Chapter 4

266 8 0
                                    

Clarrise

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang date namin ni Nathan, kahapon ang sweet niya at gentleman. sabi ko nga sa kanya bakit ako nililigawan niya madaming iba diyan na mas higit pa sa akin. may balak na sana niya daw ako ipakilala kay Headmistress Sophie kaso naging busy ito. banggit ko nga ang bilis niya ako ipakilala sa Headmistress at sa Frazier family ilang araw pa lang kami magkilala. bigla tuloy ako kinabahan. Nandito na ako sa Elites Academy hindi tulad ng ibang estudyante makita pa lang ako parang nandidiri na sila akin lalo na ang mga babae dahil scholar, mahirap at commoner lang ako dahil don wala man lang gustong kumaibigan sa akin ngayon. bukod kay Ate Jasmine na pagkaka-alam nila na kaibigan ko lang siya. may naririnig ako mga bulungan araw-araw ng ganito ang eksena kaya nasanay na ko.

"Paano kaya siya nakapasok dito?"

"Hindi ko alam girl, pero alam natin lahat na pang-lima siya pinaka-mahirap na estudyante."

"Bakit kasi may limang mahihirap nakapasok sa Academy."

"Biruin niyo natiis niya ang pambubully dito akala ko nga aalis na siya."

"Malamang ginagamit lang niya si Jasmine para sumikat"

"Oo nga girl, bakit kinaibigan ni Jasmine, ang scholar at commoner na tulad niya."

"Sayang maganda siya pero walang fashion sense at ang cheap ng suot nya dahil poor lang siya kaya di nakakapagtaka iba ang kulay ng uniform niya sa atin."

"Mayroon siguro siyang sugar daddy eww kadiri siya pumatol ba naman sa matanda isa siyang slut." ang sakit matawagan ng slut hindi totoo. nag-aaral ako ng mabuti. pero ang mga kaklase kong lalaki ay laging lumalapit sa akin. dahil na rin sa pag nagtatanong sila tungkol sa academics ay tinutulungan ko sila na walang halong malisya sa akin. Siguro 'yun ang dahilan kung bakit galit sa akin ang mga kaklase kong babae. iniisip nila na inaagaw ko ang mga boyfriend nila. kahit hindi naman.  puro mayayaman ang nag-aaral dito dahil  branded ang mga gamit nila mula damit, sapatos, pabango, gadget, bag, at accessories at napapansin ko sa tuwing pinapakita nila kung ano man ang mayroon sila ay lumalabas parang nagpapasikatan at nagpapayabangan lang sila. dahil sa suot ko na mumurahin kaya madalas din ako mabully pero hanggat makakaya ko ay umiiwas ako nakaya ko ang pambubully nila ng ilang buwan. makakaya ko pa rin ito ngayon at susunod pang mga taon hanggang makatapos ako. Panibagong araw na naman ito.  grabe ang laki talaga ng Elites Acadamy ang pinakamahal,pinakasikat, pinakamaganda at pinakamagarang eskwelahan sa buong mundo wala itong branch ang ibig sabihin ay nag-iisa lang ito at sa Pilipinas matatagpuan ewan bakit sa Pinas pa pwede naman sa ibang bansa? bawat sulok ay may mga maliit na camerang nakakabit at may aircon din sa bawat classroom kahit corridor ay mayoron. pagpasok pa lang ay automatic ay may attendence na dahil sa nilagay nilang device na kayang mag-check ng attendance. kaya rin tukuyin kung sino ang absent ngayon araw na ito at ipapadala sa magulang kapag di pumasok. bawal din pumasok ang mga outsider dahil kapag sa oras na may makapasok na hindi estudyante ng Elites Acadamy agad madedetect ng animal robot na si krunos. si Dr. Maine Caster na kabilang sa top bachelorette in the world at Ultimate 8 ang nagdesign at gumawa sa robot na ito.  hindi kami gumagamit ng handanan sa halip ay escalators at elevators kaya lahat ng elites ay escalator at elavator na ang gamit sa pag-akyat at pagbaba. tulad ng sinabi ko. Kanina dito matatagpuan ang mga pinakamagagaling na estudyante sa mundo and numero uno din pagdating sa acadamics at sports. kumpleto ang pasilidad. mayroon silang kanya kanyang condo na hiwalay ang babae at lalaki saka 30 palapag diyan sila mag-stay sa condo unit nila at mayroon din daw tig-isang mansyon sa loob dito sa loob ng acadamy ang mga mayayamang estudyante. may high class hotel,restaurant, mall, hospital,supermarket, cathedral church kung saan pwede silang pumunta ng simbahan kahit anong oras. airport kung saan dito pwedeng maglanding ang mga helicopter, chopper, jet o private plane ng mga elites na nag-aaral dito. nandito din ang pinakamalaking library sa buong mundo kung saan dito matatagpuan o mababasa ang mga iba't ibamg klase ng libro. madalang na lang sa patak ng ulan na puntahan pa ito. pero dahil gamit dito ay loptop, ipad, tablet, o cellphone sa mga gabget na yun na nilalagay ang mga aralin namin at hindi kami nagsusulat o gumagamit ng notebook. nandito din ang pinakamabilis na internet access kaya malaya ang mga estudyante dito na mag-youtube, twitter, instagram, facebook o kaya maglaro ng mobiles games hanggang sa magsawa sila. madownload ang di mabilang application ay pwede din pero kapag walang prof syempre. Ang mga prof. at screen ang gamit sa pagtuturo. pero kapag may quiz o exam ay gumamit din kami ng papel. theme park na parang enchanted kingdom pero mas high tech ang mga rides dito. sport stadium kung saan ang capacity 200,000, thousands seats. dito ginaganap ang mga sports tulad ng football,swimming,baseball,track and field, gymnastics at iba pa. arena kung saan ang capacity ay 60,000 seats dito kung concert o opera na ginagawa. sayang nag-concert dito sa Arena ang Star Blaze kaya lang di ako nakapunta. race track na may napakalaking screen ay mayroon din. Kaya lahat ng luho ng mga elites ay nandito na. kaya hindi ako magtataka kong ayaw na nilang umuwi at bawal din lumabas ang mga elites na walang pahintulot ng headmaster at headmistress , sila ang namumuno sa academy. aminin ko man o hindi nasasaktan pa rin ako lalo ng sinabihan pa nila ako ng slut. kahit walang katotohanan sa mga sinasabi nila. Tiningnan ko ang oras ay may 20 minutes pa ako bago magsimula ang klase. binalot ng katahimikan ng dumaan ang Royal 5 kaya yumuko kami sa kanila. ang Royal 5 ay grupo ng tatlong prinsesa at dalawang principe mula sa ibang bansa. Sa wakas nakarating na rin ako sa room namin at umupo sa may likuran na malapit sa bintana. mabuti wala pa sila dahil na rin siguro maaga talaga ako pumasok kaysa sa kanila. Pagkatapos kinuha ko ang notebook sa bag ko dahil may quiz pala kami mamaya. Nagreview na lang ako habang hinihintay ko ang mga kaklase ko at guro. Makalipas ang ilang minuto may bumukas ng pintuan indikasyon na nandito na ang mga kaklase ko dahil limang minuto na lang. bago magsimula ang klase. pagkatapos ay nagsidantingan na lahat sila. Dumating na din ang guro namin na si Prof. Arnold Macassar, upang magturo bukod sa gwapo na ay mabait pa.

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon