapag tumagal. Basta, ipagdasal mo na lang na isang araw, totohanin ni Sehun ang lahat.
Juice colored. Sana matablan si Sehun ng kasexyhan ko. >_<
-

BINABASA MO ANG
Loving Oh Sehun (HunHan)
Fanfiction|HunHan| |BoyXBoy| Dahil minsan, may mga tao talagang mahirap mahalin. Yung ikaw na ang gumagawa ng lahat pero kulang pa din. Parang si Oh Sehun. Pero dahil hindi madaling sumuko si Xi Luhan, ay titiisin nya lahat ng paghihirap mapaibig lang ang min...